Inside The Forest Where He Is.written by: ItsMeSeraphine
Inside The Forest Where He Is(One-Shot)
(July 22,2017)
Note: Kinain lang ng sistema hahaha
---------------
Nagkakilala kami sa hindi inaasahang pangyayari. Isang pangyayari na kailan man ay hindi ko malilimutan at wala akong balak na kalimutan. Nang dahil sa kanya hanggang ngayon humihinga parin ako at masayang nakikisama sa iba.
Samantalang siya....
Nang dahil saken naglaho na parang bula.
Tandang-tanda ko pa. Sampung taon ako noon ng nawala ako sa loob ng isang gubat. Maraming kwentong kumakalat tungkol sa madilim at nakakatakot na gubat na yon. Tuwing sasapit daw ang kabilugan ng buwan ay may mga taong lobo daw na lumalabas doon na nangangain ng tao. Marami pang bulung-bulungan sa loob ng aming bayan na ang mga taong lobo ay may kaaya-ayang itsura kapag nag-anyong tao.
Nang mga oras na yun takot na takot ako. Hapon na at unti unti naring lumulubog ang araw at ngayong araw ay ang kabilugan din ng buwan.
"Mama! Papa!" Yan lang ang naisigaw ko dahil alam kong sila lang ang makakatulong sa akin, ang mga minamahal kong magulang. "Mama! Papa! " Ngunit kahit anong sigaw ang gawin ko wala akong nakuhang sagot mula sa kanila.
*Hik! Hik!
Niyakap ko nalang ang tuhod ko, dala ng panlalamig at ang matinding kagustuhan na may makasamang iba maliban sa aking sarili. Hindi na bago ang ganitong pakiramdam sa akin dahil wala naman talaga akong kasama...
Lagi..
Nasa ganung pwesto lang ako ng may marinig na mga yabag ng paa. Dinig na dinig ko ito dahil mukhang naapakan niya ang mga tuyong dahon na nalalaglag mula sa punong sinasandalan ko, tila ba nanayo lahat ng aking balahibo sa katawan dala ng matinding kaba at takot. Maging ang mga palad ko ay nagsimula naring mamawis kahit hindi naman ako pasmado.
"S-sino yan???" Walang sumasagot pero naririnig ko parin ang mga yabag niya at sa tingin ko papalapit na siya sa kinaroroonan ko.
"Mama! Papa!" sumigaw na ako ng sobra sobra. Natatakot kasi akong totoo ang mga kwento kwento tungkol sa gubat na yun.
"Shhh.. Huwag kang maingay" Isang tinig ang narinig ko mula sa kabilang puno. Isang napakalambing na tinig na paulit-ulit kong hinahanap hanggang ngayon.
"S-sino ka??" Ilang minuto na ang lumilipas pero wala paring sumasagot. Mukha namang wala narin siyang nagawa dahil sa napagpasyahan niya ng lumabas sa tinataguan niya.
Bilang isang bata halos malagag ang mga mata ko sa nakita ko. Isang binatang may kulay dilaw na tila nagiging berdeng mata ang lumabas. Napakakisig at kaaya-aya ang kanyang itsura. Kakaibang kakaiba rin siya dahil kulay puti ang buhok niya at tila napapaligiran ng liwanag na hindi ko maipaliwanag. Kakaiba rin ang kasuotan niya na kulay puti at itim lang ang kulay.
Kung anu-anong bagay lang ang nasa isip ko hanggang sa napansin ko ang kung anong bagay na gumagalaw mula sa likuran niya.
B-buntot...
'Hindi kaya siya yung taong lobo na sinasabi nila??!' Yan lang ang tanging iniisip ko ng mga oras na yun hanggang sa lumapit na siya papunta saken...
"WAAAHHHHHHH!!!! HUWAG MO KONG KAKAININ!!!!! WAHHHHH!!!WWWAAAAHHHH!" Nagulat nalang ako ng mapahawak ang kamay niya sa ulo niya at sinabunutan ito ng bahagya na para bang problemadong-problemado saken.
YOU ARE READING
Inside The Forest Where He Is
FantasyPakiusap kahit anong mangayri saken. Huwag mo akong hahawakan" Paulit-ulit kong sinabi sa kanya ang bagay na to pero siya narin mismo ang sumuko at naglaho nalang na parang bula.