Chapter 1 : Friends

15 4 0
                                    

" Sis ! Ang himbing ng tulog nang sisteret natin ! Puyat na puyat !

" Ano na naman kaya pinagpuyatan nang lukaret na yan !"

"Baka may bago na namang boylet ang luka !"

"Mapapasana all kanalang talaga !"

Nagising ako sa maiingay na boses na naririnig ko. Kahit kailan talaga napakaiingay ng mga kaibigan ko.

" Aba ?! Nagising kapa ?" may pagka sarkastikong saad ni Bettina, ang bratinela kong kaibigan.

" Baka kulang kapa sa tulog sige lang tulog kapa ! Hiyang hiya kami sayo ee !" ismid ni Kim, isa sa mga mataray pero marupok kong friend.

" Okay lang kaming maghintay sis ! Nakakahiya kasi inistorbo kapa namin sa mahimbing mong pagkakatulog ee ?" malambing ngunit may pagkasarkastikong wika ni Grace, ang sosyalera kong friend pero napakarupok pagdating sa crush nya.

" At sino na naman ang bagong boylet na pinagkapuyatan mo, aber ? At nakalimutan mong foundation day natin ngayon ?!" may pagka maarte at pairap na saad nang bakla kong kaibigang si Michaela aka Michael John Jalos.

" Eto naaa ! Tatayo na ?! Kalma guys ?! Ako lang to !" biro ko sa mga kaibigan kong malapit nang pumutok ang litid sa galit.

" Hoy Kim Aisha Madrigal ! Baka nakakalimutan mong ikaw ang nagset ng oras ngayon ! Nakakahiya sa gising mo ee noh ?" pairap na sambit ni Bettina.

" Oo na ! Sorry na ! Maliligo lang ako, hintayin nyo nako sa baba ! Saglit lang ako promise !" sabay ngiti ko sa kanila nang nakakaloko.

Hindi ko naman kasi aakalaing aabutin ako ng madaling araw sa panunuod ng movie. Kaya diko na naaninag kung anong oras na. Di naman tumunog yung peste kong alarm kaya di ako nakapag ayos agad haha hayyss mahabang pakiusapan na naman to at pang aamo sa mga kaibigan kong akala mo mga batang inagawan ng candy !

Ilang saglit, nakaligo at nakapagbihis na din ako. Pagkababa ko nasa dinibg area na sila at inunahan pakong kumaen.

" Buti bumaba kapa noh ? Akala ko nalubog kana sa banyo ee ?" sarkastikong sambit na naman ni Bettina. Kahit kailan talaga tong babaeng to, napakaikli ng pasensya.

" Ayy nakoo anak, kanina pa sila nandito. Buti nagising ka nila. Hirap mo pa namang gisingin" saad ni Manang Aurora. Ang yaya namin ni Kuya pero ang tumatayong guardian ko simula nang magtrabaho si Kuya sa abroad.

" Naku manang, tulog mantika po ! Ang lakas humilik at tulo laway pa ! Hahaha kadiri !" biro nang mapang asar na si Grace.

"Hoy excuse me ! Over my drop dead gorgeous and sexy body ! Hindi ako humihilik at hindi tumutulo laway ko noh !" confidence na pagkakasabi ko sa kanila. Aba hindi bagay sa isang magandang binibini ang ganun noh ! Hahaha

" Nakuu mga bata kayo. Magsikaen na kayo at nakapagluto naman nako ng breakfast. At nang hindi kayo malate s eskwelahan !" saad ni Manang Aurora sa aming lahat.

" Buti pa nga manang. Ginutom kami nyang si Isha ee !" saad ni Kim sabay upo ng mabilis.

" Lagi ka namang gutom teh ?! Wala nang bago dun !" pang aasar ni MJ kay Kim. Na sinabayan naman ng irap ni Kim sa kanya.

" Alam nyo bang sa ganyan nagkatuluyan ang lolo't lola ko ? Nag umpisa sa asaran, natapos sa pagmamahalan ! Hahaha" biro ni Grace kala Mj at Kim.

" Yuck ! Mandiri ka nga Grace ?! Hinding hindi ako papatol dyan noh ?! Tsaka excuse me ! Di kami talo ! Kung si Papa Stewart yan edi gora ako agad !" maarteng saad ni Mj kay Grace.

