Chapter 4

18 0 0
                                    

Charisse

Yey! Bilis matapos ng klase ko. Uwi na ‘ko kasi may lakad pa kami nila mama. Takbo na kaya ako? Kaso ramp  yung dadaanan ko baka ma-slide pa ‘ko.

Eh pa’no rin sabi ni mama hinihintay na daw nila ako kanina pa. Baka mainip. Sige na nga, tatakbo na ako.

*takbo. Takbo.

Phew! Baka maging champion pa ako sa marathon kung nagkataon sa bilis kong ‘to. Parang kabayo lang! hahaha

“Waaaaaaaaaaahhhhhhh!”

>,<

*blaaaaag!*

Syet naman.. tengeleng -__-

“Aruy ko po!” Anong swerte ko naman at natapilok pa ako plus nadapa! Tumayo ako at pinagpag yung uniform ko. Nung nag-aayos ako ng composure ko tsaka ko lang na-realize na may nabangga pa pala ako. Holo! Kakahiya. Shunga ko talaga!

Tumayo na rin yung lalaki pero nakatalikod sa’kin. Nung unti-unting humarap laglag ang panga ko! OWMAYGAS ABELGAS!

O_o <--- itsura ko pagkakita ko sa kanya..

“Miss sa susunod tumingin ka dinadaanan mo at sino bang may sabi na tumakbo ka dito sa ramp?”

Nagsalita na rin siya sa mababang tinig. Hala! Wala pa rin akong masabi. Tameme ako. Hoy gising Charisse!

“Ahhh… hehehehe! Pa-pasensya na po ku-kuya..” yun lang nasabi ko? Fo’real? Hahaha. Binulsa ko ba bunganga ko? Eh kasi naman sikat tong kaharap ko. Tsaka hiyang-hiya talaga akow!

#_#

“I’ts alright.” sabay ngiti ng matipid ni kuyang sikat.

Ano yun? Ganun lang? hahaha! Keri na din yun atleast nag-smile. hihi!

Ay landi ko! haha!

Dahil sa nahihiya talaga ako kay kuyang pogi, lumakad na ako at nilagpasan siya.

“Aura na!”

yikes! Nasabi ko pa tuloy yung nasa isip ko sa sobrang kaba at di pa rin ako maka-get over..

*

Paglabas ko ng gate nakita ko agad sina mama, papa at kapatid kong si Bitoy.

“Tara na po!” Masigla kong sabi.

“Oh ‘nak ba’t parang nakipagrambulan naman yang itsura mo?” tanong ni papa.

“Huh? Ahhh.. ehh… sa pagmamadali ko po ginawa kong jumping castle yung ramp. Hahahaha!”

“Naku talagang ikaw na bata ka. Ay este dalaga pala ^_^.”

Si mama talaga oh tinutukso pa ko. Ayoko talagang sinasabihan na dalaga ako kasi nahihiya ako sa sarili ko. Parang pag sinabi kasing dalaga dapat alam magbihis at yung mga actions medyo maarte, parang ganun. AHh! Stressful!

“Oh siya, tara na?” pag-aaya ni papa.

“Sige po.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 04, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Babaeng LukaretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon