Bata pa lamang si Talia Shamore Villaqueza o mas kilala sa pangalang Tasha ay tampulan na siya ng tukso. Samu't-saring pang-aasar ang kaniyang natanggap simula 'nong bata pa lang siya, dahil sa kakaibang hitsura niya, 'ganon na lamang ang napagdaanan niya sa kamay ng bawat taong nakakasalamuha niya. Lumaki siyang kakaiba kumpara sa mga kaedad niya, isa lang din naman siyang normal na bata na gusto lamang ang maglaro sa labas kasama ang mga kaibigan, tulad ng iba, pangarap niya ring makipag habulan at maglaro ng saranggola kasama ang mga kaibigan, ngunit paano niya magagawa ito gayong 'ganon ang hitsura niya?
Lumaki siyang napakalaki, na animo'y napabayaan sa kusina. Ang timbang niya ay hindi normal sa edad niya, sanggol pa lamang siya ay sampung kilo na ang timbang niya. Hanggang sa lumaki siya ay dala-dala niya ang problemang ito, ang kaniyang katawan, may magmamahal pa kaya sakaniya kahit ganoon ang kaniyang hitsura?
Mataba, maitim, sabog ang buhok, balbon.
_______________________________