Kakapark ko lang ng sasakyan ko sa garahe pero rinig ko na ang komosyon sa loob ng bahay.
I am tired as fuck from school and all the extra curricular.... And now ito ang dadatnan ko?
Isa nanamang malakas na pagkabasag ng kung ano ang narinig ko. Napapikit ako at humigpit ang hawak ko sa manibela. Parang ayoko nang bumaba ng sasakyan, I wanna get the hell out of here.
"Can you stop?!"
It's dad. He's here. I was about to start the engine again to drive somewhere far, but when I hear a wail of loud cries, that's when I gathered my shits together. Alam kong wala pa ang dalawa kong kapatid dahil parehas na sasakyan nila ay wala pa dito. Nasa training si Ryan malamang, and Louie's... probably somewhere again.
Bumaba ako dala dala ang mga gamit ko. Sumalubong agad sa akin si Nanay Marya bakas sa itsura niya ang pagpapanic at di malaman ang gagawin.
"Shane ang Mommy mo..."
I swallowed the lump in my throat. Tumango ako sa kanya at agad na binagsak sa sahig ang mga gamit ko. Naglakad ako para makapunta sa aming living room, pero huminto ako dahil sa nakita ko.
It's a mess. A shitshow I can't find myself to get used to. Kahit na palagi naman ganito kapag umuuwi si Daddy.
Sa gitna ng mga basag na vases at mga gamit na nagkalat, nakatayo ang mga magulang ko na para bang gustung gusto saktan ang isa't isa pero di nila magawa. Kaya heto silat nagsisigawan na lang.
"Randy I am so tired of your bullshits... Can you please atleast stop it? Hindi ko na kaya!"
I'm still rooted. I can't even move a finger. I didn't attempt to make a sound. Tinitignan ko ang Mommy na basa ang pisngi ng mga luha, with a hopeful eyes, she's looking at my father. And just like me she's waiting for my Dad's answer.
"Ilang beses ko bang sasabihin na wala nga akong ginawa?! Stop making a scene, padating na ang mga anak-"
"At para ano?! Dahil takot kang marinig nila lahat ng katarantaduhan mo? Takot kang malaman nila kung gaano ka kagago? Randy hindi ka man lang ba naaawa-"
That's it. Ayoko nang marinig pa ang away nila. I gathered my self and turned away from it. Mabuti nalang at hindi nila ako nakita nang pumihit ako papunta sa aming hagdan, they seemed so absorbed in their quarrel ni hindi nila napapansin ang mga tao sa paligid.
They don't need to keep it anyway. The maids knew it all, even Louie and Ryan seemed like they knew it too. Yun nga lang, hindi ko alam kung alam din ba nila ang alam ko.
Nang makaakyat ako sa aking kwarto ay agad akong nagbukas ng laptop. Uubusin ko nalang ang oras ko sa mga dapat gawin. Maraming pending schoolworks na kailangan gawin dahil kakatapos lang ng cheerdance competition kamakailan lang. Kaya kahit na pagod ay di ko na ininda pa at buong gabing nagaral at naggawa ng mga requirements.
"I hate this house."
Kinaumagahan ay parang walang nangyare. Pagkababa ko, plano ko na sanang dumeretso na sa sasakyan ko pero nakita ko ang mga kapatid ko sa dining. They're eating breakfast. This rarely happens so whenever I see them, palagi akong gumagawa ng oras.
"Oh, good morning! Eat breakfast muna anak sumabay ka na dito."
Ayoko magpahalata na nagulat ako nang marinig ko si Mommy, there she's putting a freshly cooked bacons on the breakfast table. Nang makita kong wala si Dad, ay nakahinga ako ng maluwag.
I kissed my brothers on their cheeks.
"How's my boys?" I put up my ever bright smile as I take my seat in front of kuya and beside Ryan.
YOU ARE READING
You're My Only Hope
RomanceShe's everyone's cheerleader, but no one has ever been there to cheer her. Si Sharlaine Ann Villadelgado ay punungpuno ng kasiyahan sa katawan. Siksik, liglig, at naguumapaw. Iyan ang tingin ng lahat. Her happy life crumbled into pieces when she kne...