Sweet Flames of Memories

71 15 16
                                    

"Niloko mo ako! Sa lahat ng tao, bakit ikaw pa gumawa sa'kin nito, Triton?!" singhal ni Laila sa akin.

"H-Hindi... Makinig ka muna sa akin, Laila," pilit kong hinahawakan ang braso niya ngunit binuhos niya yata ang buong lakas niya para makawala sa akin.

"Makinig? Para saan? Para mapasakay mo ulit ako?" ramdam ko sa paghalakhak niya ang mapait at masakit na dinaramdam niya. Patuloy ang pag-agos ng kaniyang mga luha na ang rason ay ako.

Ako na walang puso.


"Nakinig na ako, Triton! Pero puro kasinungalingan ang sinabi mo! Panget lang ako pero may puso ako! May pakiramdam ako!" she was now crying her pain. Ako naman ay hindi alam kung paano magsisimula, kung paano ko maipaliliwanag sa kaniya ang lahat.

"End this game, Triton. Masakit ka maglaro."















Bumabalik ang lahat ng alaala namin ni Laila. Paano ba naman ay dito kami sa Baclaran laging tumatambay, at dito ko rin nalaman sa sarili ko na sobrang gago ko, to the point that I played a really rare woman like her. I didn't realize her worth, masyado akong nagpadala sa agos ng mga tropa ko, kaya ang karma sa akin...

Nawala ang lucky charm ko sa lahat ng bagay, si Laila.


"Manong, para ho sa tabi!" ngunit diretso't matulin pa rin ang pagpapatakbo nito. Damn, palayo na ako ng palayo!

"Manong para raw!" sigaw ng isang pasahero pa dito. Katok na kami ng katok ibabaw kung saan nakakabit ang hawakan, pumipito na rin yung iba pang lalaki pero tuloy pa rin siya sa pagmamaneho.

Naknang....



"MANONG, PARA PO! LAGPAS NA PO AKO! AY, D'YOS KO!" singhal ko sa mamang driver.


Padarag nitong inapakan ang preno sa kadahilanang lahat ng pasahero (pati ako), ay mapadausdos papunta sa harapang bahagi ng dyip.


"Excited na yata si Manong makita si kamatayan," kalmado utas ng isang matanda sa mamang nagmamaneho. Narinig namin ang pagpiksi nito at saka inis akong tinignan sa salamin.

"Hindi ba pumapara ka na? BABA NA!" bulyaw nito. Grabe, parang ako pa may kasalanan, ah?



Hindi pa nakakalapag ang paa ko sa kalsada ng baclaran ay pinaharurot na agad ng tsuper ang dyip kadahilanang muntik pa akong mapahandusay. Buti na lang ay nai-balance ko pa ang sarili ko!


Inilibot ko ang paningin ko sa kahabaan ng Baclaran kung saan ako sinabihan ng tiyuhin kong magkita kami. May alam daw siyang pagpapasukan ko ng trabaho dito kaya hintayin ko raw siya.

"Boss, may hinihintay ka?" isang babaeng naka-maikling paldang itim, at puting v-neck na short sleeve shirt na kita ang ehem... ang cleavage. Tangina.


"Meron, eh," simpleng sagot ko. Hindi ko na siya muli pang sinulyapan dahil nagbabago na ako.


Nagbabago na ako dahil ayoko ng maulit ang pagkakamali ko noon.


"Sino naman...-" she was about to touch my chest when I softly held her hands.

"Girlfriend ko ang hinihintay ko. Kung wala ka ng kailangan, iwan mo ako rito," malamig kong utas sa kaniya na ikinabago ng ekspresyon niya.


Kanina kasi ay tila bunganga ng payaso ang bibig niya sa kakangiti ngayon ay para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.

"Napakapangit ng ugali mo! Hmp!" padarag niyang hinila pabalik ang kamay niya tsaka siya naglakad papalayo.


Sweet Flames of Memories | #AkdangSinagtalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon