Chapter 20 (Bitin Moment)

19 1 0
                                    

Blake Pov

Good morning! I do not know what to say to her, maybe because of what Debra thinks, although I already love her but how can I tell her that I love her and I consider her more than a friend. And another one I was afraid of his older brother because he seemed to dislike me. Hayzz hirap naman nito, alam na din ni ate na may nagpapasaya sa akin which is Debra. Hayzz

*morning ritual*

So bumaba na ako para mag almusal nagulat ako dahil hindi nagluto si ate hindi ko din alam kung saan siya nagpunta , at nagtaka din ako dahil hindi manlang magawang mag paalam. Hayzz Blake umagang umaga huwag masiyadong istress ang sarili. Kain nalang ako siguro sa cafeteria ng school.

Ilang minuto ay pinaandar kona ang engine ng sasakyan ko at nag drive na patungong school..

Ilang minuto ay nakarating na ako. Dumaan muna ako sa classroom para makita kung nasa loob na si Debra .at hindi ako nagkamali nandun na siya at Good mood. Bakita kaya? Hmm matanong nalang

"Good morning Debra!" Bati ko sa kaniya

"Good morning din Blake!" Bati niya sa akin

"Ang ganda ng gising ahh at ang ganda din ng mood ngayon. Anong meron?" Taka kong tanong sa kaniya

"Ahh ganoon ba? Wala naman. Bakit hindi ba pwedeng maging masaya Blake? Ikaw talaga kahit kailan!" Inis na sabi niya

"Oh sorry na , nagtaka lang naman ako ehh at isa pa nagtanong lang ako." Sabi ko

"Ah sorry din. Hahaha tara punta tayong cafeteria kain tayo!" Aya niya sa akin

Mabuti naman at nakaramdam siya.

"Sige . Let's go!" Sabi ko

At sabay kaming lumabas ng classroom at ilang minuto ay nasa cafeteria na kami siya na ang nagprisinta na siya na oorder at siya na daw ang manlilibre hayzz salamat naman at para makatipid din ako sa gastos. Joke lang.

"Sure ka bang ililibre mo ako? Baka naman napipilitan ka lang." Sabi ko

"Ha?baliw ka talaga nuh? Oo nga sure ako sabihin mo lang kung ayaw mo." Sabi niya

Feeling ko inis na sa akin ito Hahaha

"Hindi naman. Haha sorry na. Lakad na bumili kana at nagugutom na ako." Sabi ko sa kaniya

"Hayzz dami pang sinasabi ehh. Sige na order na ako. Ano ba gusto mo?" Tanong niya sa akin

"Ikaw na bahala iyong masarap ahh!" Sabi ko sa kaniya

"Okay! Wait mo ako dito." Sabi niya

At umalis na siya sa harapan ko at nagtungo na sa mat counter. Bakit kaya ako nainlove sa taong ito , at in the first place ang lakas niyang dumighay. Hayzz Blake!!

Ilang minuto ay bumalik na siya sa aming lamesa. At binaba ang tray na inorder niya.

"Salamat!" Ngiti kong sabi sa kaniya

"Walang anuman!" Ngiti din niya sa akin

At nagsimula na kaming kumain . Sa sobrang gutom ko naubos ko ang pagkain na inorder sa akin. At bigla akong tinawanan ni Debra

"Oh bakit? Anong tinatawa tawa mo diyan ha?" Taas kilay kong tanong sa kaniya

"Mukhang gutom na gutom ka ahh. Hindi ka ba nag almusal sa inyo bago ka umalis ng bahay niyo?" Tanong niya sa akin

"Hindi ehh , at isa pa wala si ate sa bahay ehh hindi ko alam kung saan nagpunta iyon." Sabi ko at uminom ng tubig

"Ahh ganoon ba?" Sabi niya

Mysterious Benjamin (ON -GOING) Where stories live. Discover now