MANGGA

30 11 40
                                    

Mag-isa na naman ako sa bahay.
Nagcecellphone ako at tamang scroll lang, kasi wala na naman akong kachat. Hays kaya puro shared posts na naman! Tamang parinig lang sa aking crush diyan. Baka naman.
Sanay tamaan! Hmmm.
Habang nags-scroll ako sa aking fb biglang may nag pop up sa messenger ko. Wow himala! May nagchat! hmmm matignan nga. Laking gulat ko nang makitang si Hans ang nagchat ang ultimate crush ko!!

WAHHH di ako makapaniwala kasi may jowa to eh! Hmm mareplyan nga.

Hans:
Hi😊

Kate:

Ahmm hello😊

Hans:
Can you be my friend?

Wahhh, nag eenglish 'to ah taray.

Kate:
Puwede naman.

Ba't friends lang? puwede namang wife agad? Hahays charring landeee!

Hans:
Aww thanks. Btw kumain kana ba?

Pafall to ah, ganyan mga galawan. Alam na alam ko na hehehe. Nag feeling na naman si ako.

Kate:
Oo kumain na ako.
Btw I have a question.

Hans:
What is it?

Kate:
Di ba may gf ka?

Hans:
I don't have because we broke up already.

Awtsss so sad naman. Huwag kang mag-alala, nandito naman ako hehehe,aytt landee ko talaga. (Sabi ng nasa isip ko)

Kate:
Why?Hindi naman sa tsismosa ako huh, nagtatanong lang hehe.

So 'yon, kinuwento n'ya lahat lahat sa akin. Pagkatapos no'n nag-usap na lang kami ng kung ano ano.

Araw araw gano'n na lamang ang routine namin lagi kaming magkachat at hulog na hulog na ako sa kaniya haysst. Then isang araw bigla na lang siyang nagtanong nang kung pwede ba raw akong ligawan. Syempre, oo na agad ako kasi matagal ko na siyang gusto eh (sowwy marupok lng).
Then 'yon na nga sinimulan niyaa na akong ligawan. Inaya niya akong makipagkita sa kaniya. Siyempre ako to pumayag ako. Tinext niya sa akin kung saan kami magkikita.

Hans:
Delaux restaurant
9am

Wahhh sa isang sikat na restaurant to ahh. Hindi ko na siya nireplyan at naghanda na labg ako para mamaya.

At delaux restaurant:

Kinakabahan ako wahh makikita ko na ulit siya.I'm excited!

Pagkapasok ko pa lang ng restaurant ay sinalubong niya agad ako at binigyan ng isang bouquet ng roses (Wahhh my favorite my gashhh kinikilig ako)

Pumunta na kami sa naka reserbang table na para sa amin at pinaghila niya ako ng upuan. Aww so sweet.

"I'm happy to see you again, Kate" Sabi niya ng nakangiti.

"Ako din, Hans. Masaya ako na nagkita na tayo. "Ani ko

"So should we eat?" Ani Hans

"Yeah, Tara." Ani ko.

So 'yon habang kumakain sila parang hindi mapakali si Kate para bang may nakatingin sa kanila. Inilibot ni Kate ang kaniyang mga mata sa buong restaurant then alam niya na kung sino. Ang ex ni Hans nandito at kita niya na nakatingin sa kanilang dalawa ni Hans.

"Kate?Kate? Hey something bothering you?" Tanong ni Hans.

"Huh?Wala naman, bakit?"

"Para ka kasing hindi mapakali diyan eh."

"Huh..hindi ah. Okay lang ako." ani ko

"Ahh okay." Ani Hans.
Nagtuloy na lang kami sa pagkain at hindi na lang pinansin ang ex ni Hans. Pagkatapos namin kumain ay pumunta kami sa mall. Nanuod kami ng sine,namasyal at kung ano ano pang ginawa namin doon.

"Hatid na Kita.May dala naman akong sasakyan eh. " Ani Hans

"Ayy wag na magaabang na lang ako ng taxi. Nakakahiya na sayo eh."

