Ayesha pov
20 minutes ay natapos nako maligo kaya naman nag bihis nako at dumiretso na sa lamesa.Naabutan ko naman ang ate ko na laki ang tuwa niya,kaya naman umupo nako at pinag hain nako ni ate ng pag-kain kaya naman kinain ko na ito
"O ayesha kain ka marami ha kailangan nating mag celebrate mamaya pag uwi natin"sabi niya sakin at bakas sa kaniya ang tuwa di ko alam kung bakit pero ngumiti nalang ako sa kaniya
"Ate ano palang meron at bakit tayo mag celebrate?"tanong ko nito sa kaniya
"Secret surprise lang yon"sambit niya naman kaya tinapos ko na ang pag kain ko dahil patapos na siya
Ng matapos na kaming kumain ay nag lakad lang kami,para maka punta sa school sabi kasi ni ate mag lakad daw kami para excercise kaya naman tumango nalang ako
"Ayesha ito ang pinakamasayang araw sa buhay ko"sabat niya sakin
"Ate nasabi mo napo yan noon ehh"takang sabi ko,kasi pag may napapatay siyang tao at pag tapis niyanh gawin iyon ay yan ang sinasabi niya sakin kaya naman kinakabahan nako
"Ano kaba ayesha talagang ito ang pinakamasayang araw sa buhay ko lalo nat kasam kita aking kambal"ngiting sabi niya sakin sabay akbay kaya naman ngumiti nalang ako sa kaniya
Ilang oras ang pag lalakad ay nakarating na kami sa room namin,nag taka naman ako kung bat wala pa si ma'am margarette at ang mga kaklase namin ay nag iingayan
"O-oy vince"tawag ko dito sa kaklase ko na lalaki
"Ano yon ayesha?"tanong naman niya sakin
"Tapos na ba mag turo si maam?"tanong ko naman nito
"Ang sabi pinatay daw si maam dahil sa dami nitong sak-sak sa dib-dib at leeg saka pag pasok namin dito ay nandito na ang mga cards natin"paliwanag niya sakin pero pano at sino naman ang papatay ka maam kaya naman napatingin ako sa kambal ko na nakaupo malapit sa bintana na kita sa kaniya ang laking tuwa
"A o siya nga pala ayesha ito pala cards mo saka kay ayen congrats ha"kinuha ko naman ang card pero nag tataka ako bat niya ako sinabihan na congrats
Tinignan ko ang card ko puro live of 9 wala ang bagsak p-paano nangyari ito,kahapon lang pinakita sakin ni maam bagsak ako.
"Ayesha hali ka nga rito ano ba tinatayo mo jan?"tawag niya sakin kaya naman lumapit ako rito
"Ate tignan mo to nakapasa ako"at pinakita ko sa kaniya ang card ko
"Wow nice good job ayesha sabi ko naman sayo makakapasa ka"ngiting sambit niya sakin habang pinipisil ang pisngi ko
Napa-luha nalang ako dahil alam kong siya ang may gawa non pero bakit niya kailangan gawin yon para lang mag kapareha ang grades namin.
Naalala ko tuloy nong mga bata kami ay ganon din siya pinatay niya ang ina ng bata dahil lang sa pinagalitan ako........At naulit na naman ngayon dahilan niyang protektahan niya ako at walang pwedeng apihin ako ng mga tao...
Alam kong alam mo na,pero sorry sis ginawa ko yon dahil ayaw kong inaapi kalang niya ayaw ko din na ako ang palaging lamang sating dalawa
Umuwi na kami ni ayesha dahil puro ingay lang ang nagaganap sa room at wala naman ding pasok,dahil namatay si margarette at iniimbistigahan nila ito kung sino ang pumatay,pero di naman nila malalaman kung sino dahil wala akong iniwang finger print at saka foot print ko sa bahay ng bruha nayon
Ng makarating na kami sa pinag hihintayan namin ng sasakyan ay bigla siyang nag salita
"Ate"
"Hmm ano yon ayesha?"tanong ko naman sa kaniya
"Ate sabihin mo nga sakin ikaw ba pumatay kay miss margarette?"at napalingon naman ako sa sinabi niya
"H-hindi bakit ko naman gagawin yon at saka ano ako baliw para patayin ang isang guro"pag sisinungaling ko sa kaniya
"Hmm ganon ba,naninigurado lang kasi ako"cold niyang sabi
"Hay nako ayesha wag mo ng isipin yan,dapat nga maging happy ka dahil nakapasa ka diba"sambit ko sa kaniya at lumingon naman ito at ngumiti
"Ah oo nga pala ate nakapasa ako salamat talaga lord"ngiting sabi niya at tumingin sa itaas,at ako naman ay niyakap nalang siya
"Andito lang si ate para sayo"sambit ko dito at tinugon niya naman ang yakap ko
Ilang minuto ang pag yayakapan namin ay dumating na si daddy para sunduin kami kaya naman pumasok na kami sa kotse
Ilang minuto ang byahe ay nakarating naman kami sa bahay at sinalubong naman kami ni mommy saka ko binigay ang cards ko at kay ayesha,subrang tuwa non sila mommy at daddy dahil sa nakita nilang matataas ang grado namin kaya naman nag celebrate kami
Ayesha pov
Pag dating namin ng bahay ay sinalubong kami ni mama at binigay naman ni ate ang cards naming dalawa kaya naman tuwang tuwa siya at nginitian naman ako ni ate.
Niyakap ko nalang din si mommy at si daddy naman ay di makapaniwala na matataas ang grades namin ni ate,pag tapos non nag celebrate na kami.
Hindi ko naman din matatanggal sa isip ko na si ate ang may gawa non ehh dahil naalala ko ang sinabi niya kahapon at di ko yon makakalimutan,kaya naman pumasok nako sa kwarto namin at pinabihis na kami dahil mag kakain kami sa labas at si ate ay subrang excited kaya naman hinila niya ako pababa dahil lalabas kami at kakain........