CHAPTER 3

2 0 0
                                    

Uncalled Four

-errors ahead-

"Addi!" may tumawag kay Addi

Lumingon kami sa pinanggagalingan ng boses na tumawag kay Addi.

"Oy! Eve!" tawag ni Addi sa babaeng tumatawag sa kanya sabay kaway.

Lumapit yung babaeng tinatawag ni Addi na Eve,"Ba't mo ako iniwan don!" sabi nung Eve kay Addi sabay kurot ng tagiliran nito.

"Aw! S-sorry tinignan ko lang yung nangyari kanina" sabi ni Addi sabay himas ng tagiliran nya na kinorot ni Eve.

Tumingin samin si Eve tapos bumaling kay Addi.

"Sino sila?" tanong nya.

"Mga girlfriend ni Johnyy ghorl yan, si Candace tapos si Lizette"

"Hoy! Addi anong pinagsa- Aray! Para saan yon?!" hindi na natapos ni JD yong sinasabi nya dahil bigla siyang kinorot ni Eve.

"Ang bata mo pa tas nagjojowa kana!" singhal ni Eve, "Tapos hindi lang isa dalawa pa?! At kailan ka naging totoong lalaki?! Akala ko lalaki type mo!?"

"Hoy, Eve! Wag ka ngang magpapaniwala dyan sa sinasabi ni Addi alam mo namang lokaret yang babaeng yan" sabi ni JD sabay turo kay Addi na tinatakpan yung bibig na pinipigilan yung tawa na gusto kumawala.

"HAHAHAHHA!" tawa ni Addi na Hindi nya na napigilan.

Tinignan sya ng masama ni JD at akmang susugurin nya ng bumaling si Eve saamin.

"Evelyn Zoe Miranda" sabi ni Eve sabay abot ng kamay saamin ni Lizette. "Just call me Eve"

Tinanggap naman namin ni Lizette yung pakikipag-kamay nya,"Lizette Kleira Oliver" pagpapakilala ni Lizette . Bumaling si Eve sakin saka naglahad din ng kamay,"Candace Misha Harper" sabi ko sabay ngiti.

Bumaling sya pabalik kay Addi at JD na ngayon ay nagkukurotan na."Tumigil nga kayong dalawa dyan! Para kayong mga bata!" saway ni Eve sa dalawa saka naglakad papunta sa tabi ni Addi, "Ano yung nangyari kanina sa cafeteria?" bulong ni Eve kay Addi na narinig namin dahil sa magkalapit lang kami.

"Eto na nga!" Excited na sabi ni Addi saka kinwento yung nangyari kanina.

"Mga chikadora!" sigaw ni JD sa dalawa ngunit hindi sya pinansin ng mga ito at nagpatuloy lang sa pagkwekwentohan.

Natapos na ikwento ni Addi yung nangyari kanina sa cafeteria. Bumaling si Eve saakin na may pag-aalala sa mukha. "Goodluck" sabi niya. Anong sinasabi nito?!

"Tara punta tayo cafeteria!" Aya ni Addi saamin.

"Naku teh! Ayaw nanaming bumalik don anraming nakatingin kanina baka pag balik namin don pabulong-bulongan kami magmumukha kaming artista don" sabi ni JD na sinang-ayonan naman ni Eve.

"Bibili lang tayo ng pagkain don tayo kakain gymnasium wala naman masyadong tao dun eh" sabi ni Addi at kumaripas na ng takbo papuntang cafeteria. Wala na kaming nagawa kundi sundan sya habang naglalakad kami papuntang cafeteria napapansin kong halos lahat ng tao sa paligid tumitingin saamin-- saakin saka nagbubulong-bulongan­. 

"Sabi ko naman kasi wag na tayong bumalik dito eh" sabi ni JD na napansin din yung mga bulong-bulongan sa paligid.

Nakakahiya naman dito.

"Diba siya yung babaeng nakabunggo kang Blace lately?" rinig kong sabi ng babae sa cafeteria. Wow ha kung magbubulungan ba talaga kailangang dinig na dinig ko?

"Oo siya nga, Goodluck to her" sagot ng kasama niya.

"Oh my God, she is so unlucky"

Nako naman! Mas lalo Pa akong natakot sa sinabi nila. Why am I so unlucky?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 20, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Poisoned LoveWhere stories live. Discover now