"No. Huwaag kang mahiya sa akin, masanay kana ganto talaga ako." Aniya.

"I'm taking care of my girl." pahabol niya pa.

"I'm taking care of my girl"
"I'm taking care of my girl"
"I'm taking care of my girl"

WAHH nagpaulit ulit iyon sa aking isipan. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pakshett tinamaan talaga ako sa lalaking ito.

Nagbalik ako sa aking ulirat nang pitikin niya ang noo ko.

"Natulala ka na lang diyan. Oh ano tara?"Ani Hans.

"Ahh Sige.Magagabi na din kasi. "ani ko

Simula nang nagkita sila ni Hans ay hindi na mabura ang ngiti sa kanyang labi. Kaya 'yon, araw araw silang nag-uusap,niyaya pa minsan lumabas para kumain.Pinakita talaga ni Hans sa kanya kung gaano kabait at maalaga siyang tao. Kaya na pag isipan niya ng sagutin ito. Total matagal na rin naman niyang gusto si Hans.
Pa minsan-minsan din kung nasaan sila ni Hans pumupunta ay naroon din si Cess (ex) Para bang sinasadya pero tinatatak niya sa isip, baka nagkataon lamang.

"Sinasagot na kita!"masayang sabi ko

"Huh? Ahm.. yeahh"

Parang hindi na siya nabigla noong sinagot siya ni Kate parang expected na. Pero isinawalang bahala niya na lang 'yon. Ang mahalaga sa kaniya ay boyfriend na niya si Hans. Kaya dapat wala ng umaaligid na babae dito.

Simula nang sinagot niya si Hans eh parang nagbago ang lahat. Hindi na sila madalas nagkakausap tapos pagmag-aakit siya na kakain sa labas eh laging sinasabi na may gagawin daw.

Kaya naman siya na lang ang pumunta mag-isa sa delaux restaurant. Pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa restaurant ay agad na nag-init ang kaniyang ulo sapagkat nakita niya si Hans at si Cess na magkasama. Kaya agad niya itong nilapitan.

"May gagawin ka pala huh? 'yan pala ang ginagawa mo, ang makipagdate sa ex mo!"  ani ni Kate

Hindi na nakapagtimpi si Kate at bigla niya na lang nahigit ang buhok ni Cess.

"STOP KATE! STOP!" pero hindi pa rin siya tumigil lahat ng tao doon ay nakatingin sa kanila
"I SAID STOP KATE! " umalingawngaw ang boses ni Hans kaya siya ay napatigil.

Pinaghiwalay ni Hans sina Kate at Cess. Umiyak si Cess kaya naman niyakap ito ni Hans.

"Hushh tahan na" sabi ni Hans habang inaamo si Cess .Masama naman ang tingin ni Hans sa kaniya. Nang unti-unti nang napakalma, ay doon na hinarap ni Hans si Kate.

"Why did you do that to my girl?"

Parang naecho sa kaniya ang sinabing iyon.

"My girl?, Hindi ba ako itong girlfriend mo!" Sabay turo sa kaniyang sarili. Habang nangigilid ang luha.

"Paano mo siya naging 'my girl ' eh ex mo yan! at ako ang girlfriend mo!?" Tanong ko kay Hans habang unti-unting nahuhulog ang mga luha galing sa mga mata

"M-Mahal mo ako d-diba?" sambit ko habang patuloy ang pag-agos ng mga luha sa aking mata.

"I'm sorry."

"Ginamit lang kita para bumalik siya."

Doon na ako nanlumo at nagpantig sa aking tainga ang kaniyang sinabi.

"Paano mo nagawa sa akin ito! Minahal kita!Pero bakit? Bakit mo ginawa sa akin ito?"

Hindi ko na hinintay pa ang kaniyang pagsagot, sa halip ay umalis na lamang ako sa resto ng hindi man lang lumilingon kahit saan. Kaya di ko na namalayan na may paparating palang van

*Peeeeeppppeeeeepppp!!*

*Bogshhhh!*

At namatay ako dahil walang forever!! Huwag kang maghangad ng happy ending, walang ganoon. Kdot.

MANGGA (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon