Kabanata 1

4 0 0
                                    

Seah's pov

Bakit nga ba kailangan mamatay?

Yan ang laging tanong na bumabagabag sa isipan ko marahil hindi ko din alam ang sagot dahil hindi naman ako ang diyos,
Pero bakit ngayong araw gusto kong tanungin ang diyos kung bakit kailangan kapatid ko pa

"In the name of the father, the son, and the holy spirit, May God accept his soul in heaven for he is a good person" saad ng pari at sabay niya itong binasbasan ng holy water
At kasunod naman na nagsalita ay ang aking nanay

"Sa lahat nang pumunta,maraming salamat sainyo, sa mga kaibigan at katrabaho niya salamat sainyo, this means a lot to me,pati sakanya, sa anak ko" habang nakikinig may natanggap akong mensahe mula sa matalik kong kaibigan

Krista:
Saang banda ka nakaupo?

Ako:
Sa bandang kaliwa sa
pinaka-unahan

Message sent

Kaya luminga-linga ako baka sakaling mahanap ko siya ngunit habang naghahanap ako, may nahagip ang mata ko na isang lalaki na ngayon ko lamang nakita

"Baka kilala siya ni kuya"sabi ko sa isip ko

Habang tinitignan ko yung lalaki, nabigla ako nang may kumalabit sakin at si krista iyon.

"Grabe maka-titig crush mo?"
Napailing nalang ako at pinaupo siya sa tabi ko

"Iyon lamang salamat ulit"
Pagkatapos magsalita ni mama ay lumapit na siya sa ataol ng kapatid ko habang naka-yakap sa bago niyang asawa, si tito rico.

"May nakuha na bang impormasyon tungkol sa kuya mo?" Tanong ni krista, umiling kaagad ako dahil mula nang matagpuan ang walang malay na katawan ng kuya ko na puro dugo sa may likod ng bar, ay bukod duon wala pang may alam kung sino ang pumatay at kung paano siya napadpad duon.

"Nakakalungkot mang isipin pero wala, walang kwentang mga pulis, ni hindi manlang nila gawan ng paraan" may halong inis na sambit ko dahil totoo naman, wala pa din silang ginagawa na aksyon patungkol dito, ilang beses na kaming nagtanong at nagpunta sa police station, pero hanggang ngayon wala silang maibigay na sagot.

"Baka ginagawan na nila ng paraan seah, don't lose hope, mabibigyan din ng hustisya ang pagka-matay ni kuya sorren" sagot ng kaibigan ko
Habang hawak hawak ang kamay ko na animo'y sinasabi saking magiging maayos din ang lahat

"Sana nga krista dahil walang awa ang gumawa nun sakanya, maiiwan muna kita dito dahil may kukunin lang ako sa kotse" tumango nalang siya bilang sagot at tumayo na ako

Habang palakad ako sa kotse
Naramdaman ko na agad na parang may sumusunod sakin o sadyang naiisip ko lang yun dahil kulang ako ng tulog, kaya nagpatuloy pa din ako sa paglalakad

Ngunit nabigla ako nang may humawak sa braso ko
"Ikaw ba si seah?"

At nang humarap ako, natameme ako dahil tila may gwapong nilalang na nasa harapan ko, saglit, siya nga, yung lalaking nakita ko

"Bitaw"
Tingin ko sa kamay niyang
naka-hawak sa braso ko
At binitawan naman niya ito

"I'm sorry, so ikaw nga si seah?"
Bakit nagtatanong to? Close kami?

"Ako nga, anong kailangan mo? Kilala mo ba kapatid ko?
Ka-trabaho ka ba niya? Kaibigan? Or don't tell me jowa niya? Bakla ba siya? God bakit hindi manlang
sina—" naputol ang sasabihin ko nang biglaan nalang niyang takpan ang bibig ko at hinila niya ako sa likod ng puno

Kaya nanlaki ang mata ko at kinagat ang kamay niya

"RAPE!!!"
"RAP–" tinakpan nanaman niya ang bibig ko at pinanlakihan niya ako ng mata na para bang inis na ito saakin

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The secretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon