Tanya POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Babangon na sana ako ng mapahiga ulit ako. Masakit ang buo kong katawan at hindi ko ito maigalaw lalo na ang nasa pagitan ng mga hita ko. Agad kong nilibot ang paningin ko sa loob ng silid.
"Nandito pa pala ako"natatawang saad ko na agad na tumulo ang mga luha ko ng maalala ko ka gabe ang mga kademonyohang ginawa niya sa akin.
"Hayop siya!! Hayopp siyaa!!hayopp!!"paulit ulit kong sigaw at kasabay nito ang mga luha ko.
Hindi na siya ang nakilala kong Travis Vargas noon. Yong dating Travis na mabait,maalagain,mapagmahal, at iniingatan siya na parang isa siyang mabasagin na kailangan ingatan. Ang Travis na nakilala ko noon ay hindi kayang manakit ng babae. Pero nagbago lahat ng iyon dahil sa isang insidente na kailan man ay hindi niya makalimutan. Na pilit kong binabaon sa limot.
Flashback...
Alas sais na ng gabe, pauwi na ako galing sa Unibersidad na pinapasokan ko. Naglakad lang ako pauwi dahil nasa kabilang kanto lang naman ang bahay namin, malapit lang sa paaralan namin.
Madilim na siya at konti lang ang naglapakad. At medyo madilim rin walang masyadong ilaw dito.
Ting...Ting...Ting...
Hindi ko pinapansin ang text ko. Si baby Travis lang naman yan. Hindi ko siya nirereplyan dahil nga 2 Anniversary namin bukas hihihi. Exited na ako. Bumili nga ako ng regalo para sa kaniya. Isa iyong bracelet na nakasulat ang pangalan naming dalawa Travis❤Tanya hihihi. Tunog parin ng tunog ang cellphone ko,kaya ginawa ko ay ini off ko to at pinasok sa bulsa ng palda ko.
Patuloy lang ako sa paglalakad ng tingnan ko ang paligid, mag isa nalang pala akong naglalakad at nasa madilim na parte na ako.
Kaya mas binilisan ko ang paglalakad. Naramdaman ko rin na parang may sumusunod sa akin. Huminto ako at ng tumingin ako sa likod ko,wala namang tao.
"Guni guni mo lang yon Tanya"kausap ko sa sarili. Pero diko parin maiwasang kabahan dahil parang may sumusunod talaga sa akin at binilisan ko pa ang paglalakad ko at narinig ko ang mga yabag sa likod. Dali dali akong tumakbo ng malapit na ako sa may parte ng ilaw sa kalsada.
Naramdaman kong may tumakip sa bibig ko. Sinubukan kong kumawala sa kaniya. Pero na unti unting nawawalan ako ng malay hanggang tuluyan na nga akong nawalan ng malay.Nagising nalang ako na walang saplot ni isa. At may katabi akong lalake na hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa akin.
"Pan-no n-ng ya-ri to"nauutal kong sabi sa sarili ko Na agad na nagsituloan ang mga luha ko.Naalala ko ang nangyari sa akin. May tumakip sa bibig ko at nawalan ako ng malay. Tumingin ako sa lalakeng nakatalikod sa akin. Nagumalaw ito at humarap sa akin. Nagulat ako ng mapagtanto ko na si Samuel pala to. Matalik kong kaibigan. Mas lalo akong umiyak.
Iminulat niya ang ang kaniyang mga mata at tumingin sa akin. Ng makita niya akong umiiyak ay agad siyang bumangon at lumapit sa akin kaso lumayo ako sa kaniya.
"Hey, what's wrong."tanong niya sa akin. Lalapit sana siya sa akin ng pigilan ko siya.
"Hu-huwag... Hu-hu-wag kang la-lapit"habang sumisiksik ako sa headboard ng kama.
YOU ARE READING
The Psycho's Obsession
Romance"Fight like a girl, win like a woman" Pero hindi ko kayang lumaban bilang isang babae. Hindi kaya ang lakas ko sa kaniya. Hindi ako mananalo bilang isang babae dahil alam ko sa simula palang talo na ako. Parati akong talo kaya kahit mahirap pinipili...