Chapter 2

33 0 3
                                    

(Levi Sheer's POV)

Kanina pa ako nakangiti dito. Ang sarap asarin ni Sophie. Nakahiga ako sa kama at ang saya saya ko talaga dahil sa nangyari kagabi kitang-kita ko kung paano siya nagulat at natakot nung pinasok ko siya sa loob. Nakita ko siya kasi may cctv camera dun sa loob. Natatawa talaga ako kapag naalala ko kung paano yung reaksyon niya. At alam ko na daga ang kanyang kinakatakutan kasi grade school pa lang kami ayun ang pinang-aasar ko sa kanya. Marahil hindi niya ako maalala kasi ibang-iba ako sa dati at sa ngayon.

At saka bata pa ako nun. Syempre, di niya madidistinguish kung ano itsura nung Levi Sheer na laging nang-aasar sa kanya nung bata pa siya. Pero ang nakakapagtaka kung bakit hindi familiar sa kanya yung pangalan ko. Bakit hindi niya ako kilala?









"Miss ugly nerd " tawag ko sakanya. Hindi naman talaga siya pangit. Ang totoo, may itsura siya pero ang sarap niya lang kasi asarin. Nakukulitan ako kapag nakikita ko yung mukha niya na asar na asar.


"Ugh! Levi Sheen! Why are you here? Diba I said to you na leave me alone!" namumula na yung pisngi niya sa sobrang galit. Ewan ko ba pero nakakatuwa talaga kapag galit siya.


"I have something for you. It's a belated gift." sabay abot ko sa kanya ng isang may katamtaman na laki ng box. "Pwede mo nang buksan yan ngayon. " nakangiting sabi ko.


"Thank You." nakangiti niyang sabi. Kung alam mo lang.


Pagkabukas niya ng regalo ko bakas sa mukha niya yung pagkagulat, pagkatakot, at pagkagalit. Pulang-pula na talaga yung mukha niya. Sumigaw siya ng malakas at rinig na rinig ko yung mga bulungan nung mga studyante dahil sa ginawa niya.


"How. Dare. You. " sabay suntok sa dibdib ko ng maraming beses. Mahina naman kaya okay lang sakin. Tahimik ako habang sinusuntok niya ako. Tumutulo na yung luha niya. Siguro nga takot na takot talaga siya sa daga. Naguilty naman ako sa ginawa ko kaya yinakap ko siya.




May kumatok sa pinto ko.


"Anak, Levi let's eat na " sabi ni mommy.


(Sophie's POV)


"Hey Julie, ano ba kasing ginagawa mo kagabi dun sa party? " nagtataka ako kung bakit nandun siya,


"Wala nga kasi. Kulit mo naman eh." naface palm siya. Nagtatanong lang naman ako eh.


"Curious lang, ito naman. " nakangiti kong sabi.



Nandito ako sa cafeteria at naghahanap ng table. Kanina ko pa tinatanong si Julie kung bakit siya nandun pero ayaw niyang sabihin. Ano kaya problema nun at bakit ayaw sabihin sakin.

Love Makes The World Small Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon