Isa kang matingkad ng pinturang
ipinahid sa malungkot kong buhay
Ikaw ang nagsilbing linawag sa dilim
na dati’y ‘di ko makita ang KULAYIkaw ang sumisimbolo sa limang letra
MAHAL, isa kang nabuong alamat
Ang lungkot pinalitan ng saya na
matagal ko na ding hindi nadarama
Ang pagdating mo sa buhay ko’y pinagpapasalamat
Ang nawawalang pahina ng aking aklat‘Di ko SUKAT akalain na ikaw mapapasakin
Ang biyahe ng pangarap,
hindi ang layo ang iisipin
Ikaw ang simbolo ng mga ngiting pangwalang-hanggan
Kailan kaya ang puntong ika’y mahahagkanSumapit ang LUNGKOT,
‘di nagpadala sa takot
Ikaw ang nagpatuwid sa mga
katwirang baluktot
Ikaw ang sagot sa tanong
na matagal ng tinutukoy
Ang nag-aalab na damdamin,
hinigitan pa ang apoyBukas- makalawa, sa dapit-hapong umpisa
Nais kong balikan ang KASIYAHANG 'yong dala
Paulit-ulit mang papiliin,
ikaw ang tatangkilikin
Ang nilalang na dahilan
ng aking pagmulat sa bawat umaga.