Hi guys! This is my first story na napublish ko sa buong buhay ko sana po ay masuportahan niyo and mahalin. Follow me on my account for more stories and also you can follow me on my other social media accounts.
Twitter: @ooshixen
Instagram: ooshiexnThank you so much. Enjoy reading.
•••••♪•••••♪••••♪••••♪••••♪•••••♪•••••♪•••••♪••Lumaki ako ng walang ama kaya lumaki din ako na tampulan ng tukso. Una, wala lang sa akin yun baka nagtratrabaho lang ito sa malayong lugar ngunit ng nakita ko ang aking ina na umiiyak habang nagsusulat sa kanyang kwaderno nagbago ang aking pananaw sa aking ama. Nawala ang aking respeto na aking iniipon sa aking ama na kinagalit nama ng aking ina.
Hanggang sa isang araw nagaya ang aking ina na magmeryenda muna dahil kinabukasan ay ang aking pasukan.
"Anak, halika dito naghanda ako ng meryenda para makapag bonding tayo dahil pasukan niyo na bukas at baka maging busy ka na." Habang sinasabi niya ito ay maluha-luha siya.
"Nay naman alam mo namang di na effective yan HAHAHAHAH" pagbibiro ko dito.
"Hay nako, siege tumawa ka pa para masamid ka bilisan mo at uubusin ko itong paborito mong meryenda." saad nito.
Ang aking ina ang pinaka mamahal kong babae. Kahit na minsan di kami magkasundo dahil sa pinagkaibang ugali namin at opinyon never ako pinaramdam na di niya ako anak at kahit alam niyang galit ako sa aking ama ay nirespeto na lamang nito.
"Nay, ansarap naman talaga ng biko mo, pag namatay ka ma kailangan mong iwan yung recipe nito." Pagbibiro ko dito dahil masarap talaga ang biko niya. At syempre ayaw ko din siyang mawala.
"Baliww kang bata ka pinatay mo naman agad ako. Wag kang magalala nakalista na ang mga recipe ko sa aking paboritong kwaderno at ang mga pinapakain ko sau ay nandoon din baka mamaya buhayin mo ako ehh." pagbabalik biro nito.
Napatahimik ako nung sinabi niya na nasa paboritong kwaderno niya Ito. Ayaw ko mabasa ang mga hinanakit at galit nito sa aking ama dahil maalala ko lang ang sama ng loob ko sa kanya.
Masaya kaming nagkwentuhan ni inay. Mga alaala niya nung college niya kung gaano niya kahilig mag cutting pero di siya mapa dropout dahil ang aking ina ang panlaban nila sa mga international quiz contest. At kung anu-ano pang kadramahan niya.
"Naalala ko ang iyong ama parati siyang nagpapaluto ng biko sa akin para may makakain siya habang nagrereview." pagsisimula niya.
Umismid ako para hindi niya na ituloy dahil wala namang magbabago sa nararamdaman ko sa aking ama.
"Wag kang mag-alala nak di na kita pipiliting alisin ang galit mo sa iyong ama, pero hayaan mo sanang magkwento ako sa iyong ama." pagpapaliwanag naman nito.
Tumango na lang ako at sumilay ang ngiti nito sa kanyang mukha. Sabay kaming kumuha ng baso at uminom. Naghahanda siya para sa kwento at ako naghahandang matulog.
"Ang iyong ama ay nasa malayong lugar anak hindi siya patay at di niya tayo iniwan pero nasa lugar siya na walang kalayaan" pagtigil nito para punasan ang kanyang luha.
Nagtaka ako, walang kalayaan? Ano ang sinasabi ng aking ina? Lahat ng bansa ngayon ay may kalayaan?
"Ang iyong ama ay isang ......"
Isang?
*bang bang bang*
"Nayyyy!!!"
Ang aking ina ay nalulunod sa dugo pagkatapos pagbaril-barilin ng mga dumadaang motor ang aking ina.
"TULONG!!! MGA KAPITBAHAY TULLONGGGG!!" pagsigaw ko.
Nakita ko ang aking ina na nakangiti kahit alam niyang ilang oras na lang ang natitira sa kanya.
Narinig ko ang mga pagkataranta ng mga kapitbahay at ang pagmamadaling tumawag ng ambulansya.
Coincidence ba ito o sadya?
Sakto talaga sa pagkwento nito tungkol sa aking ama. Simula sa araw na ito hindi ko hahayaang may magkwento sa aking ama dahil kung hindi sa kanya sana di namatay ang aking ina.
•••••♪•••••♪•••••♪•••••♪•••••♪•••••♪•••••♪•••••
Hi guys! Thank so much for reading. Sana naenjoy niyo itong chapter na ito. And don't forget to follow me in Wattpad for more stories and you can also follow me on my social media accounts.
Twitter: @ooshixen
Instagram: ooshiexnLove you guys so much and have a nice day.

YOU ARE READING
The Father of my Child
RandomLumaki ako na walang ama kaya sobrang galit ko na lamang dito. Isang araw tinawag ako ng aking inay para magkwento tungkol sa aking ama dahil napapansin niya na dahan-dahang lumalaki ang galit ko dito, ngunit bago niya ikwento bigla may bumaril sa a...