•
••
•••
Samantha's POV"Hoy sam pakilala mo ko kila stacey.. sige naa gusto ko sila makaclosee!" Pagpupumilit ni cess kababata ko dito sa village namin..
Ewan ko ba kung bakit gusto niyang makaclose si stacey chaka si nicole at anna hays.. pero dahil kaibigan ko naman sila at pinipilit ako neto ni cess na mukang hindi mananahimik edi..
"Oo na sige na" no choice na ko eh duh
Naging close si cess kila stacey,nicole at anna pati narin ako kaya lagi kaming naging magkakasama..
"San tayo kakain?" Tanong ko sakanilang apat
Andito kami ngayon sa mall,hangout lang kakatapos lang namin pumunta sa timezone.
"Tara jollibee" pag aaya ni nicole pumasok na kami don at kumain, minuminuto ay may lumalapit sa table namin para tangungin ang pangalan ni stacey,anna at nicole..inubos ko nalang ang pagkain ko jusko shana all.. pagkatapos ay umuwi narin kami..
"Sam alam mo ba tinatanong ni charles sakin kahapon anong pangalan mo HAHAHA" Sabi ni stacey habang kumakain kami
"Sana all may junior HAHAHAH" Sambit ni anna
Andito kami ngayon sa canteen nang school
"Sinong charles?" Tanong ko
"Yung junior year! Si charles liam santiago ghorl!!" Sambit ni nicole
"Oyy crush koyonnn!" Sabi naman ni cess
"Kausapin mo na sam!! Sayang biyaya!!" Natatawang sabi ni nicole
Di ko nalang sila pinansin,kinabukasan ay nagplano silang pumunta nalang dito sa park malapit sa bahay namin..sabado kase ngayon
"Sam peram phone mo" sabi ni nicole, binigay ko nalang yon
Nagulat ako nang tumawa siya at tumili tili
"Sinasaniban ka ghorl? HAHAHA" natatawang tanong ko
Hinarap niya sakin ang phone ko at nakita kong nagwave siya dun sa charles gamit ang account ko,nawala ang ngiti sa labi ko at napalitan nang kaba
"HOYY GAGGII KAAA!!!" Ireremove ko na sana iyon nang biglang mag waveback si charles
Napahawak nalang ako sa noo ko dahil sa kahihiyan at nagsorry nalang kay charles
To charles:
Sorry si nicole yung nagwaveMabilis niya itong nireplyan..
From charles:
Ay kala ko panaman ikaw,kikiligin na sana akoNamula ang pisngi ko sa reply niya.. at di na naka isip nang irereply doon.. nagulat ako nang nagtext siyang muli..
From charles:
I like you.. crush na ata kita sam:))Nagulat ako lalo sa mensahe niyang yon kaya hindi ko nalang nireplyan..
Isang linggo na ang nakalipas at sa ngayon ay close na kami ni charles araw araw na kaming magkachat,ewan ko ba ang sarap niyang kausap hehehe..
"Sam magdeal kaya tayo?" Sabi niya saakin habang andito kami sa swing sa may park sa may village namin
"Anong deal?" Takang tanong ko
"Maging magjowa tayo,para magselos yung crush ko.." nagaalinlangang sabi niya
Hindi ko alam bakit ako pumayag.. hay tanga ko talaga..
Sa pagpapanggap namin na ito ay nakakalimutan kong nagpapanggap nga lang pala kami.. Di ko na lamang namalayan.. nahuhulog na pala ako sakanya..
"Tapusin na natin tong deal CL.." sabi ko kay charles
"Ha? Bakit??"nagtatakang tanong niya
"Kase.. nahuhulog na ko sayo.." pag amin ko
"Edi itigil na natin" seryoso niyang sabi sabay tingin sa akin "lets make it official,lets be together.. for real this time.."
°°°°°
°°°°
°°°
°°
°<3

YOU ARE READING
Pistanthrophobia
RomanceRespect yourself enough to let go of someone who doesn't know your worth.