Kabanata 47.

95 2 0
                                    

"Are you sure you can walk? I could carry you if you want"

Huminto ako at humarap sa kanya.

"okay na ako, diba may klase ka pa, ako rin may klase pa, huwag ka ng makulit" sambit ko.

Kalalabas ko lang mula sa POD para magreport kung ano talaga ang nangyari at hinintay talaga niya ako mula sa labas, akala ko ay umalis na siya ng maihatid ako pero hindi pa pala.

Kita ko ang pagbagsak ng kanyang balikat. Nakonsensya naman ako bigla.

Concern lang naman kasi yung tao sayo eh kung ipagtulakan mo parang may nakakhawang sakit. Pagalit na sabi ng isip ko.

"okay then just make sure not to push yourself too much because the swelling might get worse. Take care" ngiti niya sa akin bago naglakad palayo.

Pumasok naman ako sa klase ko at nagdisscuss, buti nalang at nakapower point presentation ako dahilan para pwede akong umupo habang nagdidisscuss. Hindi rin muna ako nag heels at buti nalang may flats akong dala.

Mabagal at medyo paika ika akong naglalakad pabalik sa faculty. Medyo okay na rin ang braso ko pero hindi pa rin nawawala ang pangingitim nito.

Mabilis akong umupo at yumuko sa aking mesa. Ramdam ko ang pagod mula pa kaninang umaga. Tumingin ako sa aking relo at alas onse na at alas dos pa ang sunod kong klase. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako ng may yumugyog sa aking balikat.

"sweetheart wake up, you haven't eaten lunch yet" bulong niya.

Nagmulat naman ako ng mata at ang nakangiti niyang mukha ang unang tumambad sa akin.

Nananaginip ba ako?

Pumikit ako ng paulit ulit at hindi siya nawala. Oo nga pala nakabalik na siya at katrabaho ko pa.

"Anong oras na?" tanong ko.

"it's already past 1" sagot niya.

Umayos naman ako ng upo at nilibot ang aking paningin. Kakaunti nalang ang tao dito sa faculty dahil ang iba ay may klase na.

Naramdaman ko ang mainit niyang palad sa aking noo kaya napatingin ako sa kanya at nakalapat ang isa niyang kamay sa kanyang noo. He's checking my temperature.

"you have a fever" sambit niya.

"here, eat this and wait for me" nilapag niya ang isang paper bag sa aking harap at mabilis na naglakad palabas.

Sinipat ko naman ang aking noo at may sinat nga ako. Kumalam ang aking sikmura kaya kinain ko ang binigay niyang pagkain. Tinatamad na rin akong maglakad papuntang canteen. Menudo at pakbet ang ulam na nandoon.

Hindi nagtagal ay pumasok siya ulit at naglapag ng gamot sa table ko.

"my vacant is until 3, do you want me to take your 2 pm class?" tanong niya habang umiinom ako ng gamot.

Kumunot ang noo ko dahil doon.

"paano mo nalaman schedule ko?" tanong ko.

Tinuro naman niya ang nakadikit na papel sa harap ko.

I see.

"Dito rin office mo?" tanong ko.

"yeah..." sagot niya at naglakad papunta sa katabi kong cubicle at umupo roon.

"here is my table... I heard this is vacant and I chose this spot because it's beside you" nilibot niya ang kanyang paningin bago iyon napunta sa akin.

US3: In Time (Completed) Where stories live. Discover now