Reaching You

66 3 0
                                    

______________________________

"I still can't believe that dad's already gone. It's been 5 years pero pinagsisisihan ko pa rin na hindi ako nakahingi ng tawad sa kaniya." sabi ni Lizel habang sinisindihan ang kandila para sa kanyang ama na pumanaw sa sakit na Cancer. "He's been a good father and a good husband, hindi siya marunong magtanim ng galit anak.. he was a good person and he has already forgiven you, mahal na mahal ka niya." Hindi na napigilan ni Lizel na mapayakap sa ina sa sobrang bigat ng emosyon na nararamdaman.

Lizel wasn't a perfect daughter. Lumaki siyang nakukuha lahat ng kaniyang gusto. She is the first grandchild to SDG Company owner Joselito Sarte Sr. She has everyone wrapped around her fingers especially her dad. Laking States si Lizel at ang nagiisang kapatid niya na si Jordan at umuwi na lamang dito sa Pilipinas ng malamang may sakit ang kanilang ama. Doon na nagumpisa ang unti unting pagbabago ni Lizel.

Chapter 1

"Nagmamakaawa po ako, tulungan niyo po ang anak ko marami pa siyang pangarap sa buhay......

sa mga gustong tumulong o mag donate maaaring tumawag sa numerong 491-5456 o di kaya magsadya sa..." Kararating lamang sa bahay ni Lizel ng maabutan ang palabas sa TV, patungkol iyon sa mga Cancer patients na nangangailangan ng tulong. Agad niyang naalala ang kaniyang ama at muling napaluha. Hawak ang telepono ay di-nial niya ang numerong naka flash sa screen, hindi na siya nag dalawang isip pang tumulong dahil sa unang pagkakataon ay may magagawa na siyang tama at hindi niya pagsisisihan.

"Sigurado ka ba diyan?" tanong ng best friend niya na kaklase din niya ngayon sa kinukuha niyang kurso. "Oo naman. It may be too late to make up for all those bad things that i have done in the past but still, I've already made up my mind." sagot ni Lizel habang nilalagyan ng icing ang nai-bake na cupcakes. Culinary Arts ang napili niyang kurso dahil narin sa hilig niya sa pagkain at pagluluto, nasa ikalawang taon na siya nito. Balak nilang dalawa ng best friend niya na mag tayo ng Cupcakes Shop pag katapos nilang grumaduate. Bago siya naging culinary student ay naging naging estudyante muna siya ng Nursing sa FEU. Dalawang taon lamang siya doon at narealized niyang hindi talaga iyon ang kaniyang gusto sa buhay. Kung tutuusin ay hindi na niya kailangang mag aral pa dahil may malaking kompanya ang kanilang pamilya, ngunit nag bago lahat ng panananaw niya sa buhay simula ng namatay ang ama.

Papunta si Lizel sa bahay ng kaniyang best friend na si Jane para sunduin ito. "P180,000!? that's a lot of money Liz! Kahit na siguro lumaking mayaman ako, hindi ko kayang magpamigay ng ganyang kalaking pera!" gulat na salubong sa kanya ng kaibigan. "Oh shut up, just get in the car kasi kanina pa naghihintay sa hospital si Mrs. Antonio." nakasimangot na pumasok sa kotse si Jane. Pagkarating sa hospital ay agad na sinalubong sila ni Mrs. Antonio, ina ng Cancer patient na nangangailangan ng tulong. "Naku Ms. Lizel maraming salamat sa pag punta niyo! Halikayo at ipakilala ko kayo kay Robert." masayang bati sa kanila ng matanda. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman ni Lizel sa mga oras na iyon ng makita ang pasyente, sobrang payat nito at namumutla. "Anak andito na si Ms. Lizel, yung tutulong para matuloy ang operasyon mo." maluha luhang hinahaplos ang binata.. "Maraming salamat Ms. Lizel, hindi ako makapaniwalang may pag asa pa para sa akin." lumuluhang nakatingin sa kaniya ang binata. Lumapit siya at inabot ang malaking envelope laman ang pera. "Don't lose hope, you can fight this.. i know you can!" sabi niya sabay yakap sa binata. Hindi na rin niya napigilan ang pag buhos ng kanyang mga luha.

______________________________

Chapter 2

"How could you do this Liz! This isn't you, this is not my daughter! You're better than this! I know because I am the one who raised you!" galit na sabi ng ama ni Lizel...

Panaginip. Ilang beses na niyang napapanaginipan ang pangyayaring iyon 5 years ago.. tulad nung mga nauna, umiiyak na lamang siya sa tuwing napapanaginipan niya iyon. Hinding hindi niya makakalimutan ang mukha ng ama habang sa kauna unahang pagkakataon ay pinagtaasan siya nito ng boses, hindi niya masisisi ito dahil pati siya ay hindi makapaniwala sa mga nagawa niya noon. Maswerte pa siya at hindi siya pinagbuhatan nito ng kamay, she deserves it.

