Paalam

17 0 0
                                    


"Kit, tulungan mo naman ako dito." tawag ni Singto sa akin.

"Bakit ba? Ano ba yang ginagawa mo?" sabay silip ko sa ginagawa niya.

"Ano kasi, anniversary namin ni Nat next week tapos wala pa akong naiisip na surprise para sa kanya." nakakamot sa ulo niyang sabi sa akin.

Tangina mo Singto, ang sakit. Bakit ba ako nalagay sa ganitong lagay?

Tanga rin naman kasi ako diba?

Tama ba naman magkagusto ka sa bestfriend mo tapos di mo nagawang umamin? Kaya ang ending, naunahan ako ng iba.

Isang taon na akong nagtitiis sa lahat ng sakit mula noong naging sila ni Nat. Wala naman akong magawa kundi ipakitang masaya ako para sa kanila kahit pa yung puso ko, durog na durog na.

I've been loving Singto since junior high school. He's the best boy in our batch kaya marami talagang nagkakagusto at umaamin sa kanya pero wala siyang nagugustuhan sa mga yun. I was thinking na baka kaya niya nirereject yung mga yun kasi wala pa siyang panahon sa mga ganung bagay.

Studious kasi siya, detemined siyang maging valedictorian ng batch namin na nagawa naman niya last year nung grumaduate kami ng senior high. And last year nga rin pumasok kami sa same university kasi oo aminin ko man o hindi, gusto ko siya lagi kasama.

Sa loob ng 8 years na pagiging magkaibigan namin, lagi kaming magkasama, at dahil sa dakilang marupok ako, I fell in love with my best friend but I never confessed.

I was afraid that we might drift apart from each other.

So I opted to choose this path pero bakit ako nasasaktan ngayon.

"Sus, madali lang yan no! Kausapin mo muna ung mga close friends niya dun sa class nila. Uhm, di ba may theme song na kayo? Kantahin mo yun sa kanya, mas maganda kung sa public para ma-touch siya."

Galing mo talaga magpayo Kit, martir ka talaga.

"Pwede nga 'no? Sa may dome nalang kaya? Ano sa palagay mo Kit?" halatang kinakabahan si Singto. Sobrang mahal nga niya talaga si Nat.

"Pwede naman, during their break time siguro?" nasa ibang college kasi Nat, sa 3rd floor yung college nila at yung sa amin naman sa 4th floor.

Kumikinang yung mata niya sa saya na parang biglang sumindi yung light bulb sa isip niya kasi naisip niya na yung dapat niyang gawin.

"Sige sige, alam ko na gagawin ko! Salamat ng marami Kit ha?" nakangiti niyang hinimas yung ulo ko at ginulo ang buhok.

Masakit na hanggang kaibigan ka lang talaga sa taong mahal mo pero anong magagawa mo, gusto mo siyang makitang masaya at alam mong sa iba niya yun nararamdaman.

***

D-Day

7:30AM 4th Floor, College of Economics

"Kit, kinakabahan ako. Kaya ko bang itawid 'to?" tumabi siya sa akin habang tinotono ko yung gitarang gagamitin namin.

Yung iba naming kaibigan busy rin, si Tay hinahanda yung beatbox tapos si Off naman dun sa bulaklak saka sa banners.

"Alam mo ikaw, matalino at matapang ka sa acads, pero sa mahal mo nagiging duwag ka." nakangiting sabi ko sa kanya.

"Halika na nga magpractice na tayo nung kanta mo, baka pumiyok ka pa mamaya."

Ganyan nga Kit, smile through the pain. Yung mga payo ko, dapat ko rin atang maging mantra eh. Ang tanga tanga mo Kit.

11:00AM 3rd Floor, College of Accountancy

Bumaba na kami sa 3rd floor at nagtago dun sa kabilang side ng dome, dun sa hindi tanaw mula sa classroom nila Nat sa North Wing.

Paalis na rin daw yung prof nila sabi ni Namtan, kaklase ni Nat at kasabwat namin sa surprise na 'to.

Nung nagsabi na si Namtan na nasa dome na sila at busy si Nat sa pagcocompute nung ibang practice sets nila, kumilos na kami.

Lahat ng ginagawa ko ngayon, para sa ikasasaya mo Singto.

Ganito kita kamahal na kaya kong harapin ang sakit para sa'yo pero pangako, huli na 'to.

Susunod na hihingi ka ng tulong sa akin, tutulungan kita bilang matalik na kaibigan mo na mahal ka bilang kaibigan at hindi nang mas higit pa doon. Ito rin ang araw na papalayain ko na ang nararamdaman ko para sa'yo.

Nabalik ako sa realidad nung narinig ko ung cue ni Singto na magstart na ko mag gitara.

Kinanta niya yung theme song nila ung "Your Song" ng Parokya ni Edgar.

He was standing there in front of the person he loves, and here I am watching them together, going through the pain while playing the guitar.

Umiiyak si Singto. Si Nat, natatawa pa kasi umiiyak siya.

I can see how in love he is and with that, masaya na rin ako para sa kanya.

Nung patapos na ung kanta, lumabas na yung ibang friends nila Nat na may dalang mga letters na nakalagay sa colored paper. Pumunta sila sa likod ni Singto at nabuo ung nakasulat,

"Happy Anniversary, Mahal." doon na tumulo yung luha ni Nat, habang inaabot ni Singto sa kanya yung bulaklak na hinanda ni Off kanina.

Tumingin ako sa paligid at napansin kong dumami yung tao sa dome, nakapaligid na sa amin kaya kinalabit ko nalang si Singto at nagpaalam na kami nila Off para bumalik sa classroom namin. Iniwan na muna namin si Singto dun.

"P're, okay ka lang ba?" tanong ni Tay sa akin.

"Oo naman. Bakit naman ako magiging hindi okay?" umiiling na sagot ko sa kanya.

"Alam mo p're, kung si Singto, hindi napapansin ung feelings mo para sa kanya, wag mo kaming itulad ni Off. Alam namin na hindi lang kaibigan ang tingin mo sa kanya." sabi niya habang tinatapik ako sa balikat.

"Oo nga, alam naman namin lahat Kit." sabat naman ni Off.

"Hayaan niyo na, nakita niyo naman gaano kasaya si Singto kanina diba? Mahal na mahal niya si Nat at mahal na mahal ko rin siya kaya doon ako sa kung saan siya magiging masaya. At saka nagdesisyon na rin naman ako na tama na, bukas, sarili ko naman ang mamahalin ko."

Nakangiti kong sabi sa mga kaibigan ko. Niyakap nila ako at tinapik sa balikat.

"Kung saan ka, doon kami. Andito lang kami para sa'yo Kit."

"Salamat."

Sa isang kapirasong papel, isinulat ko ang aking nararamdaman.

Paalam sa damdaming kaytagal kong inalagaan. Hindi mo man ito malalaman kailan man, masaya akong ikaw ang aking minahal. Kasabay nang paglipad nitong eroplanong papel, ay pinapalipad ko na rin ang ang aking damdamin. Mahal na mahal kita pero tama na. Salamat at paalam S.

-K

Pinanood kong lumipad ang eroplanong papel na aking ginawa. Unti-unti, ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan pumatak ay nag-unahang kumawala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

KS/KA One-ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon