Chapter 1: Day 1

6 1 0
                                    

Sapphire's POV

I live in a world, where life is full of choices, I mean, literally. Turning 16 is a big deal, 'cause it will change your whole damn life.

'And now, its my day.'

"Oh my gosh! I'm sooo excited! You're turning 16 in 5 minutes, honey." mom said while pinching my cheeks.

"Mom! It hurts, stop it!" I said while holding my cheeks and looked at my mom, pouting.

"Honey, are you not excited?" she asked with sparkling eyes.

"Of course, I am. But you're more excited than me! Hindi naman po kayo ung magbibirthday, e." I said, still pouting. Yes, I'm excited pero mas kinakabahan ako.

"Pagpasensyahan mo na ang Mommy mo, Sappy. Maybe she remembered the time we got to choose for each other, at ung unang kilig na naramdaman nya sakin HAHAHAHA---aray!" napatawa ako nang biglang kurutin ni Mommy si Dad at nakatingin sa kanya ng masama. Napangiwi naman si Dad pero nung nakabawi sa sakit ay agad na ngumisi.

"Hindi kilig ang naramdaman ko, inis yun!" inis na saad ni Mom at inirapan si Dad.

"Sorry na nga, e." sabi ni Dad then, niyakap nya mula sa likod si Mom. At ang nanay ko naman kasing pula na ng kamatis. Hindi ko lang alam kung dahil ba yon sa inis o kilig.

"Ewan ko sayo, Samuel. Bitawan mo nga ako." Mom said, trying not to smile, but of course, failed.

'Hay, ang rupok ng Nanay ko.'

Pero nakakatuwa na staying strong pa din sila. Madalas na tampuhan pero naaayos naman agad, like sanaol. Nangalumbaba ako at tinitigan sila.

'Sana maging ganito din kami ng soulmate ko.'

Nabigla ako nang tumunog ang phone ko. Agad akong napatingin don at nakitang 12 am na, May 28 na, which means birthday ko na!

"Happy Birthday, our princess!" sabay na bati sakin ng parents ko. Pareho silang nakangiti sa akin at naghihintay ng aking yakap.

"Thank you!" I said then hugged both of them tight.

"Sleep na, honey, magse celebrate pa tayo bukas." Mom said then kissed my forehead. Ganun din ang ginawa ni Dad.

"Okay po. Goodnight, I love you po." I said then kissed their cheeks.

"We love you, too, honey." Dad said and ginulo ang buhok ko na ikinasimangot ko.

"Dad naman e." reklamo ko habang inaayos ang nagulo kong buhok.

"I love youuu, Sappy." napailing na lang ako nang nagdire diretso sya papunta sa kwarto nila ni Mom. Nang naayos ko na ang aking buhok ay nagpasya na akong umakyat papunta sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa aking kwarto ay agad kong binuksan ang phone ko. I opened my Facebook app. Of course, lots of messages and notifications ang bumungad sakin, karamihan ay galing sa mga kaklase at kaibigan ko.

After responding 'Thank you' to all who greeted me, I charged my phone and prepared myself to sleep.

Humikab ako at pipikit na sana nang may biglang nagpop up na message box thingy sa harapan ko. Muntik pa kong mapasigaw. Buti ay napigilan ko kundi ay baka magising sila Mommy.

'WTH is this? Is this from my soulmate? Is this the start? Why so fast?! Gosh, I am soo not ready.'

Kahit naguguluhan ay binasa ko pa din ang nakasulat. My brows furrowed after reading the message and suddenly just cursed.

Soulmate Series #1: ChooseWhere stories live. Discover now