REWINDSimula
Kiddeo
"Time-out. Change court!"
Matiim na sigaw ng referee hawak ang kanyang pito. Binitawan ko ang bolang hawak ko at naglakad papunta sa aming coach, gayundin ang mga kateam-mate kong gaya ko, pawisan.
Kumuha ako ng inaabot nilang tubig at sandaling umupo sa lapag ng court, malayo sakanila. Sandali pa ay napansin kong may papunta sa pwesto ko.
"Bat andito ka?"
Hindi niya pinansin ang tanong ko at umupo parin sa tabi ko. "Bawal ba dito?" Hindi ko siya sinagot. "Aattend ka sa birthday ni dad diba? Wag ka aabsent ah."
Uminom ako ng tubig bago tumango. "Wala namang dahilan para umabsent ako."
Nilingon niya ako at tinapik ang balikat, pahiwatig na masaya siya sa sinabi ko.
"Ayos yan, papakilala ko pa sayo yung kapatid na tinutukoy ko."
Tinabig ko ang kamay niyang nasa balikat ko padin at mapang- asar na nginisian siya.
"Pero wala ring dahilan para umattend ako." Tumayo na ako at nagsimulang maglakad paalis. Napansin ko nalang na hinabol niya ako.
llang araw na ba? Tatlong araw na mahigit simula ng kulitin niya kong umattend sa birthday ni tito kahit alam niyang wala akong hilig umattend sa pasikatan ng mga mayayaman.
Matagal niya ng alam yon pero pinipilit niya parin dahil pinsan ko daw siya at dapat andon ako, kung alam ko lang, gusto niya lang makilala ko yung kapatid niyang babae para ipagmalaki niya.
"Osige ganto, pag nanalo kayo, di na kita pipilitin, pero pag natalo kayo, sasama ka. Deal yan ah!"
Suminghap nalang ako sa inis ng tumakbo na siya papunta sa team-mate niyang kalaban namin.
Tinignan ko ang scoreboard at lamang sila ng sampung puntos dahil kulang kami ng isang player kaya nang-hiram lang kami ng isang substitute sa ibang klase, at hindi pa gaano marunong yung pumalit.
Sabado ngayon pero may practice na para sa mga sasali sa sportsfest sa October.
July palang at kasisimula palang ng klase. Meron pang apat na buwan bago mangyare ang event.
Mabilis lumipas ang oras at hindi na namin nahabol ang score ng aming team. Nilapitan ako ni Art at balak na nanamang tapikin ang balikat ko kaso ako na ang umiwas.
"Pano ba yan pinsan? Talo ka, aattend ka."
Nilingon ko siya. "Says who?" Napakamot siya sa ulo kaya nilagpasan ko na. "Hindi naman ako nakipag deal sayo."
Pagkasabi ko non ay may naisip ako.
"On the other hand, hindi narin masama." Nginisian ko siya. "Your naked bike, deal"
Umatras siya. "Kidd naman! Kabibili ko lang non! Mayaman ka din naman, bumili ka nalang!"
Umiling lang ako. "Ah ganon, sige. Madali akong kausap."
Napakamot siya ng ulo at hinarangan ang dinadaanan ko. "Teka! Oo na, deal! Meron kana nung yellow invitation card diba? Andon yung venue!"
Nginisian ko siya at tumango. Pinwesto ko ang kamay ko at nagsisisi niyang inabot don ang keys ng motor niya.
"lyo na'yan, kunin mo nalang sa bahay pag pumunta ka pagkatapos ng birthday ni papa. Siguraduhin mong pupunta ka!"
Ngumisi nalang ako. "Hindi ako scam."
BINABASA MO ANG
Rewinding the Past (Phase Series #1)
RomanceHow many seconds, minutes, hours, days, months and years does a person need to move on? How many regrets and resentments does a person need to repent for a sin that should be forgotten? Sa loob ng anim na taon, buong akala ni Klea tapos na ang lahat...