02

24 10 14
                                    

Nandito ako sa balcony ng kwarto ko para tignan ang paglubog ng araw,kanina ko pa iniisip kung san ba nakatira si Xzander, 'di kona sinabi kay Lola ang nangyare kanina.pag sinabi ko pa yun sure ako 'di nya na 'ko palalabasin sa mansyon. Naiwan pa yung kwentas ko duon,panu na ito?kay mama pana man 'yun,bahala na! babalik na lang ako bukas duon.omg!panu pag may tigre ulit?napa sabunot na lang ako ng buhok sa sobrang frustrated.

Bumaba muna ako papunta sa kusina para kumuha ng cookies at mango juice,para pang pakalma.yeah food is life haha. na abutan ko duon si Lola na nag babasa ng dyaryo.

"La,kanina kapa dyan nag babasa 'di ba lumalabo mata mo nyan?"

"Hindi naman apo"saad nya na naka tingin parin sa dyaryo.kaya pumunta na ako sa ref.

Bubuksan kona sana ang ref ng mag salita si Lola.

"Kizzy"

"Po?"

"Wala kana bang nararamdaman na kakaiba sa katawan mo?"

"Inumin mo palagi yung gamot"dagdag pa nito.araw-araw kasi akong umiinom ng gamot. 'Di ko nga alam kung para saan 'yon, 'di kasi sinasabi ni Lola. pero Simula ng uminom ako ng gamot na yon nawala na yong nararamdaman kung kakaiba sa katawan ko.

"Opo"binaba nya yung dyaryo at sumenyas na lumapit ako sa kanya,pagka-lapit ko tumayo sya at niyakap ako.

"Palagi kang mag-iingat ha, 'di habang buhay nandito ako sa tabi mo" agad ako kumalas sa pagkayakap sa kanya ng sabihin nya 'yon.

"La,ano ba yang sinasabi mo? Para ka ng mag papaalam"

"Sinasabi kona sayo ng maaga apo,kasi matanda na 'ko"

"di po halata"sabay kaming natawa sa sinabi ko,di ko kaya na mawala si Lola.ayoko na mawalan pa 'ko ng isang nanay.

Sya na rin kumuha ng Cookies at nag timpla ng mango juice ko.nag pasalamat muna ako bago umakyat sa kwarto.

Pag bukas ko ng pinto,nakita ko naka bukas ang sliding door sa balcony. nasara ko yon kanina ah.linapag ko muna sa table ko ang cookies at juice. sasarado kona sana ulit ng may humarang na kamay para 'di ko masarado,titili pa sana ako pero tinakpan nya agad ang bibig ko.

"Hush,Hindi kita sasaktan" pagkasabi nya non,inalis nya na ang kamay nya sa bibig ko.

"S-ino ka?!" Naka suot ito ng pulang jacket at naka itim na shorts.

"Future mo?"patanong nyang sabi.

"Sino ka nga?! At pano ka naka-pasok sa kwarto ko?!"

"Uy relax lang,wala akong balak na masama sayo"

"Di mo sinasagot yung tanong ko"gigil kong sabi.

"Haha ok eto na,ako si Arthur"sabay lahad ng kamay sa 'kin,pero 'di ko yon tinanggap.tinangnan kopa sya lalo ng masama.

Inaamin ko gwapo sya,maputi ito,di masyadong makapal ang kilay,matangkad at may mapungay na mga mata.wait!parang kamukha nya si Xzander.

May kinuha sya sa bulsa nya,omg!yun yung kwentas ko,bakit na sa kanya?

"Pinabibigay ni kuya,nakita nya yan kanina" sabay bigay nya sakin ng kwintas,ohmygod! Nasa akin kana ulit.

"Pakisabi naman sa kanya,maraming salamat"

"Ako? 'Di mo ba pasasalamatan?"

"Ha?"pinagsasabi nito,nag kibit-balikat ito at tumingin sa 'kin.

"Tsk" aha!sya pala yung humatid ng kwintas,bakit kasi sya ang naghatid? Dapat si Xzander ih.

"Ah,thank you sa paghatid ng kwintas ko"

"Parang napipilitan ka lang naman" hanodaw?sincere kaya ako dun.

"What did you say? Napipilitan? For your information sincere ako duon!"

"Kanina napipilitan,tapus ngayon naman galit"naka ngisi nyang sabi,Aghh!nakaka bwesit na sya ah.

"Nag thank you na 'ko,kaya pwede ka ng umalis"mahinahon kung sabi.

"Wait lang naman,ano pala pangalan mo?"

"Kizzy,sige na umalis kana!baka makita ka ni lola"akmang tatalikod na sya ng mag salita ako.

"San ka pala dumaan kanina?"

"Sa balcony"napakamot pa sya sa batok nya,panu sya naka pasok sa kwarto ko?eh naka lock yun pag alis ko kanina.

"Panu__"

"Alis na ako ah!baka hinahanap na 'ko,bye kizzy!"kumindat muna sya bago tumalikod at tumalon sa balcony,hala shit!baliw ba yun?pumunta ako sa balcony at sumilip sa baba, 'di kona sya makita ang bilis nya naman, 'di ba sya napilay?

****

Nasa dining kami ni Lola na walang imik habang kumakain, 'di pa kasi umuuwi si Tito kaya dalawa lang kami ni Lola sa mansyon.

"Kizzy,wag kang lumabas pag gabi ah"ani ni Lola,hinding-hindi talaga ako lalabas bukod sa matatakutin ako sa dilim baka may ruon pang sumulpot ulit na tigre.

"Opo La"

"Kung meron ka man na napapansin,pabayaan muna lang"ang weird ni Lola ngayun.tumango na lang ako.

Natapus na kaming kumain,akmang kukunin kona ang mga plato para hugasan ng mag salita ulit si Lola.

"Ako na dyan apo,pasok kana sa kwarto mo"

"Hindi Lola,ok lang po"

"Ako na apo"

"La,ok lang nga po ako na lang po ang maghu___"

"Kizzy Larkyn"paktay! binuo nya na pangalan ko.

"Sabi ko nga po,ikaw na"

"Akyat na po ako"ngumiti lang sya sa akin,hays si Lola talaga.

Ginawa ko muna ang night routine ko bago matulog.

Nagising ako sa ungol ng mga lobo,kinusot ko muna ang mga Mata ko bago tignan ang orasan. Alas dos na ng umaga,patuloy parin sa pag ungol ang mga lobo,bakit may lobo? At parang malapit lang sila sa mansyon.bumangon ako at pumunta sa balcony para sumilip sa baba.

Laking gulat ko ng may makita akong mga lobo,pero iba ito,kaperong-kapero ito sa nakita ko nung pinatay si mama.nataranta ako ng tumingin sa 'kin yung isa kaya agad kong sinira ang sliding door.

"Ohmygod! Si Lola!" Agad kung sabi,kaya lumabas ako para pumunta kay Lola.binuksan ko ang pinto ng kwarto nya pero wala sya duon. Agad ako bumaba,sa sobrang pag mamadali ko 'di kona na-on yung mga ilaw.kinakabahan ako sa 'di ko malamang dahilan.

Na istatwa ako ng makita ko si Lola na may kausap Pero...hindi tao kundi lobo.

"Wag kang mag-alala felicita,babantayan namin kayo"

"Maraming salamat,matanda na 'ko kaya 'di ako sigurado kung maliligtas kopa si kizzy"

"Gagawin namin lahat ng makakaya namin"Huli nyang sabi bago tumalikod.

A/N: Naka update na din ako,bitin ba?haha sowwy!hahaha so ayun, yan lang muna. Hope magandahan kayu❤huhunes.hephep keep safe everyone!mwahh

HAHAHA Kanino kayu kay Xzander or Kay Arthur?











I Fell Inlove With The Devil(On-Going)Where stories live. Discover now