Prolouge

13 1 1
                                    

Calix's Pov,

Marahan akong naglalakad patungong dorm ng mapansin ko ang isang pusang kulay gray ang mga makakapal na balahibo. Pinuntahan ko ito at hinimas himas ang ulo, napatigil ako ng biglang umalis ito at nagtungo sa puno ng Narra. Sinundan ko ng tingin at bahagya pa akong natigilan ng bumungad sakin ang isang nerdy na lalaki dahil sa buhok niyang natatakpan ang salamin ng kanyang mga mata at makakapal na libro na hawak hawak niya.

"Sinong nagsabi sayo na pwede mong hawakan ang pusang iyan?", maawtoridad at seryosong seryosong tanong niya sakin. Kinilabutan ako sa di maipaliwanag na dahilan dahil sa titig at kanyang boses na seryosong seryoso.

"P-Pasensya na hindi ko naman alam na may may-ari ng pusang iyan",nilakasan ko ang loob ko at pinanatiling blanko ang mukha ko para di niya mapansin na kinilabutan ako sa tono ng pananalita niya.

"Sa susunod huwag kang mangingialam ng hindi mo pag mamay-ari at huwag kang maniniwala sa mga bagay o taong nakapalibot sayo", sabi niya pa. Kahit naguguluhan pinilit kong tumango sakanya. Walang sabi sabi niya akong iniwan at naglakad patungo sa kabilang hallway.

Pagdating ko sa tapat ng pinto ng aking silid binuksan ko agad ito at basta basta na lang inilipag ang bag sa sofang nasa tapat ng tv at humiga ako sa king size bed na kama. Di mawala sa isipan ko ang mga sinabi ng lalaking nerd na yon kanina, hindi ko siya maintindihan. Pinilit kong iwaksi sa isipan ko ang mga katagang iniwan niya saakin bago tuluyan maglakad paalis.

Ipinadala ako dito dahil gusto nila akong mag undercover. Parusa ko ito sa pagbubulakbol sa mga nakaraang school year at sa year na ito kailangan kong makapagtapos nang pag-aaral. Magtatrabaho din ako para sa mga magulang kong hinahangad na matapos na ang kasong hawak nila.

Mapapagbayad na rin sa wakas ang pumatay sakanya.

Nagbihis na ako at natulog ngunit isang malakas na sigaw ang biglang nagpabalikwas sa akin sa pagkakahimbing ng tulog ko. Paglabas ko ng pinto nakasara ang lahat ng mga pintong katapat ko at ang tahimik ng hallway,nagkibit balikat na lang ako at papasok na sana ako ng kwarto ng biglang may tumakip sa bibig ko at hinatak ako sa madilim na parte ng hallway.

Shit! napasigaw na lang ako sa aking isipan at unti unting nanghihina, dahil para bang may kung anong gamot ang nakalagay sa panyong kasalukuyang nasa ilong at bibig ko. Nakita ko pa ang mukha niya bago ako tuluyan mawalan ng malay.

A/N: Makakaligtas pa ba siya? Sino ang humatak sakanya? at bakit may narinig siya na sumisigaw sa hallway kanina? samahan natin si Calix sa pag tuklas ng mga misteryong nakabalot sa paaralang ito.

Neon AcademyWhere stories live. Discover now