Dedicated to :♡♥ArleinPrincessMercad :3
"Wahahaha wala ka na namn talagang kwenta!" Sigaw ng isang babae na sinipa ako paa.
*Bogsh*
Hindi lang ako umimik at nagreklamo. This is life bago ako umuwi ito. Pagtritripan muna ng mga babaeng akala mo maganda. Nakita kung pumula yung sinipa nya kanina. Hinawakan ko ito. Pilit kung ininda ang sakit. "Ano masakit ba? Kasalanan mo ee! Inahas mo ang boyfriend ko!" Sinabunutan nya ako habang hinila palabas ng gate. "Sandy! Tama na! Wag mo syang saktan!" Hinila ng lalaki ang babaeng bumubugbog sa akin. Tinulak nya ang lalaki. Ang lalaki na nagpupumilit na maging kami. "Kulang pa sa kanya to!" Hinawakan nya uli ang buhok ko at hinila pa flag pole. Di ko nga sinagot bf nya
At di ko alam. Di ko namn pinapansin yung bf nya. Wala namn akong kasalanan pero paglumaban ako. Ako ang kawawa. Ma eexpel ako sa university sayang ang pagod at pawis ko. Masasayang lahat. "Fate Lazares is a BITCH! AND A WHORE! Inahas nya ang boyfriend ko kaya kami nag break up!" Lahat ng tao ay nagulat at nagchismisan. Tinulak nya ako at dinuraan sa mukha. "Yan ang bagay sayo! Galema ka!"
Gusto kung humirit kaya lang ayaw ko ng away. Im no a warfreak like them. Nagsimula rin yung pambubully sa akin nung lagi akong ginagawang good example ng mga teachers. Nagalit sa akin ang section ko. Lagi na akong pinagtritripan. Minsan nga nangongopya sila ng hindi nagpapaalam.
Umalis na sila. Yup its my turn. Tumayo ako at pinusan ang putik at laway sa mukha ko. Pumunta ako sa CR. May matandang babae na lumapit sa akin. "Iha ayos ka lang?" Ngumiti ako. "Okey lang po ako lola. Salamt sa pag alala. " Pumasok ka agad ako sa CR. At naligo kaagad ng mabilis kasi baka maabutan ako ng mga lalaki na lagi ako pinagtritripan. Minsan nga nauumagahan ako sa banyo kasi kinuha ang damit ko. Minsan yung mga babae namn tinatapon ang sapatos ko.
Dapit-hapon na ako nakauwi. Bago ako makapunta sa amin dadaan muna ako sa Park kasi yun yung short cut. May mga streetlights. Ang mga puno ay maraming mga christmass lights. Pero di namn ngayon christmass. May bermuda grass. At iba't ibang mga bulaklak. Pero isa lang ang bench dito. Umupo ako. At umiyak.
Matapos kung mag ayos ng sarili. May nakita akong lalaki. Pamilyar ito. Lagi ko syang nakikita bago ako umuwi sa bahay. Walang araw na lumilipas na hindi kami nagtitinginan .Tumayo ako. At sabay rin kaming nagkatinginan. Ako ay papasok ng subdivision sya palabas. Matagal kaming nagkatinginan. Pero minsan madali lang.
Nakahood ng itim at may dalang backpack. Minsan di sya nakahood. Minsan nakapolo. Astig rin sya magbihis. Maputi ito, mataas, makapal ang kilay at singkit, gwapo. Sabi raw nila kakalipat lang daw nya dito. At koreano daw ito.
Bihira ko lang sya makita sa loob ng subdivision. Dito lang sa parang park.
*Babumppp....babummppp..*
"*pok* *pok* Aissshhh! Ano ba yan! Parang tanga! Ano ba?! Baka may sakit na ako sa puso.. Makauwi na nga!" Nakarating na rin ako sa bahay. Usual unang sasalubong sa akin ang aso ko si Gin pareho silang lahi ni Hachiko. Talon talon. Sa sobrang looner ko. Aso nalang ang lagi kung kausap pagmay problema ako. Matapos ang kulitan sa aso magtatanong si Ate "Queenie? Bakit may sugat ka sa mukha? At may pasa ka pa sa braso?" Hinawakan nya ang braso ko at pumiglas ako ng marahan. "Ahhahah sa katangahan po ate hinabol po kasi ako ng aso tapos natumba ako tapos nagkapasa tapos dumaan sa rose garden ni Donya Cecilia kaya may sugat ko." At syempre i wear my fake smile para di masyado halata na di ako okey. "Wee?? Parang lagi nalang. Osha pupunta na ako na trabaho. Bumili ka nlng ng dinner mo sa labas." Umalis ito kaagad.
