chapter 2

9 0 0
                                    

"HI BEST FRIEND! KAMUSTA?nakangiting bati ni Marjorie
Lumapit ito sa kinauupuan niya sa ilalim ng puno. Kaklase niya ito mula pa noong elementary. Mga bata palang ay close na talaga sila. Magkapitbahay rin sila. Mas matanda ito ng isang taon sa kanya. Twenty-one na ito, kasing edad nina JP at Paulo.
Pareho sila ng kurso ni Marjorie. Magkabatch sila dahil maaga siyang nagsimulang pumasok sa school. Sa May pa ang twenty-first birthday niya pero graduating na rin siya gaya nito.

"Heto, medyo busy sa pagkuha ng clearance. Ikaw? Tagal mong Hindi nagparamdam, ah?"
"May pinuntahan kasi akong company. Nag- apply na'ko para after graduation, may work na'ko agad,"paliwanag nito.

Responsable talaga itong kaibigan niya. Akalain mong naghanap agad ng trabaho? Ibang klase talaga ito.
"Wala kabang gagawin ngayon? Sinandya mo yata ako?tanong niya.
"Ah, hinahanap ka ni JP sa akin. Hindi ka daw niya kasi makontak at ako lang daw ang nakakaalam ng lungga mo.kaya, heto ako. May aayusin ata kayo tungkol sa college graduation.puntahan mo na Lang daw siya sa opisina natin."

Napasimangot siya Basta narinig niya ang pangalan ni JP, Hindi talaga niya mapigilan ang ma-badtrip. Napansin ni Marjorie ang pag-asim ng mukha niya.

"Alam mo, hanggang ngayon, Wala parin kayong pagbabago ni JP. Hindi parin kayo magkasundo. And to think na halos apat na taon kayong magkasama lagi dahil sa mga extra-curricular pati academic activities. Bakit ba Hindi kayo magkasundo? tila pagod na usisa nito.
"Kasalanan niya. Masyado siyang arogante, mapanglait at mahilig mang-asar. Ako pa ang lagi niyang target. Hay naku, buti na Lang at ga-graduate na tayo. Hindi ko na siya kailngan Makita at makasama,"nakaingos na sabi niya.
"Asus! Ganyan-ganyan kayo, baka mamaya kayo pa ang magkatuluyan,"tudyo nito.

Todong knock on wood ang ginawa niya para ipakita sa kaibigan na ayaw niyang mangyari ang sinasabi nito.
Natawa lang ito sa kalokohan niya.

"Sige na, puntahan mo na si Mr. President. Baka mamaya inugat nayon sa paghihintay sa'yo," pagtataboy nito."see you sa bahay,"paalam nito.

Naiiling na tumayo siya at tinipon ang kanyang mga gamit . Mukhang kailangan uli niyang Makipagkita sa taong kinaiinisan  dahil sa atas na obligasyon.

NAKABUKAS ANG PINTUAN  ng opisina nila nang dumating si meg. Inabutan niyang abala si JP sa pagaayos ng mga gamit sa desk nito. Truth be told, Isa iyon sa mga gawi ng binata na masasabi niyang kahanga-hanga. Kasama kasi ito sa tila kakaunting bilang ng mga lalakina marunong mag-ayos ng gamit at Hindi makalat. Pero syempre, never niyang aaminin sa kahit na sino na meron siyang nakikitang magamda dito.
Nag-angat ito ng tingin nang marining ang tunog na sapatos niya sa sahig.

"Ikaw pala, Huwag mong isasara yang pinto—" Natigilan itong bahagya ng mag-click ang knob."shit! Bakit mo isinara? Bulyaw nito. Tila kakainin siya nito sa sobrang galit.
"Ano bang problema mo, ha? Isinara ko Lang ang pinto, ah Hindi Naman masama yon dahil lagi Kung ginagawa yun kapag pumapasok ako dito ,"Mataray na balik niya. Ang daming arte ng bruho.
"Alam mo ba Kung ano'ng   problema, ha? Dahil lang naman sa kapalpakan mo, na-lock tayo dito," sarkastikong sagot nito.

Napamulagat siya. Sinisiyasat niya ang mukha ni JP. Pilit niyang hinahanap doon ang pagbibiro. Subalit mukhang galit talaga ang binata.

"Are you serious? Anong na-lock tayo dito?
"Mukha bakong hindi seryoso? Iyong doorknob ang nagloloko, dahil kapag naisara na, Hindi na mabuksan mula sa loob. Kailagan pang may magbukas sa labas gamit ang susi. And since Hindi ka nakinig nang sabihin Kong wag mong i-lock, we're trapped in here," His voice was laced with annoyance.
"Tawagan mo si Paulo o si marj,"Naiinis na utos niya.
"Pakiusapan mo since lahat naman tayo may susi," She could have done it herself if her phone battery was not drained.

Itinaas nito ang sariling phone."low batt! At wala along dalang charger or extra battery. At kahit mag-ingay tayo nang mag-ingay para humingi ng tulong sa labas, Wala na ring  makakarinig dahil Gabi na at umuwi na ang mga tao."
Nanlumong napaupo siya sa pinakamalapit na swivel chair. Mukhang wala siyang magagawa kundi tiisin ang isang gabi na kasama ang lalaking kinaiinisan niya sa loob ng opisinang iyon.

De'arest megumiWhere stories live. Discover now