PROLOGUE

13 1 0
                                    

"Congratulations Student" Pag-tatapos ng emcee sa Graduation. Dali-dali akong umalis sa kina uupuan ko.

"Rhissa!" Sabay na sigaw ni Aizy at Lhea, hindi ko sila nilingon. Tuloy-tuloy lang akong naglakad papunta sa magulang ko.

"Anong nagyare don?" Rinig kong tanong ni Eliana.

Kaliwat-kanan ang nakikita kong studenteng nag pi-picture kasama mga kaibigan nila. Kung sila nag pi-picture kasama ang mga kaibigan nila, ako may iniiwasan. Nanghihinayang ako sa sandaling ito, na sana kagaya din nila akong nag pi-picture kasama ang nga kaibigan ko. Pero kailangan ko ng makaalis agad dito.

"Ma, Pa!" Lumapit ako sa kanila at yumakap ng mahigpit. Naluluha ako sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

"Congratulations Rhissa" Umiiyak na sabi ni Mama. Pinunasan ko ang mga luha niya.

"Congratulations Anak" Napaka lawak ng ngiti ni Papa. Alam kong proud na proud silang dalawa sakin.

Umiiyak pa rin si Mama kaya niyakap ko ulit siya ng mahigpit. Doon na ko na pahagulgol ng husto. Alam kong hindi mag dududa sila Mama sakin sa sobrang pag kahagulgol ko, at wala rin akong balak sabihin sa kanila ang nangyare kanina bago paman mag simula ang graduation.

Alam kong lalapitan niya ko, dahil simula ngayong araw iniiwasan ko na siya. Kailanga na naming maka-alis dito!. Ayaw kong harap-harapan kong nakikitang nasasaktan siya ng dahil saakin. Unting-unting nadudurog ang puso ko ng dahil sa disisyon kong to.

"Ma, Pa, Tara na po" Pinunasan ko ang luha ko. Kailangan kong maging matatag, para to sa ikakabuti ng lahat.

"Aalis agad tayo? Hindi ka ba muna mag papaalam sa mga kaibigan mo?" Huminga ako ng malalami tsaka ngumiti.

"Nag paalam na po ako. Tara na po?" Tumango sila. Nakahinga ako ng maluwag ng mapapayag ko sila. Kailangan masaya ako! Baka makahalata si Mama at Papa na malungkot ako! Hingang malalim.

Umakbay ako sa kanilang dalawa tsaka ngumiti. Pinahidan ni Mama ang luha ko. Nag patuloy lang kami sa pag lalakad hanggang sa makalabas kami sa school.

"Rhissa!" Natigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses ng taong kailangan kong iwasan. Namumutla ang muka kong tumingin sa mga magulang ko.

"Tara na po ma,pa. Hindi ko naman kilala yun eh" Dahil naka akbay ako sa kanila. Sinabay ko sila sa mabilis kong pag lalakad.

Tumingin si mama at papa sakin, na may pag tataka ang muka. Ngumiti lang ako sakanila.

"Rhissa! Please talk to me!" Sigaw niya. Alam kong naka sunod siya samin—sakin, kaya mas lalo akong nag lakad ng mabilis.

"Rhissa, bakit ba tayo nag mamadali?" Tinangal ni papa ang pagkaka-akbay ko at tumigil sa pag lalakad. Dahilan para maabutan kami—Ako.

"Sino ba siya Rhissa? Mukang gusto kang kausapin Anak?" Nakakunot ang noo ni Mama. Alam kong nag tataka sila, dahil hindi naman kilala ni mama at papa siya.

Humahagos siyang humarap saamin. Naka hawak ang kamay niya sa tuhod niya habang humihinga ng malamin.

"Rhissa, We need to talk. Private" Nalukot ang muka ko ng makita ko siyang pawisan pero ang bango pa rin niya.

"Wala tayong dapat pag-usapan. Tara na p—"

"Please! Talk to me!" Bakas sa muka niya ang galit, pagod, lungkot at marami pang emosyon na hindi ko mapangalan.

"Okay, just 5 minutes" Humarap ako kay mama at papa.

"Mauna na muna po kayo sa sasakyan" Tumango sila at iniwan kaming dalawa. Tumingin ako sa kanya ng walang emosyon.

"Anong pag-uusapan natin?"

"Why are you avoiding me?" Nagtatangis ang bagang niya. Kitang kita ko sa mga mata niya ang galit.

"Pake alam mo ba!?" Inirapan ko siya. Nag sasayang lang kami ng oras sa isa't-isa.  Lumakad nako para pumunta sa sasakyan.

"Rhissa! Don't avoiding me because it's f*cking hurts!" Natigilan ako sa pag lalakad. Hinawakan niya ng mahigpit ang pulsuhan ko. Hindi ko na to kaya.

"Just leave me alone, I don't love you any more. I'm just bored, that's why" Nangingilid ang luha ko. Dapat hindi ako umiyak!. Laking pasalamat ko, nasa likod ko siya. Hindi niya nakikita ang muka ko.

"You're just lying" Madiin niyang sabi.

"I'm not, I don't love you any more. And that is the truth" Lumuwag ang pag kakahawak niya sa pulsuhan ko. Doon ako nakakuha ng chance  para maka layo sa kanya.

Wag kang lilingon Rhissa. Para to sa ikakabuti ng lahat. Kaya mo to!

Pinunasan ko ang luha kong patuloy pa rin sa pag tulo. Lumapit na ko sa sasakyan namin, na may ngiti ang labi. Na parang walang nangyare.

Irish Note:

Itong istorya ay isang katang-isip ko po lamang at walang katotohanan. Maaari pong maraming typographical at wrong grammar na mae-encounter niyo. Aayosin ko na lang po pag natapos na ang istorya.

-Don't Forget to Vote, Comment And Share-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 19, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

IN MY DREAM'S ( MONTERVAR SERIES #1 )Where stories live. Discover now