Hindi ko alam ang ibig sabihin ng mga sinasabi ni Yuhence sa akin. Ano bang ibig sabihin lahat ng 'yon? Kaya ba niya ako gusto dahil kinakabahan din ba siya kagaya ko? Ganon ba? Pero baka nagbibiro lang siya?
Kasi kung tutuusin kahit hindi ko pa alam masyado ang ibig sabihin ng pagmamahal ay hindi pa rin masusukat ang dati mong minahal sa taong magugustuhan mo pa lang. Mas lamang pa rin ang dati niyang nagustuhan na babae kaysa akin. Malay mo naguguluhan lang siya kasi ako lagi ang nandito sa tabi niya?
"Bakit ang tahimik mo?" dagdag na tanong pa ni Yuhence.
Nilingon ko siya pero agad din nanlaki ang mata ko dahil hindi ko inaasahan na ganon pa rin kalapit ang mukha ni Yuhence sa akin. Malapit na maglapat ang labi namin kaya napaatras ako nang bahagya. Ngunit sa pag-atras ko ay muntikan na akong mahulog pero agad din nahawakan ni Yuhence ang likod ko upang hindi ako tuluyan mahulog. Nakahawak ako sa kanyang braso habang nakatingin sa isa't isa. Pero ayon na lang ang paghiyawan ng mga tao sa paligid dahil sa posisyon naming dalawa.
"Careful, Amethyst," mahina niyang anas. Tama lang para marinig ko.
"A-Ano... sorry. Nagulat lang kasi ako sa sinabi mo."
"Walang nakakagulat sa sinabi ko, Amethyst," nakangisi niyang sabi at tinulungan niya akong makaupo ng ayos.
Hindi naman talaga ako nagulat sa sinabi mo, nagulat ako sa presensya mo. Nang makaupo ako ng ayos ay napababa ako ng tingin. Nakaramdam ako ng sobrang hiya dahil sa nangyari kanina. Hindi ko naman din kasi inaasahan na ganon ang mangyayari, isama mo pa 'yong hiyawan nilang lahat. Sa tingin ba nila biro ang muntikan ng mahulog? Hindi kaya. Natutuwa pa sila na muntikan na akong mahulog habang ako ay abot-abot ang kaba sa lalamunan ko.
"M-Makinig ka na lang muna siguro sa mensahe nila sa 'yo, Yuhence," nauutal na anas ko habang hindi nakatingin sa kanya.
Pansin ko na naman kasi sa gilid ng mata ko na nakatingin na naman siya sa akin. Rinig ko pa ang kanyang bahagyang pagngisi bago tumingin ng deretso sa harapan. Ang sunod na magsasalita ay si Vivienne kasama ang kanyang mag-ama.
"Hey sperm na baog," nakangiti niyang tugon. "Parang kailan lang sinabi mo na hindi ka pa handa para d'yan at sabi mo ay hindi siya importante sa 'yo? Hahahahahaha! Lakas ng tama mo."
Napatingin ako kay Yuhence at bahagyang natawa dahil nakayuko siya at napailing. Rinig ko ang pagbungisngis ng tawa ni Vivienne kaya muli akong napatingin sa kanila.
"Happy birthday, Yuhence, more baog to come. Thank you dahil sa 'yo nalaman ko ang kwento ng araw at buwan, nakakalungkot nga lang pero may aral. Sa'yo ko nga lang din nalaman at naramdaman na sa tuwing nagmamahal ka ay lagi mong sinasama ang buwan at bituin sa iyong mga kataga," nakangiting sabi ni Vivienne. "Siya siguro ang bituin mo. Nasa kamay mo na kaya sana wag mo na hayaan na makalipad at mahawakan pa ng iba."
Sino yung tinutukoy ni Vivienne?
Sunod naman na nagsalita ay ang asawa ni Vivienne na si Esther. Ngumiti muna siya kay Yuhence bago ito magsalita.
"Happy birthday, buddy! I'm so glad you've found someone special who brings you joy. I know things haven't always been easy, but you deserve all the happiness in the world," ani ni Esther sabay kindat. "I've no more to say but thank you for everything. You're such a good friend to us. Kahit nasasaktan ka na ay patuloy ka pa rin nandyan, sana ganon din ako katatag katulad mo. Enjoy your day, Yuhence, happy birthday. Ninong ka, ah? Hindi ka pwedeng mawala."
"Tss. Crazy ass," nakangiting bulong ni Yuhence.
Lahat ng mga kaibigan ni Yuhence ultimo si Kaizen at Apollo ay nagbigay ng mensahe sa kanya. Hindi nalalayo ang mensahe na binigay ni Vivienne at Esther sa mga sinasabi nila, na wag na kailanman pakawalan ang bituin na hawak niya na ngayon.
BINABASA MO ANG
Under An Amethyst Sky [UNDER REVISION]
Romance"I love purple... Because my name is Amethyst." (I've brought back Yuhence and Amethyst's story and am still editing some parts of this chapter. Actually, I've finished this story already, but I'm just making some slight changes, so wait for the ne...
![Under An Amethyst Sky [UNDER REVISION]](https://img.wattpad.com/cover/238739662-64-k493691.jpg)