ALYANNAH'S POV
"KRIIIIIIINNGGGG!!! "
Nabulabog ang tulog ko ng malakas na tunog ng alarm clock.6:00 a.m na pala.Gusto ko pang matulog at magbalot sa kumot pero naalala ko,first day of school pala ngayon.Dahan-dahan kong ibinangon ang sarili ko at pumwesto para makaupo.Kahit bangag pa ay nagpray ako kay papa-God at nagpasalamat dahil ginising nya pa ako.Yan ang turo sakin ng mga magulang ko.Na ang pag gising sa umaga ay isang malaking bagay na dapat ipagpasalamat kay God.'Coz every morning is a blessing and every day is a chance.
Sinuot ko na ang tsinelas ko .Dumiretso sa banyo at naligo.Grrrr.anlamig.pero mas ok na 'to.Para magising ang diwa ko.
Giniginaw akong lumabas ng banyo at agad kong nalanghap ang niluluto ni auntie beng para sa breakfast namin.Sya yung nag iisang kapatid ng mama ko at kasalukuyan akong nkatira kasama sya.Masayahin,mabait,masipag,maunawain at mapagmahal si auntie beng.Pwedeng pwede ma mag asawa diba??
Hmmm.ang bango,nakakagutomsabay tunog ng tiyan ko.Napakahusay magluto ni auntie kaya naman di kataka-taka na dumaragdag ang timbang ko.Ano naman?? Masarap kumain eh.
Dumiretso na ako sa kusina at nadatnan ko si auntie na naghahanda ng agahan namin.
"Good morning yannah." bati sakin ni auntie.
"Good morning din auntie." masaya kong tugon sa kanya.Love na love ko si auntie dahil ramdam ko na ganun din sya sakin.Dahil wala pang asawa,ako amg tinuturing nyang anak.Napakaswerte ko at tuwang-tuwa ako sa tuwing nakikita ko ang matamis na ngiti sa mga labi nya.Di ko namamalayang napapangiti na rin ako na parang tanga.
"Alyannah a.k.a "YANNAH" Esguerra!! Tulala ka nanaman.Naku ikaw talagang bata ka,parang laging malalim ang iniisip.Hala,umupo ka nalang sa may hapag kainan at mag aagahan na tayo.Gutom lang yan." Pambubulabog ni auntie sabay tusok sa tagiliran ko.Ewan ko kung panong kusa akong dinala ng mga paa ko sa bahagyang nakatalikod kong auntie at bigla ko syang niyakap.
"I love you auntie.Thank you po sa lahat." at nagsmile ako.Tinanggal nya ang nkapulupot kong bisig sa bewang nya at humarap sa akin.Hinawakan niya ang mga kamay ko at ngumiti.
"Napakabait at napaka-cute mo kayang bata." sambit ni auntie habang pinipisil nya ang pisngi ko.Grabeh naman si tita makapisil.Halos pumutok pimples ko.Nang di ko na mkayanan ang sakit,hinawakan ko na ang mga kamay ni auntie na nkangiti parin."Aray auntie,pimples ko,nagwawala na po." pabiro kong sabi kay auntie.
"Ay,pasensya na anak.Ang cute mo kasi eh.Hala,kumain na nga tayo.May pasok kpa."Mabuti pa nga.
Kelangan ko mag heavy bfast para di ako agad gutumin mamaya.PG na kung PG,basta kakain ako ng marami.
Pagkatapos ko lumamon,este,kumain ay nag toothbrush na ako at nag ayos.Sinuklayan ko lang ang nakalugay kong itim at may kahabaang straight na buhok.Inayos ko na rin ang front bangs ko.Nagpulbos lang din ako at nagpahid ng konting lipgloss .
Ok na.Maganda na ko.hehe.
ai,hindi pa pala.Yung eyeglass ko,muntik ko pang makalimutan.Dinampot ko na ang bag ko at nagpaalam na kay auntie.Walking distance lang naman ang school.Kaya ko ng lakarin.
----------------------------------------x
**Author's note**
Guys,kung may questions,suggestions or kung may mali man po kayong mabasa,feel free lng po mag comment. :) Thank you :) :) :)