" Hoy bakla ! Ang arte mo, tsaka di rin kita papatulan noh ?! Yuck ! Tsaka mahiya ka nga may jowa na si Stewart noh ! Kapag narinig ka ni Alizah baka masubunutan kapa nun ?! Hahaha" pang aasar naman ni Kim kay Mj

" Jowa pa lang ? So it means pwede pa ! Asawa nga naaagaw, jowa pa kaya ?! Tse !" irap ni Mj kay Kim

" Kadiri ka bakla ! Ang landi mo teh ! Kahit kailan ka talaga ?! Haha kahit naman ganun ang mangyari, malabong patulan ka nun. Baka nga suntukin kapa nun ee Hahaha !" pang aasar ni Bettina kay Mj

" Tama na yan ! Baka magsabunutan pa kayo dyan mga ineng. Tayo'y kumaen na at lalamig na ang mga niluto ko !" Saad ni manang Aurora sa mga kaibigan kong baliw.

" Naku manang, yung dalawa lang po ang magsasabunutan kami po nila Grace ay manunuod lang sa tabi hahaha " ani ni Bettina kay Manang Aurora habang nakipag apir kay Grace.

Habang kumakain bigla kaming nakarinig nang nagdoorbell.

" Don't tell me babae, na may inimbitahan kapang bisita ?" tanong ni Bettina sa akin.

" Sino namang iimbitahin ko aber ? Jowa nga wala ako ! Mag iimbita pako ?!" sarkastikong saad ko kay Bettina. At ang gaga biglang umirap.

" Ako na magbubukas nang pinto at magsikaen nalang kayo ?" saad ni Manang Aurora. Tatayo na sana si Manang Aurora nang biglang tumayo si MJ at nag insist na sya na lang daw ang magbubukas nang pinto.

" Manang ako na po. Kumaen nalang po kayo dyan ?" sambit ni Mj

" Ambait aa ? True ba yan ? Or baka nilalagnat ka bakla ? Hahaha " pang aasar ni Grace kay Mj

" Tse ! Lumamon kana nga lang dyan !" sabay irap ni Mj kay Grace.

Dagliang pumunta si MJ nang pinto.

* Kyyyyaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh !*

Pagkarinig ng sigaw, dali dali kaming tumakbo sa pinto.

" Bakla ka nang taon ?! Anong nangyari ?! Makatili ka naman dyan ?! " medyo kabadong saad ni Kim

" Akala namin nirape or may akyat bahay, makasigaw ka dyan ! Shuta kang bakla ka !"  Irap ni Bettina kay Mj

" Ee mga siswang ang wafuuu kasi nung Kuyang delivery boy ee ?! Nalaglag ang panty ko sa kanya ?! " saad ni Mj na kinatawa ni Manang at kinairap nang tatlo.

" Good morning po Ma'am. Dito po ba nakatira si Ms. Kim Aisha Madrigal ? May deliver po kayo galing po kay Mr. Kenneth Madrigal po." medyo asiwang tanong ni Kuyang delivery man. Marahil natakot kay Mj kasi parang hinuhubaran ni Mj.

" Sa kuya mo pala galing Kim. Siguro advance birthday gift sayo ng Kuya Ken mo." saad ni Manang Aurora sa akin.

" Pakipirmahan na lang po ito ma'am. And picturan ko na din po kayo. Katibayan na natanggap nyo na po yung package. Salamat po Ma'am." saad ni Kuyang Delivery man.

Daglian ko namang pinirmahan ang form na inabot sakin ni Kuyang Delivery man at nagpakuha nang litrato. Agad namang nagpaalam ang delivery man sa amin.

" Baklaaa ! Bakit mo naman pinaalis agad yung papable ? Di mo man lang pinakain dito ?" saad ni Mj na medyo busangot ang mukha.

" Bakla ka talaga ng taon ! Basta gwapo nanginginig ang buong katawan at tinggil mo ! " saad ni Bettina.

Tse ! Inggit ka lang ! " ismid ni Mj kay Bettina na sinagutan naman neto nang isang irap.

" Sis, ano laman daw ng package ? Tarayyy aa ? Love na love ka ng Kuya mo ?! Inggit is me ! " saad ni Kim

" Teka lang teh ?! Diko pa nabubuksan ! Excited ka teh ? " pang aasar na tanong ko kay Kim habang nag pout naman ang luka.

Daglian kong binuksan ang package. Pagkabukas ko may mga maliliit na styroballs at bubble wrap na pinag agawan naman ng mga luka luka kong kaibigan. Pagkakita ko sa loob sobra akong natuwa dahil ang laman neto ay ang matagal ko nang kinukulit at hinihingi kay Kuya. Isang Camera ! Pero medyo luma na ang style neto pero hindi ko na pinansin iyon dahil mas okay na to kaysa sa wala.

THE CAMERAWhere stories live. Discover now