ANAK, PATAWAD...

4 0 0
                                    

Dahil sa kahirapan ng buhay napilitan akong iwanan ang anak ko sa puder ng tiyahin ko na walang anak, labag man sa loob ko at masakit, ngunit wala akong magagawa, para din ito sa kabutihan niya.

“Mama! N-nagmamakaawa po ako, ayos lang po na magtiis ako, basta kasama ko po kayo!” Napapasigaw na ito sa pagmamakaawa at umiiyak na rin.

Sobrang nadudurog yung puso ko habang inaalis yung kamay niya na nakahawak sa kamay ko, sobrang sakit makita yung pinakamamahal mong anak nagmamakaawa para lang hindi mo iwanan.

Simula nung ipinag-buntis ko si Lucas ay iniwanan na ako ng naging kasintahan ko, wala siyang pinag kaiba sa mga nanloko sa‘kin, matapos makuha lahat-lahat at anakan ako ay basta basta nalang mawawala na parang bula.

Sa edad na siyam na taon sobrang nahirapan ako sa pagpapalaki kay Lucas lalo na‘t sakitin ito at napapadalas ang pagdala sa kanya sa hospital, hindi ko na nga nasusustentuhan ng maayos ang pangangailangan niya sa pag-aaral kaya pinatigil ko na diyan at ngayon na nagkasakit ako at halos hindi ko na kaya magtrabaho at hindi ko na halos nabibigay sa kanya ang pangangailangan niya kahit na ang pagkain nalang namin.

“Mama! Mama!” Bawat sigaw at pagtawag niya ay tila bang gumuho yung mundo ko. Heto pala talaga kapag mahal mo, kailangan mong magsakripisyo kahit na ikakasakit din ‘to para sa‘yo.

Ilang buwan din akong naging palaboy-laboy sa kalsada, walang tirahan, pinaalis na dahil wala ng pambayad sa upa. Sinubukan magtrabaho sa kahit saan saan pero sadyang sapat lang ito para sa pagkain ko sa isang araw.

Kung hindi ko inuna ang kapusukan at pagpapakatanga sa pag-ibig, baka hindi ito ang buhay na tinatahak ko, pero wala eh, laging nasa huli ang pagsisisi.

Nakaupo ako sa waiting shed at pinagmamasdan ang paligid.

“Kamusta na kaya ang anak ko,” malungkot na sabi ko sa sarili ko.

Nahinto yung pag-iisip ko nung may lumapit sa‘kin na dalawang lalake. Kung titingnan mo sila mga nasa edad 20 na sila at halatang walang mabuting dulot sa buhay.

“Miss, hanap mo ba easy money?” Tanong nito sa’kin at may pa akbay pa.

“Hoy Jude, masyado ka namang chansing,” Natatawang sambit ng kaibigan nung Jude na naka akbay sa‘kin.

“Manahimik ka Jason,” suway nito sa kasama niyang nagngangalang Jason.

“So ano nga miss, hanap mo ba easy money? Tara sama ka sa’min.” Nakangisi pa ito habang hinahaplos balikat ko.

“Hindi ako bayarang babae kaya sa iba nalang kayo mag aksaya ng oras.” Sagot ko at tumayo na ngunit laki namang pagtataka ko kasi tumawa silang dalawa.

“HAHAHAHAHAHHAAHH chaka naman nitong gurlalo na ‘to akala niya siguro papatulan ko siya.” Napakaunot noo ko sa sinabi niya at nag iba boses niya na tila bang.. Bakla?

Lumapit sa’kin yung nagngangalang Jude at pinaliwanag sa’kin ang inooffer niya. Pumayag ako kasi mukhang easy money nga at sa tingin ko hindi na rin masamang subukan, nasa isip ko para makaipon ako at mabawi ang anak ko.

Kailangan ko lang bantayan ang mga bata dito sa bahay na pinagdalhan nila sa’kin.

Isa itong lumang bahay na sobrang tago, nakapagtataka naman kung anong gagawin dito ng mga bata.

Ilang araw ang nakalipas, nag umpisa na yung trabaho na dapat kong gawin ang daming bata na dinala dito, mga nasa edad 5-8 years old kung ito‘y titignan.

“Samara, gawin mo ng maayos trabaho mo bantayan mo sila at siguraduhing hindi makakatakas.” Utos sa‘kin ng Roel na siya daw yung boss dito.

Hindi ko alam anong gagawin nila sa mga batang kawawa na ito pero isa lang ang alam ko, kailangan ko ‘tong gawin kahit labag sa loob ko para magkapera at makuha anak ko.

Habang tinitignan ko ang mga bata hindi ko maiwasang hindi makonsensya at maawa sa kanila, saan ba ‘to sila nanggaling bakit napakarami naman nila? Mga palaboy laboy din ba sila sa daan at kailangan ampunin.

Hindi ko namalayan sa sobrang pag-iisip ko ay nakatulog ako sa sahig.

“Tulongg!! Tulong!! Mama! Tulongg!” Bigla akong nagising, pawis na pawis at habol habol ang hininga.

“Anak, Lucas, ang anak ko.” Pagtingin ko sa paligid wala na yung mga bata, lumabas ako at nakita ko yung mga batang dinadala pa sa isang bahay, pumasok ako at agad akong napahawak sa bibig ko para hindi mapasigaw.

Naglakat ang mga bangkay ng mga bata, yung mga lamang loob nila. Nakalagay lahat sa isang mahabang mesa.

Halos mamutla ako, parang mahihimatay sa aking nasaksihan.

Lumapit ako sa mga bangkay ng mga bata at hindi ko na mapigilang umiyak.

Ano ba ‘tong pinasok ko.

Inisa-isa kong tinignan ang mga bata hanggang sa mahagilap ng mata ko ang isang pamilyar na hubog na katawan.

Yung mukha niya may mga bahid ng dugo pero kilalang kilala ko ito.

“A-anak, a-anak ko...” Dali-dali akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

“L-lucas... Anak” Iyak lang ako ng iyak at tinatawag parin ang pangalan niya.

Wala na yung lamang loob nito pati ang puso niya.

Sinisisi ko ang sarili ko bakit nangyari ang ganito, pero bakit, bakit ang anak ko pa, paano siya napadpad dito.

Nilapitan ako ng isang lalake na dito nagtratrabaho.

Ang hahayop nila...

Agad niyang hinawaka ang balikat ko, at paglingon ko sa kanya nakita ko yung kutsilyo na hinawakan niya kinuha ko ito at agad na sinaksak sa sarili ko ng walang pag-aalinlangan.

Wala na ang pinakamamahal kong anak, kaya ano pa ang saysay ng buhay ko...

“Hindi man ako naging mabuting ina, pero alam ng panginoon kung gaano kita kamahal anak ko..patawad" Mga huling salita ko sa anak ko bago magdilim ang paligid.

“Tita..tita... Maawa po kayo ‘wag niyo po akong saktan.” Nakaluhod na pagmamakaawa ni Lucas sa Tiyahin ng inay niya na matagal ma siyang sinasaktan at minamaltrato ng masama.

“LUMAYAS KA! ISA KANG WALANG KWENTANG PALAMUNIN AT PABIGAT!”

Pagkasabi ng tiyahin ay hindi na nagdalawang isip pa si Lucas na maglayas sa pamamahay na ‘yon.

Palaboy laboy sa kalsada si Lucas nung biglang may puting van ang tumigil sa harap niya at bigla siyang kinuha at tinakpan ng panyo at biglang nahimatay.

Dinala siya sa hindi kilalang lugar at napaka dilim nito.

Pagmulat ng mga niya ay walang ibang nasa isip niya kundi ang pinakamamahal niyang ina at ang takot nito sa nararamdaman.

“TULONG! TULONG! MAMA! TULONG!” Sigaw lang nito ng sigaw. Kahit alam niyang walang yung ina niya na makakarinig o makakatulong sa kanya nagbabakasali parin siyang baka may tumulong sa kanya.

“Manahimik ka bata!” Sigaw sa kanya at sinuntok siya sa sikmura.

Pinahiga siya at tinali ng mahigpit sa mga kamay at paa.

Nakita niya yung mga matutulis na kutsilyo at iba‘t ibang gamit na halatang pang patay sa mga mapanganib na hayop.

“Mahal kong ina, mahal na mahal po kita, kung mawawala man ako ngayon hihilingin kong sa susunod na buhay ikaw parin po yung magiging ina ko.” Ayon na yung mga huling sandali, huling salita ni Lucas bago ito kinuhaan ng buhay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"ANAK, PATAWAD...."Where stories live. Discover now