Chapter 2 ж Meet Bangtan

21 2 0
                                    

A/N: Kim Soo Hee or Elyzza Lyn Kim -->

~~~

Chapter 2:

[3rd Person's POV]

Kasalukuyang nasa kwarto sina SooHee slash Lyzza at HyunMi slash Angel at nag-aayos ng mga gamit nila nang marinig nila ang kalabog ng pinto na nanggagaling sa sala.

"Open this damn door idiots!" Sigaw ng nasa labas ng pinto. Kumaripas naman ng takbo ang mga dalaga pababa.

"Sehun-ah, anong nangyayari?" Tanong ni Lyzza.

"Ah ewan ko jan kay Lay. Sabi niya huwag daw bubuksan kasi baka daw sasaengs lang." Napatango nalang ang dalaga.

"Jongina nyo, pag di nyo binuksan 'to hindi ko na kayo ililibre uli--ahhh!!" Nanlaki naman ang mata nila sa narinig.

"Si Suho hyung ito! Lagot ka Lay!" Singhal ni Kai kay Lay nang marealize nila na ito palang kumakatok ay si Suho.

"Sorry naman. Nakalimutan ko eh." Napakamot ng ulo si Lay.

Nagulat naman ang lahat nang buksan nila ang pinto. Dahil kinukuyog ng sasaengs si Suho. Agad naman nilang hinatak si Suho papasok.

"Yaaaah! Muntikan na ako mamatay dahil sa mga sasaengs na yun, di nyo pa rin binubuksan?!!" Singhal ni Suho sa kanila. Tahimik sila 'di tulad ng dati na walang makikinig sa maliit ngunit gwapong lider nila. Dahil buhay na daw ngayon ang pinag-uusapan. Sabagay mas matangkad pa ang ilang sasaengs kesa sa lider nila.

"Si Lay kasi!"

"Uy hindi ah! Si Chen yun!" And so on and so on. Kelan kaya magbabago? Pag pumuti na si Kai? Pag tumangkad na si Suho, D.O, at Xuimin? Pag nawala na yung lisp ni Sehun? Pag pumogi na si Chen? Pag naging manly na si Luhan? Pag lumiit na tenga ni Chanyeol? Pag di na cold si Kris? Pag di na marunong mag-eyeliner si Baekhyun? Pag magaling na magmemorize si Lay? Pag wala ng eyebags si Tao? Ha? Ganun ba yun?

"Hajimaaaaa!~ [Stop it!]" Sabay na sigaw ng magkapatid. Wala eh basag na eardrums ng ekso eh.

"Hays. Wag na nga kayo magsisihan! Kelan ba kayo titino mga.. uhm. Ano ba itatawag namamin sa inyo?" Natigil sa pagsesermon si eomma Angel at napaisip.

"Oppa. Call us oppa." Ma-awtoridad na sabi ni Chen.

"Yeah. Except for YOU." Diniinan ni Lyzza yung 'YOU' para magets ni Chen.

"Aish. Tama na. Mag-ayos na kayo. Pupunta tayo sa dorm ng BTS." Sabi ni Suho.

"Really?!"

"Yieee EXOited na ako!"

"Bakit naman?"

"Mag-aaway lang kami dun ni Jimin eh!"

Eto lang naman ang mga sari-saring reaksyon nila.

"Ipapakilala lang naman natin sina Lyzza at Angel sa kanila. Oh sya, bilis." Sabi ni Suho. Agad namang namula ang pisngi ng mga dalaga.

"Dalian nyo na!" Singhal ni Baekhyun kay Lyzza. Medyo nabadtrip ang dalaga dahil sa pagsigaw dito.

[Lyzza / SooHee's POV]

Nakow! Ano bang problema ni Baekhyun oppa at nanunulak na lang basta basta?! Hays. Dapat masanay na ako. Sabagay mas malala pa si Chen dito. Ay oo nga pala. Di ko pa napapakilala ng pormal yung sarili ko. Syet kasi to si author eh. Atat matapos yung story.

*ehem*

"Ako nga po pala si Elyzza Lyn Kim, my english name. Kim Soo Hee for Korean name. Kambal kami ni Angel Gabrielle Kim, ang kanyang english name. Kim Hyun Mi for Korean name. Half Korean, one fourth Canadian and yung natira ay dugong Filipina. Diba bongga. Galing kaming Canada bago kami mag-audition sa Big Hit Ent. Ayun nga di kami tanggap kaya dito nalang kami sa SME. Childhood friend namin si Chenchen. Kasing tanda lang namin si Jungkook eh. And the last info is, MAGANDA AKO."

I Like Him, But I Love You [ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon