THE GUY WHO ONLY APPEARS WHEN FULL MOON

2 1 0
                                    

"Ay, ang liwanag ng buwan ngayon."

"Tara laro tayong tagu taguan!"

"Sama ako!"

Nagsitakbuhan sila doon sa likod ng bahay. Doon magandang maglaro kasi mas malapit at maliwanag ang buwan. Nakakaganang maglaro.

Nandito kami sa taas ng burol nakatira. Mas masayang tumira dito kaysa sa syudad.

Agad na may naiassign na taya kaya kaagad akong maghanap ng mapagtatagoan para hindi kaagad ako makita.

Pansin kong madali lang akong mataya dito sa pinagtatagoan ko kaya umatras ako nang dahan dahan para hindi mahuli.

Kaso mali atang usog ako ng usog dahil saka ko lang namalayan na nasa dulo na pala ako at malalaglag na.

Hindi ko na mabalance ang sarili kaya hinayaan ko na lang na mahulog ako.

Naghintay ako ng pagbagsak pero naramdaman kong may kamay na nakalapat sa bewang ko.

Nagmulat ako ng mata at nakita kong ang isang batang lalaki.Kasing edad ko din ata.

"Magiingat ka."sabi nya at tinayo ako ng maayos.

Ay Knight and shining armour ko sya.Sabi kasi ni mama kapag may nagligtas sayong lalaki knight and shining armour mo daw yon.

"S-sino ka?"tanong ko sa kanya.

Ngumiti lamang sya at lumakad kaya sumunod na lang ako sa kanya.

Namalayan kong papunta kami sa may malapit na ilog na may mga bato.

"Saan ka nakatira?Pano ka nakaakyat dito sa amin?"inosente kong tanong.

"Hindi ako ordinaryong tao."sabi nya kaya nagulat ako.

"Hala bampira ka?"tanong ko .

Narinig ko ang pag tawa nya.

"Hindi.Tao ako pero parang hindi.Ang gulp diba?"sabi nya kaya sumang ayon talaga ako.

"Lagi akong nandito, Jelly." sabi nya pa na siyang ikinagulat ko talaga.

Pano n'ya kaya nalaman ang pangalan ko?

"Lagi kitang nakikita.Pero andito lang ako sa tuwing bilog ang buwan."sabi nya ulit.

"Ah tapos wala ka na ulit mamaya?"tanong ko.

Tumango sya.

"Saan ka kapag hindi bilog ang buwan?"tanong ko.

"Wala.Nasa madilim akong lugar.Walang makikita.Hindi makagalaw." sabi nya.

Nalungkot naman ako.

Ang lungkot doon siguro. Wala syang kalaro.

"Pero naeexcite naman akong bumalik kasi pag babalik ako laging ikaw ang nakikita ko."sabi nya sabay pisil sa pisngi ko na syang ikinainis ko.

Ang sakit sakit kaya.

Nagkwentuhan lang kami. Hindi ko na namalayan ang oras at kailangan ko na palang matulog.

Hinahanap daw ako ng mga kalaro ko kaya nagpalusot na lang ako.

Lumipas ang mga buwan na laging ganoon. Si Alejo, na laging nagpapakita lang pag bilog ang buwan ay inaantay ko lagi.

Hinihintay ko talagang magbilog ang buwan at hihintayin ko sya sa dulo ng burol o hindi kaya doon sa may ilog para makalaro.

Pero hindi laging ganoon.

Hindi ako habang buhay na bata. Kailangan ko pa ding bumaba ng burol at mag aral sa syudad.

Ilang taon na ang nakalilipas pero hindi ko pa din sya makalimutan.

THE GUY WHO ONLY APPEARS WHEN FULL MOONWhere stories live. Discover now