Chapter 5: As Kind As Posible

5 1 0
                                    

Sapphire's POV

Matapos kong gamutin ang paso ko ay agad akong nahiga sa kama. Naiiyak ako na ewan. Nakakainis dahil para kay Mom sana ang cake na yon. Naubos ko na ang natitirang ingredients at kailangan ko pang bumili ulit bago makagawa ng bago.

Pero sa kalagayan ko ngayon ay wala na talaga ako sa mood magbake. Naiinis ako, nababadtrip, argh! Pumikit ako ng mariin at idiniin ang mukha ko sa unan at doon sumigaw. Pagkatapos ay ibinato ko ang unan kung saan.

My brows furrowed nang makarinig ako ng katok sa aking pintuan. I sighed and calm myself. Alam kong badtrip ako pero ayoko naman mandamay ng ibang tao.

Bumangon ako at pinagbuksan ang kumakatok. Nakita ko si Ate Rosy na nag aalala ang itsura at hawak ang phone ko. Napahinga ako ng malalim nang makita ang pangalan ni Mom doon. Kinuha ko ang phone ko kay Ate Rosy at sinarado ang pintuan.

"Honey, what happened?! Are you alright?! Nagamot mo na ba ang paso mo?! Gosh!" pagkalagay na pagkalagay ko sa aking tainga ng phone ay yan agad ang narinig ko.

Napahinga ako ng malalim at saka nagsalita. "Mom, I'm fine. Nalagyan ko na po ng ointment, gagaling din po ito in time, don't worry." sabi ko habang hinihimas ang aking sintido.

"Come here, gagamutin kita." Mom said with a worried but controlling tone. Pumayag na lang ako dahil wala naman akong magagawa. Hahaba lang ang usapan namin at mauuwi lang sa pag aaway.

I ended the call at agad nag ayos. Naligo ako at nagbihis ng isang dress. Gustuhin ko mang magshorts ay baka maghisterical lang si Mommy sa ospital kaya wag na lang. Dobleng sermon pa kung sakali.

Pagbaba ko ay sinalubong ako ni Ate Rosy na may dalang paper bag. Iniabot niya iyon sa akin. Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya.

"Ano po ito?" tanong ko at sinilip ang nasa loob. Nakita ko ang dalawang tupperware at isang water bottle.

"Pagkain. Dalhin mo sa Mommy mo at baka hindi pa kumakain yon." saad niya at sinabayan ako sa paglalakad papunta sa kotse. "O siya, sige na. Mag ingat kayo." paalam niya at pumasok na ako sa loob ng  kotse. Kumaway naman ako bilang paalam.



























Inihatid ako ng driver namin sa ospital kung saan nagtatrabaho si Mommy. Pagkadating namin sa ospital ay biglang sumulpot ang message box sa harap ko ngunit sa pagkakataon na ito ay hindi na ako nagulat. Wala sa mood ang cells ko para magulat.

[Choose for Soulmate: Go Home OR Stay late outside.]

I sighed at agad na lang namili. Hindi ko alam kung magugustuhan niya iyon o ano. Napapikit ako nang marealize na kapag hindi niya nagustuhan ay gaganti na naman siya. Pero naisip ko din na maayos naman ang choice ko para sa kanya kanina pero binawian niya pa din ako ng masama, geez. Well, wala na akong pakielam sa choice niya basta I will try to be as kind as posible.

[You chose Go Home.]

"Ma'am, ayos lang ho ba kayo?" dinig kong tanong ni Mang Kaloy, driver namin. I looked at him and just shrugged.

"Opo, ayos lang ako. Papasok na po ako sa loob." I said and smiled, weakly. Alam kong pansin niya ang pananamlay ko. Just like Ate Rosy, matagal na din siya sa amin at nakasama ko sila sa aking paglaki.

"Sige ho, Ma'am. Babalik na ho ako sa kotse." nagpapasalamat ako dahil hindi na nagtanong pa si Mang Kaloy. Simple akong ngumiti at pumasok na sa ospital.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Soulmate Series #1: ChooseWhere stories live. Discover now