Private 27: Cross road

15.7K 147 9
                                        

Private 27: Cross road

"HELLO PHILIPPINES!"

"Ang OA ha, daig pa si Toni Gonzaga sa pagsigaw mo...baka gusto mo pang dagdagan ng Hello World."

"Ewan ko sayo Jerald, let's go."

"Hoy babae, wag na wag mo kong matatawag na Jerald...it's Jeraldine! JE.RAL.DINE."

Si Je, baklita yan. Nakilala ko siya sa Japan nung depressed ako tapos naging magbestie kami. Madami rin kasing kadramahan sa buhay yan, kung anong problema ni Vice ganung-ganun din siya.

Tinawagan ko si Hero para sunduin kami at ihatid sa condo ko, don din kasi tutuloy si Je.

"Hello baby Vera, dito ka kay Tito Hero."

Kinuha niya agad ang anak ko pagdating pa lang niya, sabi sa inyo siya talaga ang ama. hahaha! Hindi alam ni Rev tong pag-uwi ko, surprise nga kasi. JOKE!

"Di mo naman sinabi yummy si Hero ..edi sana brineak ko yung jowa ko bago ako sumama sayo dito."

"Wag kang malandi."

Lakas ng appeal nitong Hero na to, pano kaya kung si Je na lang sa kanya? EEEEW! Wawa si Hero, momolestsahin lang siya ni Je.

Pagkahatid samin ni Hero umalis din siya agad, may meeting daw sila sa office. Okay na nga rin pala sila ni Rev, sinabi niya sakin yun noon. Kasama daw sa meeting si Rev, pero babalik siya mamaya para kay Vera.

*****

Hero's POV

Nandito na ko sa meeting ngayon, kompleto kami kaya kahit na ayaw kong iwanan si Vera umalis pa rin ako. Ang cute kaya ng batang yun, kaya tuwang-tuwa ako. Pag may time, nanakawin ko talaga kay Jasmine yun.

Si Mina? Wala pa rin akong balita sa kanya, mahal na mahal ko yun. Hinihintay ko lang naman siyang bumalik para maging okay na ang lahat between us.

*riiing riiiing

Tumatawag si Jas? May nangyari kaya? Sakto namang 5 minutes break sa meeting kaya dito ko na rin sa loob sinagot ang tawag, lumayo lang ako ng konti yung rinig pa rin ni Rev. hahaha!

"Hello Jasmine, bakit?"

| Nandito kami sa MOA, dito ka na dumeretso mamaya kung pupuntahan mo si Vera.|

Naririnig ko sa kabilang linya yung tawa ni Vera pati mga reklamo ni Je. Hahaha!

"Anong nangyayari diyan?"

| Nilawayan kasi ni Vera yung balikat ni Je, grabe naman kasing bakla to. Lakas maka-off shoulder.|

"Okay sige. Ingat kayo diyan, susunod na lang ako. Bye."

Pagkababa ko, nakatingin nga sakin si Rev. Epektib to, alam kong susunod yan mamaya sakin. Haha!

*****

Rev's POV

2 years...it's been 2 years ng umalis siya! Dalawang buwan ako nung nagkulong lang sa kwarto at uminom. After kong maisip na walang kwenta yung ginagawa ko, hinahanap ko agad siya.

OO nahanap ko siya pero hindi ako nagpapakita sa kanya, alam ko ring may anak kami. How I really want to be beside her during her pregnancy, gusto kong sabihin na lagi lang akong nandito para sa anak namin pero wala akong lakas ng loob.

"Hello Jasmine, bakit?"

Napatingin ako kay Hero, alam ko rin na nagkikita pa rin sila pero wala ng galit. Alam kong kaibigan lang ang turing niya kay Jas, si Mina pa rin ang mahal niya.

Sex PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon