Chapter 1

9 0 0
                                    

"Good morning,bugan" malakas na bati ng isang boses na kilala ni meg.

Ni hindi nya na kailangan pang tingnan kung sino ito. Iisa lang ang tumatawag ng ganoon sa kanya.

Walang iba kundi si JP, ang unggoy na best friend ng pinakamamahal niyang si paulo.

Iyon ang tawag nito sa kanya dahil kamukha niya raw ang halimaw sa banga na si bugan sa fantasy series na super inggo. Tamabang ihalintulad siya sa isang halimaw? In fairness to JP , pareho talaga ang hairstyle nila ni bugan-
mahaba at palaging magulo. Pero maliban soon,Wala na silang similarity na sinasabing character.Oo nga at maputi siya pero hindi naman sobra gaya ng pang aasar nito sa kanya. Hugis palang ng mukha,magkalayong- magkalayo na sila ng nasabing halimaw.

Bilugan ang mukha niya samantalang pahaba ang Kay bugan.Naiiritang pumihit siya paharap Kay JP upang sermunan ito.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na -" Natigil ang lahat ng nais niyang sabihin ng masulyapan sa likuran nito ang papalapit na si Paulo.Bumilis ang tibok ng kanyang puso.

Si Paulo Alexander Uy ang kanyang first love.
Second year siya sa kursong Computer Science nang maging kaklase ito sa ilang subjects.shiftee ito kaya Hindi nya madalas makita noon.Subalit mula noon hanggang ngayon, Hindi parin nagbabago ang reaction nita sa tuwing makakaharap ang binata: ang mapatanga sa harap nito at mag-palpitate nang super bilid ang kanyang puso.
Pa nong Hindi? Ito na yata ang pinakaguwapong nilalang na nasilayan niya. Classic example ng tall, dark and handsome. Nakakaturete talaga ang kaguwapuhan ng binata, idagdag pa ang maganda nitong ngiti. Tuloy ay patay na patay siya rito.

"As usual, speechless na naman ang halimaw sa banga sa kaguwapuhan ko," nakangising pang-aasar ni JP. saka niya lang ulit naalala.

"

In your dreams, Mister," asik niya.
Napakayabang ni JP. Hindi siya likas na pikon. Sa katunayan, isa siya sa mga taong pinagkalooban ng mahabang pasensya. Pero pagdating sa unggoy na si JP, araw-araw. Siguro ay dahil tuwing aasarin siya nito ay nasa malapit si Paulo.

Kabuwisit talaga ang unggoy na'to! Palagi nalang along pinapahiya sa harap ng Mahal ko.

Si John Paul Suarez a.k.a JP ang president ng student council kung saan siya ang secretary, si paulo ang vice president at any best friend niyang si Marjorie ang treasurer.

Computer Engineering ang kurso ni JP at dahil iisa ang college department nila , lagi niya itong nakikita. Idagdag pa ang mga Gawain ng student council. Nagiging kaklase niya rin ito sa ilang subjects kahit ahead ito ng isang taon. In short, matagal-tagal na niyang pinagtitiisan ang nakakairitang binata.
para sa kanya, masama ang ugali ng bruho. Nagtataka siya dahil marami ang nagsasabi na mabait ito. Paani nangyari iyon? Nuknukan ito ng pagka-alaskador. At siya pa ang natipuhang gawing object of mockery.

"Hayan na naman kayong dalawa.Nagbabangayan na Naman kayo.When will the two of you ever stop?" Nakangiting saway ni Paulo.

Sanay na ang karamihan sa mga kakilala nila sa asaran nila ni JP. Kabilang na roon si paulo. Ang too,bukod Kay Marjorie, ito ang madalas na tagasaway sa kanila.
At nagsasawa na siya. Paanong Hindi? Wala yatang oras na magkalapit sila ng damuhang unggoy na Hindi siya inaaway nito. Hindi na niya alam minsan Kung paano magtitimpi rito. Baka isang araw ay bigla nalang talaga siyang sumabog na tila isang bulkan.

"Yung graduation ball natin next tweek, ayos na ba ang mga preperations?" Tanong ni paulo sa kanya.
"Hindi pa,pero malapit nang matapos,wag Kang mag-alala. Baka bukas o sa makalawa ay okay nayun,"proud na sagot niya sa binata.

Ang college graduation ball nila ang tinutukoy nito imbitado room ang lahat nggraduating students ng college of engineering. Two weeks na lang at graduation na nila. Halos solo niyang tinatapos ang arrangements para sa ball dahil pinakiusapan siya ni Paulo.
Ito ang group leader sa activity na iyonpero dahil gusto niyang ma-impress ito, hayun at inako niya lahat ng paghahanda. Busy raw ito sa chorale. Bukod sa guwapoay maganda rin ang boses nito. Tenor ito sa chorale.

Nakita niya ang biglang pagkunot ng noo ni JP.
"Bakit ikaw ang gumagawa ng trabaho ni paulo?"tanong nito sa kanya

Nakipag sukatan siya ng tingn dito.
"Nakiusap siya sakin dahil kailangan nilang magpractice para sa performance ng chorale sa graduation ceremony."

Napabuntong-hininga si JP saka binalingan si paulo.
"Pau, hindi mo dapat ipinapasa ang trabaho mo sa ibang tao. Responsibilidad mo'yun kaya ikaw dapat ang gumagawa. Palagi mo na lang ipinapasa ang gawain mo. Maging responsible ka naman kahit konti, pwede? sermon nito.

Bumaling ito sa kaniya.
"At ikaw , sa susunod, Yung trabaho mo na lang ang gawin mo, Hindi yung pati trabaho ng iba ay ginagawa mo. Secretary ka ng student council, Hindi alila. Sa halos isang taon manunungkulan tayo, wala Ka ng ginawa kundi akuin ang trabaho ni Paulo, at sa palagay ko ay hindi Tama iyon," lintanya nito.

Kahit alam niyang may katuwiran si JP, hindi parin niya maiwasan na hindi mainis dito pakiramdam niya ay ipinapahiya siya nito kay Paulo. Pinapalabas nito na masyado siyang uto-uto pagdating sa binata.

"Pakialam moba? Hindi kasi gaya mo,may konsiderasyon at matulungin akong tao.Handa akongg tumulong sa kahit na dining nangangailangan."
"Oh, is that so? Bakit,si Paulo lang ba ang taong nangangailangan?Bakit kapag ako ang may kailangan,Hindi mo'ko tinutulungan? Ganun ba ang taong matulungin, ha? Namimili ng tinutulungan?nanghahamong tanong nito.

Totoo ang sinasabi ni JP na kapag ito ang nakikiusap ay inaaangilan niya lamang ito.pero hindi iyon dahil masama ang ugali niya. Hindi niya lang talaga mapaghiwalay ang personal na inis niya rito sa trabaho nila.

"Kasalan mo yon. Masyado kasing masama ang ipinapakita mo sa akin kaya masama din ang ibinabalik ko sayo,"defensive na sagot niya.

Mukhang halata nito ang damdamin niya Kay Paulo.
Pano kaya niya nalaman?

"Say whatever you want,I know you better,"
makahulugang sagot nito saka siya tinalikuranan. Ini-on nito ang computer sa opisina ng student council.
Tiningnan lang niya ito ng masama ipinagpatuloy na ang ginagawang pag-aayos ng schedule ng mga natitirang projects nila bilang officers ng student council. Si Paulo ay nagkibit lang ng balikat saka lumapit sa best friend nito at tinulungan ang unggoy sa Kung anumang ginagawa.

I swear, makakaganti din ako sa buwisit na lalaking to, nagngingitngit na sabi niya sa sarili bago muling ibinuhos ang pansin sa tinatrabaho kanina.

De'arest megumiWhere stories live. Discover now