Sa hospital naman ay hindi mapigilan ang tuwa ni Robert. "Ate Roda pag gumaling na ako, dadalaw muli ako dito para itreat ka ng paborito mong siopao!" Si Roda ang nurse na nag aalaga sa kaniya simula nung siya ay nai-confine dito, biyuda ito at may dalawang ng anak at para na ring kapatid ang turing sa kaniya. "Naku bago yan, ang isipin mo ay ang mga pangarap mo sa buhay. Diba gusto mo maging Architect?" masayang nagkwekwentuhan ang dalawa ng dumating ang ina ni Robert. "Nakakain ka na ba? eto at nagdala ako ng ulam na niluto pa ni Uncle Fredo mo." Nang matapos makakain ay nag usap ang mag ina. "Tuloy po ba ang operasyon ko sa susunod na Sabado 'nay?" tanong ni Robert. "Oo anak. Nakausap ko na ang doktor mo at maayos na ang lahat. Jusko, tatagan mo ang loob mo ha? para iyan sa ikabubuti mo." Yumakap siya sa kanyang ina na napapaluha na "Opo naman 'nay, eto na ho iyon ang tagal niyo po itong pinagdarasal. Salamat 'nay, pag natapos lahat ng ito ay kayo naman ang tutulungan ko, pangako iyan." Likas na malambing na anak si Robert sa kaniyang ina. Hindi man siya lumaki na nakukuha lahat ng kaniyang gusto, masaya naman siya sa piling ng kaniyang ina na labis din naman ang pagmamahal sa kaniya. Bata pa lamang siya ng iwan sila ng Amerikano nitong ama pabalik sa abroad. Hindi na ito nagpakitang muli. Balak niya itong hanapin pag siya ay gumaling na at makuha ang mga sagot na noon pa man hinahanap hanap niya.

10:30 na ng umaga nagising si Lizel dahil na rin sa kulang sa tulog. Dali dali siyang nagshower at nagbihis ng damit, hindi na siya kumain. Ngayon ang araw ng operasyon ni Robert at nais niyang makita ito sa huling pagkakataon. Kasama muli ang best friend niya ay dumaan muna sila sa Farmer's Market para bumili ng mga prutas para kay Robert. "Aww Liz, ang sweet sweet mo! Ikaw na ba talaga iyan? Dagdagan mo pa kaya ng flowers at mga balloons!" pabirong sabi ni Jane. "Akala ko ba hindi mo gusto itong ginagawa ko?" tanong ni Lizel. "Well, you're doing the right thing. Nakita ko kung paano ka yumakap dun sa pasyente at umiyak, doon lang kita ulit nakitang umiyak." Nasa loob na sila ng kotse papunta sa hospital. "I couldn't help it. The guy desperately needed a help and for once in my life, everything feels right." nakangiting sabi niya. "I'm so proud of you bestie, as long as it'll bring you happiness, masaya na rin ako."

______________________________

Chapter 3

Bago makapasok ng operating room ay nagkausap pa si Lizel at Robert. "Ms.Lizel ang akala ko hindi na kita ulit makikita, masaya po ako at nakabalik kayo ulit dito." masayang sabi ni Robert habang hinihintay ang oras ng kaniyang operasyon. "Please just call me Liz. I just wanted to see you. Here, i have something for you." sabay abot ang basket ng prutas at isang libro (You Can Make Your Life Beautiful by: Bo Sanchez). "Ms. Lizel, I... Umm-" biglang pumasok ang nurse ni Robert. "Dumating na si Doc, oras na para sa opersyon mo." Hindi na naituloy pa ni Robert ang sana'y pagpapasalamat. Iyon na ang huli nilang pag uusap.

Umabot ng dalawang oras ang operasyon at ito ay naging matagumpay. Matagal na namahinga si Robert bago siya nakausap ng ina. "Nay nasaan ho si Ms. Lizel?" tanong niya habang pinipilit na bumangon. "Wala na siya anak, umalis na siya. Humiga ka muna dahil baka mabinat ka." nag aalalang inalalayan ang anak sa pag higa.

Hindi nanaman nakatulog si Lizel ng gabing iyon. Mulat ang mga mata niya ng tumunog ang alarm clock niya 5:00 ng umaga. Agad na siyang bumangon at naghain ng makakain. Mag isa lamang niya sa Condo na tinitirahan kaya lahat ay siya ang gumagawa. Pagkakain ay nagshower na siya at nagbihis. Nag apply ng kaunting make up, at dumeretso na sa school. Hindi naman talaga siya mahilig sa kolorete dahil hindi na niya kailangan pa iyon, nasa dugo ng mga Sarte ang pagiging mestisa at maswerte siyang namana niya iyon. Kung hindi lang naman sa best friend niyang mapilit ay hindi na siya gagamit pa ng make up.

"Successful daw ang operasyon ni Robert sabi sa text ni Doc. Bakit kasi hindi mo na lang dalawin ulit yung tao para naman mapanatag loob mo bestie?" sabi ni Jane kay Lizel na nakatitig lamang sa papel na wala namang nakasulat. "Huy! Narinig mo ba sinabi ko? What the hell is wrong with you today Louise Isabelle Sarte?" gulat na napatingin si Lizel sa kaibigan. "Do yo really need to use my full name? Gezz! I don't know okay? I don't wanna get attached to anyone. Sapat ng natulungan ko siya!" padabog na sagot niya sa kaibigan. "Okay okay! kailangan galit? I'll leave you for a while, pahangin ka muna. Meet me at the library later." sabay halik sa pisngi ng kaibigan.

"What's wrong with me?" tanong ni Lizel sa sarili habang tinititigan ang reflection niya sa salamin. Nag aalala siya para kay Robert, she was afraid that something wrong might happen during the operation. She just wont admit it to herself. Takot siyang ma-attach sa tao dahil baka sa bandang huli ay iwan siya muli nito, just like her dad. Pagkatapos magre-touch ng make up ay lumabas na siya ng C.R papunta sa library para i-meet ang kaniyang kaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Reaching YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon