—Ayla—
Nandito na kami sa dorm ni Piah. As usual sobrang ingay nila Meya at Lawrence. Nag-aasaran na naman ang dalawa. Habang si Feya naman ay natutuk sa libro niya, grabe talaga hilig neto sa libro eh kahit saan may dalang libro. Si Gian naman busy sa mobile games niya, kalaro niya si Jack. Si Piah naman ay binubugbug si Keth dahil kumuha na naman daw ng chocolates sa ref niya. Si Noah ay comportableng naka upo sa sofa. Ako naman ay naka upo lang at pinagmamasdan sila.
Nilibot ko ang tingin ko ng hindi ko makita si Riyan.
"I'm right here" biglang sabi ni Riyan na galing ata sa kusina. Wow, mind reader ba to?
"Halata sa itsura mo na hinahanap moko" tumingin siya sa mata ko habang sinasabi iyon, agad akong umiwas dahil nakaka lunod ang tiig niya. Those damn eyes, wala mang emosyon pero ramdam kong maraming tinatago.
Umupo siya sa tabi ni Noah na parang wala lang, may hawak pa siyang ice cream. Wow feel at home, she's cute and funny.
Hindi man lang namin siya makitaan ng takot sa mukha. Well halos lahat ng nandito ay takot sa'min dahil top 10 kami at anim sa'min ay princessa at principe.
Gian Gail, Prince of Earth land. Meya Silt Princess of Air land. Keth Walt, Prince of Water land. Noah Amel, Prince of Fire. and Jack White, Prince of Kapital.
Ang parents ni Jack ang namumuno dito sa Kapital. Sila ang centro ng lahat at mas tinitingala. Hindi naman talaga siya ang tagapagmana ng kaharian nila, dapat ang ate niya. Ang nawawalang princessa.
——
—Noah—
Habang nakapikit ako ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko. Minulat ko ang mga mata ko at tinignan kung sino.
It's her, the weirdo and mysterious girl. Comportable siyang umupo, tinaas pa talaga ang isang paa habang kumakain ng ice creams. Feel at home.
"Staring is rude"
Agad akong umiwas ng tingin ng magsalita siya. Actually wala naman talaga akong pake sa kaniya, bahala na siya jan.
"You're a common" saad ko habang nakapikit ulit.
"uhmm" sagot naman niya, parang hindi nga takot samin tong babaeng to.
"Bakit marunong ka mag english?" pang-uusisa ko.
"Chismoso pala ang leader ng Elites" halata sa boses niya na may pang-asar. Hindi ko siya sinagot, nacucurious lang naman ako bakit marunong siya mag english.
Tumahimik nalang ako at nag isip-isip. Ilang minuto nakalipas ay nagsalita siya.
"Ano yung feeling na naiipit ka? naiipit sa sitwasyon?" saad niya. Minulat ko ang mga mata ko at tumingin sa kanya. May pinapatamaan ba siya?
"What?" takang tanong ko sa kanya.
"Walang sekretong hindi nabubunyag, Noah" walang ganang saad niya at biglang tumingin sa mata ko. Damn, nakakalunod ang mga mata niya.
"Anong ibig mong sabihin? Anong alam mo?" Seryoso kong saad habang nakatingin parin sa mata niya. Bigla itong ngumit at tumayo.
"Alam mo ang ibig kong sabihin" huling sinabi niya at umalis na patungong kusina ni Piah.
What the hell? Anong alam mo Riyan? Bakit parang ang rami mong alam saamin, ngunit kami walang alam tungkol sayo. Tanging pangalan lang, pangalan na hindi din namin alam kong totoo ba.
Nagsi-uwian na kami sa aming dorm, dahil bukas magsisimula na kami bukas mag eensayo. Magiging mahirap to.
Pagsinabi kong mahirap, legit na mahirap talaga. Malalakas man kami pero nahihirapan parin kami sa mga ensayo.
Napapa isip parin ako sa sinabi ni Riyan. May alam siya at dapat hindi ito malantad.
Umaga na at sinalubong kami ng isang announcement. Monday na pala ngayon.
"Goodmorning, Elites proceed to my office"
Nagsama-sama kaming elites except kay Riyan na hindi namin alam kong nasaan na.
Pagpasok namin ay agad kaming nagsi-upo sa upuan.
"Nasaan si Riyan?"
Hindi pa namin nasasagot si Head ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Riyan. Agad din itong umupo sa bakanteng upu-an.
Nagtataka talaga ako bakit hindi niya tinatanggal ang nakatakip sa buhok niya. Hindi tuloy namin alam kong ano ang kulay neto.
Kung nagtataka kayo kung ano ang kulay ng aming mga buhok, ito lang naman kung ano ang kapangyarihan namin ay tumutugma ito sa kulay ng buhok namin ngunit may highlights. Ang akin ay puti na may highlights na pula. Lahat kami may highlights na dahil matataas na ang aming level at isa pa, royalties kami.
"Pinatawag ko kayo dahil mag iiba ang schedule niyo. Ang magkapatid na Fairy ay hindi muna makaka punta dito—" Hindi pa natatapos ni Head ang kanyang sasabihin ng biglang sumigaw itong mga kasama ko.
"—dahil sila ang nakaatasan sa mangyayaring paligsahan sa susunod na linggo" Pagpapatuloy ni Head.
"Paligsahan?" Tanong ko naman.
"Sa susunod na linggo ay pupunta dito ang iba't ibang warriors na nanggagaling sa iba't ibang planet. Sila ang mag rerepresenta sa mundo nila. Kayo, mga elites and mag rerepresenta sa ating planeta"
paliwanag ni Head saamin.May apat na planeta sa buong mundo, Ang aming mundo ang pinakamalaki. Una ang Irsya, sumunod ang Cfera, Karsisa at ang mundo namin Magica.
"Saan gaganapin head?" tanong ni Meya.
"Sa Magica Arena"
Ang magica arena ang isa sa pinakamalaking Arena sa buong mundo. Medyo malayo ito dito.
"Sa Friday ay agad na kayong aalis dito, isang linggo kayo mamamalagi duon" excited naman ang mga kasama ko dahil sa sinabi ni head pero di nila alam ga'no ka hirap ang mga gagawin sa paligsahan nato.
"Sa ngayon ay kayo muna ang mag ttrain sa sarili niyo, excuse kayo sa lahat ng subject. Mula ngayon hanggang sa friday" saad ni Head. Agad naman kami nitong pinalabas ng matapos na sasasabihin.
"Excited na ko omooooo!" tili ni Miya. Nakakarindi boses nito napaka tinis.
"Oh me too, baka marami handsome coming" saad naman nitong si Piah. Letseng conyo yan.
Hinanap ko naman si Riyan, Gusto ko sana siya kausapin.
"I'm here" Agad akong napalingon sa likod ko ng may nagsalita. Mind reader ba to?
"Halata sa galaw mo na may hinahanap ka" walang ganang saad niya.
"May pag-uusapan tayo" saad ko.
"Ah, gusto mo malaman kung ano ang alam ko at papatahimik moko kung sakaling yung alam ko ay ang pinaka tinatago mong sekreto?" diritsang sabi niya habang nakatingin sa mata ko.
"Straight to the point, wow" namamangha kong saad sa kanya. Hindi manlang nagpaligoy-ligoy.
"uh-hmm" Tanging sagot niya.
"Anong alam mo?" seryoso kong sabi.
"Kung anong nasa isip mo" nakangiting sabi niya.
"What?" ako.
Tinginan niya lang ako at nilagpasan na ako.
"Wag kang magkakamaling ilantad ang mga nalalaman mo, hindi mo kilala binabangga mo" seryosong sabi ko.
"Lahat kayo may sekretong tinatago Noah, hindi kayo kasing linis tulad ng iniisip ng mga estudyante dito" kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam kong nakangiti ito.
"Malinis ka ba Riyan Harris?" ako.
"Yes, naligo ako kanina" sabi niya saka umalis. Bwesit na babae yun. Anong nalalaman niya? Hindi lang ako ang may sekreto? Ano ang tinatago mo? Ano ang tinatago ng Elites? Tangina.
YOU ARE READING
She's back
FantasyBabae, hangad ang normal na buhay kaya naman umalis ito sa mundo niya at namuhay ng payapa sa mundo ng mga tao, labinlimang taon nakalipas at siya ay mag babalik, she's back.