Yeah. Si Ate di talaga marunong magluto. -_- And yup ito nalang lagi. Parang cycle lang. Pumunta na ako sa kwarto ko. Bumihis at hinanap ang anti-peklat ko. Buti nalang may kasangga ako sa mga sugat. At buti nalang wala na yung napaso sa tambutso ng motor. Ang hapdi kaya nun.
At isa pang trip para iwas bored at sa pagiging lone wolf. Sumusulat ako sa diary ko na ang nakalagay puro about sa lalaki na nakikita ko. -_- ang wierd ee.
August 17, 2014
Dear Diary,
Hi Diary. Matapos bugbugin ni Kassie at ipamukha sa lahat na whore & bitch daw ako. Nakita ko naman si Mr. Lakas-tumingin. Ewan lagi ko nalang sya nakikita.♥Queenie
Ano ba yan.. Masyadong girly ang nickname ko. Buti nalang walang nakakaalam nito.
*Zzzzzzttt!*
"Ano ba yan! Brownout!" Malas namn oh! Ba't pa talaga nag-brownout. So malas! Kinuha ko agad ang phone ko. At binuksan ang flashlight.
"Waahhh! Ang dilim!"Bumababa kaagad ako. At di brownout kundi total black out. Naging zombie land na tuloy ang subdivision. Nakakatakot tuloy ituktok kung saan saan ang ilaw. Pumunta ako sa tindahan kahit madilim. Bigla nalang ako nabangga sa isang matigas na bagay.
"Aray!" Sa pag aray ko napatingala ako kung sino ang nabangga ko bigla nalang bumalik ang ilaw. At.. "Sorry Miss. Ang dilim kasi ee" Ang nakabunggo pala sa akin ay yung lalaking lagi kung nakikita. Sasalita sana ako kaya lang "Excuse me. " pero bigla ito umalis.
Ano yun? Ba't agad agad aalis? O.o
"Oi! Queenie! Kilala mo pala yun!" Tanong ni Kuya Tam-tam ang tindero ng munting sari-sari store. "Ha? Nakabunggo ko lang nga. Kilala agad? Seriously kuya?" Napatawa nalang ito. Kahit hindi ako nakatawa sa joke nya. "Sya nga pala. Kilala mo yun Kuya Tam? Matagal na ba sya dito?" tanong ko.
"Oo.. Parang 3 weeks na rin." Oo nga nuh 3 weeks kami laging nagtitinginan. "Ano pangalan nya?".
"Bakit Crush mo? Achiiiiiiinhhggg~" Biro nito. "Ha-ha-ha tinatanong lang nga ee. -_-".
"Si Micheal yun." Nge? Akala ko koreano ang pangalan nito. -_- So okey Micheal pala. "Saan nakalocate yung block nya?" tanong ko. "5 blocks away from your house.. Nakuuu! Interesado si Ate ohhh! Lablyp na yan!"
"Lablyp mo mukha mo! Pabili nga ng Salad na ampalaya." Sabi ko. "Ahy bitter.." Kulit nito. " ,siomai at kwek-kwek po" kinuha ko ito sa kanya pero nakagrin nalang ito ng nakakainis. Okey lang sanay na. -_- Fav. Ko kasi ang ampalaya :) ang wierd nuh?
Hmmmm. So sya pala si Micheal?. Eh ang apelyido? Lee? Doo? Choi? -_- parang di naman kasi sya korean. -_- parang di kasi masyado singkit ang mata nito.
Hayyyy makauwi na nga.
BINABASA MO ANG
When My Destiny arrives..
RomanceDestiny? Destiny?.. Destiny pwede pangalan ng tao, lugar, hayop. Pero ano ba talaga ang destiny pagdating sa pag-ibig? Fate? Tadhana? Sabi nila wag raw madaliin ang pag-ibig dahil hintay-hintay lang. Pano pag ganito? Bullied ka sa school nyo, Ginaga...