Epilogue

183 31 40
                                    

I've decided to add Sigrid Montreal on facebook. Pinalipas ko muna ang isang taon bago gumawa ng hakbang para i-istalk ang kaibigan ni Allysa.

Alam kong medyo mali, pero talagang hindi ko mapigilan ang sarili ko na gumawa ng paraan para mapansin niya.

Imposible man, pero susubukan ko pa rin. Hindi ko alam kung bakit, pero sa tingin ko, gusto ko siya.

Siguro dahil maganda siya, at sopistikada. Hindi sa pagmamayabang, may ibubuga naman ako kung tutuusin. Maykaya ang pamilya namin at nakakakain kami ng higit sa limang beses araw araw.

Napag-alaman ko din na isa na siya sa mga wattpad stars na tinitingala ng karamihan. Isa na ako sa kanila. Marami na din akong nalaman tungkol sa kanya. I even read her stories. Hindi na nga ako nakakatulog matapos lang ng isang linggo ang isang akdang gawa niya.

Napansin ko rin na halos magkapareho din sila ng writing style ni Allysa. I'm silently reading the works of TheGirlWhoFellEasily.

Hindi ko alam pero nahihiya ako sa kanya. Ayoko munang magpapansin noon, pero ngayon, willing na akong magpakilala not just as her fan, but as her future lover.

Dahil isa naman siyang public figure, madaling makita lahat ng posts niya sa social media.

I followed her on twitter with 988k followers, on instagram with 1.23M and of course, her wattpad account. She has 1.62M followers on her account with 32 works. 19 of them are published already in the market.

I bought them all, and considered them as my TGWFE collection. I even bought a rack for books and placed it beside my bed. Palagi akong nagbabasa kapag free time or bago ako matulog.

At sobrang sarap ng tulog ko dahil honestly, kinikilig ako sa mga pamatay niyang banat na minsan naman ay parang nagsusungit na ewan.

Sometimes, ina-assume ko nga na siya si StoneHeartedCutie dahil I can't lie, they had similarities when it comes to characters, and their dialogues.

Bigla akong napadpad sa isang bago niyang post na naging dahilan para makaramdam ako ng kakaibang emosyon na hindi ko magawang pangalanan.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko at pilit kinalma kung ano man itong nararadaman ko.

Huminga ako nang malalim, noong may luhang bigla na lang tumulo sa kaliwang mata ko.

Gerard Trevacco is with Sigrid Montreal.

8:56 am | Public

15 minutes ago

🇮 🇳  🇦
🇷 🇪 🇱 🇦 🇹 🇮 🇴 🇳 🇸 🇭 🇮 🇵 
🇹 🇴 🇩 🇦 🇾 

1.01k React | 1.2k comment | 567 share

Allysa Buenaventura

Create Series #1: Wattpad, Create Our Story | Epistolary✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon