A.N. - Isipin niyo nalang na nagtatagalog/english sila sa storyang ito. ^_^
---
( 3rd Person's POV )
Pagkatapos nilang magperform sa encore stage ay nagpaalam na sila sakanilang mga fans.
Dumiretso sila sa kanilang dressing room ng pawis at hinahabol ang mga hininga.
Binati ng group leader ang mga members dahil naging isa nanaman itong successful na concert .
( JB's POV )
"Good job guys " sabi ko sakanila
"Ang galing mo kase e , leader ... " sabi ni Bambam sakin .
Akmang tataas ko na ang aking kanang kamay para makipag apir.Ngunit....
"Joke lang ano ba ! " pagbabawi niya sa sinabi niya at nakipagapir pa siya kay Yugyeom habang tumatawa.
Lalo tuloy naningkit ang mga mata ko . Pasaway at mahilig magbiro talaga paminsan minsan ang mga kamembers ko.
Ako nga pala si Im Jae Bum . JB ang stage name ko . Leader ng sikat na rookie group na Got7.
Nakarating nakami sa dressing room at pumunta na kami sa kanya kanyang lugar namin .
Uupo na sana ako ng biglang dumating si Manager.
" Job well done , at dahil successful lahat ng mga naging stage performances at concerts niyo .. I'm giving you a reward . "
"Yessss !!! " sigaw namin lahat pero nakuha pa talagang tumayo at sumayaw sayaw ni Jackson.
"But you only need to choose one . It's either magbabakasyon kayo only here in Korea o magaaral kayo sa ibang bansa. "
"Saang bansa naman po yon manager hyung? " tanong ni Mark
"Kayong mamimili kung saan nyo gusto. "
"Ilang months po ba kami doon ? " tanong naman ni JR
"Hmm. Kung vacation ang pipiliin niyo. Siguro 2-3 months . Pero pag magaaral kayo ay 6-8 months . Mas matagal ito dahil may makukuha pa kayong advantages pag natuto kayo . Makakabuti pa ito sa career niyo . "
" JB siguro piliin natin yung magaaral nalang tayo . Atleast tayo ang mamimili kung saang bansa diba? " sabi ni Youngjae
"Sabagay ... "
" Manager ! Syempre may free time naman nun kami diba? " tanong ko kay hyung
"Oo naman . During Saturdays and Sundays free time niyo yon . At pwedi rin after classes niyo , kung wala kayong assignments. O ano nang napili niyo? "
Pinagusapan muna namin at ang napili namin ay ....
"Magaaral po hyung" sabi ko kay manager
"Ooh . Good decision. Saang bansa niyo gusto magaral? "
Nagusap ulit kami. Iba't iba ang gusto namin . Pero sa bandang huli ay nakapagdesisyon nakami . At ang final decision namin ay sa ....
-
-
-
-
"PHILIPPINES "
-----
BINABASA MO ANG
Expect The Unexpected
Fanfiction"Paano kung ang kinaiinisan niyong tao ay kinababaliwan naman ng iba ?"