CHAPTER III
Maagang pumasok si Liah kinabukasan. Nasa hallway sya ng makasalubong si Xylene- ang number one hater nya. Ewan nya bat galit na galit ito sa kanya. Feeling nya dahil siguro sa pagiging popular nya sa school at naagawan ito ng spotlight sa school. Oh well, hindi naman sya nakikipagpaligsahan dito kaya bat ito magagalit ng ganun sa kanya. Kulang na lang isumpa sya sa araw-araw na pagpapapansin nito. Pinagpatuloy nya ang paglalakad.
"Hey you b*tch!" Sabi ni Xylene na nagpamewang pa sa harap niya.
"Wala akong dalang salamin kaya wag mong tawagin ang sarili mo. Nagmumuka kang t*ang*." sabi naman ni Liah na akmang lalagpasan ito pero hinablot ni Xylene ang braso nya.
"Alam mo sumosobra ka na ahh!" Xylene
"Wow talaga? Sagad na ba from A to Zinc?" sarcastic na sabi ni Liah.
"How dare you to insult me?" matapang na tanong ni Xylene sa kanya.
Naaasar na si Liah dito. Kung pwede lang ay kanina nya pa nasuntok ito pero hindi pwede dahil Acad. Club President sya kaya naman tiningnan ng masama.
"Tigilan mo na to Xylene. You're making a scene." Sabi ni Liah ng makitang unti-unti na silang nakakaagaw ng atensyon ng ibang student sa hallway.
"And so?" Xylene
"So ka jan!? Tigilan mo nga ako. Kung gusto mo ikaw na lang." Liah
"Bakit natatakot ka na aka maagaw ko sayo ang spotlight?" Xylene smirked.
"Like duh! Iyo na spotlight... pati street light, candlelight, chocolite, at christmas light." Liah
Hindi maipinta ang muka ni Xylene ng iwanan sya ni Liah. Agad namang pumunta si Liah sa club office nila dahil wala pa syang klase.
"Hi Ms. Liah!" Nakangiting bati ni Andrea kay Liah.
"Hello Andy. Masaya ka ata ngayon? Yiiiie. Anong meron?"
"Hehehe. Nasa loob po ng office nyo si Sir Zander." Andy
"Hahaha. Kaya pala kinikilig ka." Napansin ni Liah na lalong nag-blush ito.
"Pres. Liah naman e... mas kinikilig aki sa inyong dalawa."
"Huh? Bakit naman?"
"Ang cute nyo po kasing tingnang dalawa. Muka pong kayo e kaso sabi nyo naman po magkaibigan lang kayo." Andy
"Hahaha. Oo nga magkaibigan lang kami."
"Naku Pres pag naging kayo po, sana ako po unang makaalam. Ngayon pa lang pi e number1 fan na ko ng loveteam nyo." Napairit pa ito sa sinabi.
"Hay naku ikaw talaga Andy. Sige na... puntahan ko na yung isang yun sa loob." iniwan na ni Liah si Andy at pumasok sa loob ng office nya.
Sa loob ng Office
Pagpasok ni Liah, nakita nyang nakaupo si Zander sa upuan sa desk nya. Nakatingin ito sa screen ng laptop at sa tingin nyay malalim ang iniisip nito dahil hindi man llang sya nilingon.
Nang nakalapit na sya sa desk nyang kinalampag nya ang iibabaw nito. "Oy! Anong ginagawa mo dito?"
Halata nyang nagulat si Zander. Natawa tuloy si Liah sa reaksyon ni Zandr. "Hay naku! Sira ka talaga, nanggugulat ka pa. Kinabahan tuloy ako." Sabi ni Zander
"Ikaw kasi e, tulala ka tapos mukang ang lalalim ng iiniisip mo." Liah
"Hindi ahh..."
"We? Hindi raw oh! E di mo nga napansin na nakalapit na ko sayo."
"Hahaha. Wala yon. May naisip lang."
"Ahhh.. e bat ka andito? Di mo ba aabangan sa gate si Missy?" Liah
"Ayoko. Tinamad ako bigla..."
O.O <--- Liah
"Wow! Why sudden change? Kahapon lang ang saya-saya mo. Iniwan pa nga kitang speechless dahil kay Missy tapos ngayon tinatamad kang makita sya?"
"E kasi naman... di naman nya ako pinapansin." nakangusong sabi ni Zander.
"Oh? sa landi non? Di ka pa pinansin kahapon?" Liah O.o
"Oo nga..." yumuko si Zander.
Lumapit si Liah, alam nyang gustong-gusto ito ni Zander at alam nyang masakit para dito na hindi pansinin ng tanging babaeng niligawan nito. Nang makalapit si Liah, umupo siya sa ibabaw ng desk at hinarap ito. hinawakan nya ang muka nito upang magtagpo ang kanilang mata. Ayaw nyang makitang nalulungkot ito.
Dug dug...
Dug dug...
Dug dug...
Biglang parang kinabahan si LIah ng tumingin sa mata niya ang mga mata ni Zander. Pakiramdam niya ay tumigil ang oras. Nakita nyang nabigla rin ito sa simple gesture nya dito at ganun din nakita nya sa muka nito ang pagkalito, takot, lungkot at saya??? Hindi siya sigurado sa huli, inisip niyang namalik-mata lamang siya.
Zander POV
Dug dug...
Dug dug...
Dug dug...
Nang magtama ang mga mata nila, hindi maintindihan ni Zander ang lakas ng tibok ng puso niya. Ngayon lang sila nagkalapit ng husto ni Liah. Ayaw niyang masyadong mapalapit dito dahil kaibigan niya ito at baka ma-inlove sya. Ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila kung sakali. Habang nakatingin sa mga mata ni liah, nakita ni Zander ang pagmamahal sa mat nito. Concern??? Inisip niyang baka concern lamang ito sa kanya dahil sa pinagdadaanan niya.
Pinagdaanan nga ba?
WAAAAAAAAA! --> sigaw ni Zander
"Hoy ano ba?!" Liah
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" Zander
Binatukan tuloy ni Liah.

BINABASA MO ANG
Alms for LOVE
Short StoryI really love this part... it just a start of something new.