Chapter 1

5 0 0
                                    

WIRDONG LALAKE

Soul's POV
Malamig na hangin ang umiihip sa buong
kapaligiran. Umiihip ito sa aking balat na puno
ng bakas na dulot nang aking paghahanap.

Gusto kong tumigil dahil kahit ano namang gawin kong paghahanap, parang lalo itong lumalayo pero pinagpapatuloy ko parin ito.

Nakaupo ako sa isang tulay na naghahati sa
dalawang bayan. Sabi nila, maraming binabawian ng buhay dito. Kaya naman nandito ako.

Walang nakikitang bahay mula rito. Wala ding
masyadong dumadaan na sasakyan at ang buwan lang ang nagsisilbing liwanag.

Ilang araw na akong pagala gala. Wala narin
akong ligo simula nung umalis ako dun sa
tinutuluyan ko dati. Umalis ako dun dahil hindi
naman pamilya ang turing nila sakin.

Palagi nila ako inuutusan sa kung ano mang bagay. Lalo na sa marurumi at mababahong bagay.

Kahit nga paghugas ng pwet nila ako pa gumagawa.

Pero hindi yun ang pinakadahilan kung bakit akoumalis.

Sa amin naman talaga ang bahay na yun.
Hanggang sa namatay si Mom and Dad. Dun
nagsimula ang kalbaryo ng buhay ko. Inagaw ng mga auntie ko ang lahat ng dapat sa amin.

Sa totoo lang, kaya kong ipaglaban lahat ng yun ngunit naisip ko, para saan pa. Wala na akong dahilan para ipagtanggol yun. Patay na sina Mom and Dad. Pati narin ang taong inakala kong nagmahal sakin.

Kinuha na ito lahat sakin. Kaya naisip ko, bakit
pa ako lalaban? Imbes na gumawa pa ng mas
malaking gulo, mas pinili ko nalang na lumayo.
Hindi ako nagdala ng kahit na ano. Lahat ng mga importanteng bagay sakin, iniwan ko lahat dun.

Tanging ang suot ko lang ang dala dala ko.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga
paa ko. Ninais kong wakasan ang buhay ko pero nabigo ako.

Walang silbi ang buhay ko dito ngunit parang mas ipinamukha sakin na hindi ako karapat dapat sa lugar na ipinangako.

lang tao pa yung mga nakilala ko at lahat sila
umaalis. Ngunit itong isa ang pinakatumatak dahil dito nahulog ang loob ko.

Huminto ang kulay asul na kotse sa tapat ko kaya tiningnan ko ito.

"Hi" nakangiti nitong bati sakin.

Diretso lang ang tingin ko dito kaya naman
bumaba siya.

Mukhang kasing edad ko lang siya.

"Wala kang kasama dito a." Saad nito saka
tumabi sakin kaya tinulak ko siya.

"Layuan mo nga ako!" Bulyaw ko rito.

Bukod kasi sa ayoko ng may kumakausap sakin, baka kasi sabihin niyang mabaho ako dahil ilang araw na akong di naliligo.

"Sige tatayo nalang ako."nakangiti paring sabi
nito. Sumandal siya sa harang ng tulay na ngayo'y namamagitan samin. "Bakit mag-isa ka lang?"

Tsk. AyokOo ng may kasama.

"Gabi na a. Bakit ka nandito?"

Dahil ayokong makihalubilo sa taong tulad mo.

"Nasaan ang pamilya mo?"

Tsk. Nasa langit. Gusto mo sumunod?

Sa bawat tanong nito, may naisip akong sagot
pero di ko yun pinapaalam sa kanya. Diretso lang tingin ko sa ibaba ng tulay hanggang sa may isang tanong siya na nakahuli ng interest ko.

"May hinahanap ka din ba kagaya ko?"

"Ano namang hinahanap mo?" seryosong tanong ko rito.

"Gustong gusto ko kasi silang makita. Matagal
ko na kasi silang di nakakausap." Malungkot na
saad nito.

"Sino sila?" Takang tanong ko rito.

"Mga kaibigan ko." sagot nito dahilan para
matawa ako.

"Totoo ba ang salitang kaibigan?" tanong ko rito kahit alam ko naman ang sagot.

Hindi.

"Oo. Bakit? Hindi ka naniniwala?" Kanina pa to
nakangiti na kinaiinis ko.

"Hindi." seryosong sagot ko rito at tumayo.
Naglakad ako palayo dahil nakakasawa na siyang kausap.

"Teka hintayin mo ako!" sigaw nito at sa tingin
ko pinaandar niya ang kotse niya at tumapat
sakin.

Di ko ito binigyan ng pansin.

"Gusto mo sumakay?" sa tingin ko nakangiti
nanaman yan.

"Ayoko." Tipid na sagot ko at patuloy na naglakad na sinusundan niya padin.

"Tara sama ka." Pag-aaya nito.

"Ayoko." Muling sagot ko.

"Alam ko may hinahanap ka din." sambit nito
dahilan para tumigil ako sa paglalakad.

"Pake mo." walang emosyong sagot ko rito at nagiba ng direksiyon.

Tinahak ko ang daan kasalungat ng dinadaanan ko kanina.

Akala ko tinigilan niya na ako dahil malayo na
rin ako sa kanya pero ayun siya't pinaharurot ang kotse niya papunta sa kinaroroonan ko.

Kalmado akong tumayo sa gitna ng kalsada kung saan malapit nang bumangga sakin yung kotse niya.

Sana naman ito na yun.

"Babae! Tumabi ka diyan!" Rinig ko pang sigaw
niya. " Babae!"

Pero heto ako't kalmado lang.

Akala ko nasagasaan niya na ako kaya lang
naipreno niya yung walang kwentang kotse niya.

"Bakit ka huminto." inis na sabi ko rito. Walang
halong pagtatanong ang tono ko at lumayo rito.

Lumabas siyang muli sa kotse niya saka ako
sinundan.

"Bakit mo ginawa yun? Paano kung di ko
naipreno? Paano kung namatay ka?"

"E di mabuti."

"Hoy! Kausapin mo ako babae ka!
"Layuan mo na nga ako sabi!"

Hindi na ako pinigilan nito kaya naman nagtaka ako.

Liningon ko ito at dun ko nakitang nanghihina ito at parang nawawalan ng hininga.

"Umayos ka nga! Di ka na nakakatawa." Utos
ko pa rito ngunit parang totoo yung nangyayari sa kanya.

Namumutla na siya.

"Hoy! Umayos ka!"

Iniwan ko muna siya saglit tsaka pinuntahan ang kotse niya. Humanap ako ng pwedeng makatulong sa kanya at natagpuan ko nga ang gamot nito.

Pinainom ko ito sa kanya at dinala sa kotse niya.

Alam ko namang magdrive kaya ako na ang
nagmaneho dun sa kotse niya. Akmang dadalhin ko na siya sa hospital nang pigilan niya ako.

"Wag mo akong dalhin sa hospital." mahinang sabi nito. Medyo maayos narin ata to.

Tinigil ko agad yung kotse at akmang lalabas na ako.

"Tulungan mo ako." pakiramdam ko
nagmamakaawa ito.

"Ayaw mong magpadala sa hospital pero gusto
mong tulungan kita?" Natawa ako rito.

"Pumayag ka nalang." kalmadong sambit nito.
"Pwede ba? Hindi ako doctor. Hindi rin ako
manggagamot" Paliwanag ko rito.

"Tulungan mo akong hanapin ang mga
kaibigan ko." kalmadong pakiusap nito.

Hindi ko siya matutulungan at ayoko siyang
tulungan.

"Pakiusap." sambit nito.

Kung hindi lang ako naawa kanina, malamang
wala na to.

"Fine!" pumayag na akong tulungan siya dahil
parang wala naman akong magagawa.




A/N: Sup readers! Thank you for reading this
chapter. My apology kung may nakita man kayong typos at grammatical errors. Pleasure is mine if you press the star button below and feel free to comment.

Te Amo💕

Meant To FindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon