Chapter 2

0 0 0
                                    

Kanina pa talaga ako nakatitig sa balkonahe ng kwarto ko  medyo nag hehesitate kasi ako sa naging disesyon ko pero gagawin ko to para naman makatulong nako kila nanay at tatay para di na sila mahirapan.


Natatakot kasi akong pumunta sa maynila at doon mag trabaho.Ang gusto ko kasi ay pag ka graduate ko sa kolehiyo ehhh makapag trabaho nako sa ibang bansa.
Pero kasi kailangan pa akong mag board exam at aabutin pa nang siyam siyam dahil hahanap pako ng bansa na nangangailangan ng ng nursing graduate


At mag papa gawa pako ng passport at higit sa lahat dapat makapasa ako sa board exam.


Para makapasa ako sa board exam eh kailangan mag review muna, at gastos din yon kaya napag disisyonan ko na pumunta ng maynila at magtraba para makapag ipon para sa darating na exam para hindi mahirapan sina nanay at tatay



Dahil diba kolehiyo narin si felomina at kapag naka sahod  nako ay hahatiin ko para sakin at iyong kalahati naman ay ipapadala ko kila nanay at tatay.para sa pamilya ko ay gagawin ko lahat.



"oh...Bat dikanatutulog?" ani ni nanay na diko manlang napansin na nakapasok na pala siya sa kwarto.


"ahh  wala lang po nay.Di lang ako makatulog at nagmumuni muni po muna ak" tugon ko



"anak hindi mo naman kailangan na mag trabaho  sa manila kung  ayaw mo"



"pero kasi nanay,kung hindi ako pupunta ng maynila at dito lang ako eh.Konti lang ang magiging sahod ko sa pagtratrabaho dahil hindi pa kasi ako nakapag board exam"


"pero gusto mo ba talaga pumunta sa maynila?" tanong ni nanay.



"opo,para makatulong na ako sa inyo para di na kayo mahirapan at mas malaki ang  suweldo doon nanay" ani ko naman


"oh siya sige matulog kana at maaga kapag aalis bukas" pa alala ni nanay.


"opo nanay" tugon ko naman
umali na si nanay at ako naman nag hahanda na para matulog



Mabuti nalang at inihanda ko na ang mga gamit ko para bukas aalis nalang.



Maaga akong nagising kunabukasan mga alas kwatro dahil mamayang alas sais aalis ang bus papuntang maynila,at nag nag ayos na ako, alas kwatro emedya  bumaba nako dala ang mga gamit ko.



Nakita ko si nanay sa kusina naghahanda.
"nay ang aga niyo naman nagising"puna ko.


"ah oo anak dahil pinaghanda kita at ihahatid ka namin sa termunal ng bus"


"Namin?" ani ko
"ah oo nagsising narin sina felomina at tatay mo.Nag hahanda na rin sila"anito



ilang sandali pa ay pumasok na sina felomina at tatay sa kusina at saktong patapos narin si nanay sa pagluluto ng agahan.
At sabay sabay kaming kumain.



Gumayak na kami papuntang terminal mabuti nalang at umarkila kami ng traysikel at pumunta na kami sa terminal.


Mabuti nalang at maaga kaming pumunta para di pa siksikan sa terminal.


Hinanap ko na ang sasakyan kung bus.


"nak mag iingat ka roon huh" ani ni nanay
"kung may gumawa naman ng masama sayo wag kang magdadalawang isip na magsumbong sakin dahil gugilpihin ko man ang gumawa ng masama sayo" palala naman ni tatay.
"ate wag mag papagod at kumain sa tamang oras ha. Wag papabayaan ang sarili.Ma mimiss ka namin" sabi naman ni felomina.

Love HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon