Pumasok na rin siya sa elevator at pinindot na kung saan siya papunta. Bigla siyang lumingon "pababa ka?"
Tumango lang ako at nag tingin tingin kahit saan nakakailang naman ang tahimik...
Sa wakas bumukas na ang elevator dali dali na akong lumabas at sinout na ang cap ko ulit.
Buti nalang walang napapansin sakin,marami pa namang nurse sa baba.
Hindi kona alam saan pumunta yung lalake kung nabunggo kanina. Lakad takbo na ang ginawa ko para makapunta sa convient store na malapit sa hospital.
Pumasok na ako sa convient store at namili na ng mga junk foods,well bawal saken imo pero minsan lang naman nagkuha din ako ng dalawang spicy cup noodles. Gusto ko talaga ang mga spicy foods.
Pumunta na ako sa cashier at nagbayad na patungo na ako sa pinto ng store ng biglang may pumasok, hmm familiar... nanlaki ang mata ko nang makita yung lalake kanina sa elevator. Tinaasan lang niya ako ng likay at linagpasan , hmp! ANG SUNGIT TALAGA SAYANG GWAPO PA NAMAN!
Tiningnan ko ang orayan sa store 9:40 na!! daling dali na akong lumabas sa store at patakbong bumalik sa hospital.
Hingal -hingal akong pumasok sa elevator at pipindutin na sana ng may kamay na humarang.
Tumingala ako at tiningnan kung sino pero nag expect na ako na yun na namang lalake kanina.Hindi na ako nagulat. Tsk palage nalang kami nagkikita pasyente rin ba siya dito at tumakas lang din? wews kung tama ako same vibes kami char.
Tumikhim ako at tumingin sa kanya lumingon siya sakin kaya nagtanong na ako.
"Pasyente ka rin ba dito?" Hindi ko alam pero gusto ko talaga yun itanong, tumitig lang siya sakin nailang ako kaya yumuko ako. "Umm sorry kung iba ang dating ng tanong ko sayo gusto kolang malaman""Well wala naman akong sakit nadala lang ako dito dahil bigla nalang ako nahimatay habang nagbabanda" tumalikod na siya at humarap sa harap.
"ahh ganon ba" yun lang ang nasagot ko lol. Hindi ko alam anung isasagot ko kaya yun nalang.
Lumingon ulit siya sakin "ikaw,pasyente karin ba dito?"
Tumitig ako sa kanya tumango nalang ako at nag iwas ulit ng tingin hindi naman sa ayaw ko sabihin sa kanya pero hindi ko pa kayang isabi sa mga nakilala kolang na hindi lang ako pasyente rito kundi parang dito na umiikot ang buhay ko.
I hope you enjoy reading!
melancholy;3
YOU ARE READING
CHASING THE NIGHT⋆ (soon)
RomanceHim: Is it possible to fall inlove with a sick person? Her: Do I deserve you?