Prologue

111 8 8
                                    

Umuulan at napakalakas ng kulog habang ako'y nagtitimpla ng kape.

Honeyyy!! sigaw ng asawa ko kabuwanan na niya kaya sa tuwing tatawagin niya ko ay daig ko pa yung hangin sa bilis ng pagkilos ko.

Bakit hon? tanong ko sa asawa ko na nakahawak sa tiyan niya

Sumasakit ang tiyan ko manganganak na ata ako hon. mabilis akong kumilos at tinawag ko si Saldy o mas kilala bilang Uno ang Punong bantay namin (Skyler's dad) hindi naman ito ang unang beses na manganganak ang asawa ko pero sa tuwing nasa ganito akong sitwasyon nagpapanic ako.

Master nakahanda na yung kotse. tumango ako sa kanya at inalalayan ko ang asawa ko.

Doreen ikaw ng bahala sa mga bata huwag mo na silang gisingin kapag hinanap kame sabihin mo nasa hospital. binilin ko sa asawa ni Uno ang mga anak kong mahimbing pa ang tulog.

Hindi ako mapakali panay ang lakad ko huminto lang ako ng hawakan ako sa balikat ni Uno.

Master kumalma ka mag tiwala ka kay Lady Carrieleigh kaya niya yan. nginitian ko si uno

Nasasabik lang ako uno dahil ngayon lang ako magkakaron ng babaeng anak may prinsesa na ang Imperial. naluluha kong sabe lumingon ako sa aking likuran ng marinig ko ang boses ng aking ama.

Anak. pagtawag niya sa akin at agad ko siyang nilingon

Dad nasa delivery room siya. tinapik ako ni dad sa balikat.

Kumalma ka anak binabati kita at may prinsesa ka na ang pagdating niya sa ating pamilya ay kinapapanabikan ng lahat dahil sa unang pagkakataon nagkaron ng babae sa pamilya ng Imperial

Nasaan po si Mommy? tanong ko

Natutulog pa hindi ko na ginising dahil masarap ang kanyang tulog pero nasisiguro kong mapapagalitan ako nun dahil hindi ko siya sinama dito baka mahilo lang ako sa inyong dalawa dahil pareho kayo na palakad lakad sa harap ko sa tuwing manganganak itong si Carrieleigh. Natawa ako sa sinabe ni dad gayun din si Uno.

Lumabas ang doctor sa delivery room kaya mabilis akong tumayo sa kinauupuan ko at lumapit sa kanya.

Congratulations Mr. Imperial napakagandang bata ng iyong bunso. dahil sa sinabe ng doctor lalo akong nasabik na makita ang aming prinsesa tumingin ako kay dad at ngumiti siya sa akin. Pumasok ako sa kwarto kung nasan ang mag ina ko.

Hon tingnan mo napakaganda niya. lumapit ako agad sa kanya at hinalikan ko siya sa noo at kinuha ko ang prinsesa namin.

Sa pangalawang pagkakataon na love at first sight ako kinuha agad nitong bunso namin ang puso ko.

Kamuka mo siya hon pero sa akin nagmana ang kanyang mga mata ngunit ang lahat ay sa iyo na napakadaya naman. sabe ko

Ashleigh Raina Imperial napakaganda mo anak ko. nakangiting sabe ko

Isinunod mo pala sa pangalan ng mga kapatid niya at sa pangalan mo Carrieleigh? si dad

Yes dad yung Raina ay idinadag ko. Siya ang magiging Reyna ng ating Pamilya hindi lang basta prinsesa iniba ko lamang ang spelling dahil umuulan ng ipinanganak ko siya kaya RAINa ang naisip ko. Naniniwala ako na lalaki siyang matapang at mapagmahal na bata baka siya na dad ang makakapasa sa ensayo ng pamilyang ito.

Reyna... binanggit iyon ni dad habang nakahawak sa baba niya at muling nagsalita. bagay sa kanya nasisiguro kong siya ang boss natin sigurado akong spoiled yan sa mga kuya niya nawa ay sa iyo nga ito mag mana carrieleigh. dagdag ni daddy

Pati siya dad ay isasabak mo? bakit kay hon lang pwede naman sa aming dalawa mag mana. hindi man ako sang ayon pero wala akong magagawa dahil hindi kaya ng mga lalaking anak ko paano pa kaya itong prinsesa ko.

Dad babae siya hindi ba pwedeng wag na lang natin siya isabak.

Anak walang kasarian ang pagsabak sa ensayo ito na ang nakaugalian ng ating pamilya matanda na ako at walang pang pumapalit sa akin bilang ALAS ng pamilyang ito ngunit kung kakayanin niya ipagtanggol at pamunuan ang pamilyang ito siya ang kaunaunahang babaeng Imperial na dadaan sa ensayo at kaunaunahang ALAS na babae.

Wag mo tingnan bilang mahina ang isang babae anak tingnan mo na lang ang iyong asawa hindi ka nga manalo nalo diyan. nilingon ko si honey at dinilaan lang niya ko hindi ko alam pero ayoko siyang mag ensayo ayokong mag ensayo ang prinsesa ko.

Ayoko siyang mahirapan dad. sabe ko

Hindi natin siya pipilitin anak siya ang pipili ng kapalaran niya hindi ako at hindi rin ikaw.

May tiwala ako sa anak ko alam kong kakayanin niya iyon kaya RAINA ang ipinangalan ko dahil siya ang makakasama ni Vladimir sa pangangasiwa sa mansion at sa mga business natin dito sa Pilipinas nakalimutan mo na ba hon na Vladimir ang ipinangalan natin sa kanya na may kahulugang HARI at ang Panganay naman nating anak na si Ashdale ay kayang makipag usap sa limang lengguahe ilan pa kaya ang madadagdag sa mga alam niyang lengguahe kapag lumaki na siya kaya sa kanya natin ipapamahala ang mansion sa Korea samantalang si Vladimir naman ang maiiwan sa Pilipinas. yung asawa ko na may plano na para sa mga anak namin hindi ko pa nga maisip yon dahil bata pa sila.

Ang mga lalaki mo ngang anak ay hindi kinaya ito pa kayang babae. sabe ko sa asawa ko

Sa iyo kase nag mana ang mga iyon tss. natawa si dad sa sinabe ng asawa ko gayon din si uno

Oo sa akin kaya matatalino at gwapo. sabe ko sa asawa ko na sigurado ako kung hindi lang siya bagong panganak ay baka nadagukan na niya ko.

Oh tama na yan baka kung saan pa mapunta yan. si dad

Hindi ko na lamang inisip ang mga mabibigat na responsibilidad na nakaatang sa aking mga anak itinuon ko na lang buong atensyon ko sa bunso kong anak na ngayon ay kabisado ko na bawat sulok ng kanyang mukha nasasabik na kong iuwe siya at ipakita sa mga kuya niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ALASWhere stories live. Discover now