715 divided by 5

201 16 8
                                    

Good Morning Class! -Mrs. Yape hay naku, math nanaman -_- Ayoko nga ng Math e. Pahirap kasi sa mga estudyante, bakit ba kasi kailangan ng Math sa mundo?-_- Bilang-bilang lang naman yun kailangan pagaralan pa.

"Okay class, everybody get a one whole sheet of paper. Magkakaroon tayo ng quiz ngayong araw. Numbers your paper 1-20." -Mrs. Yape, WHAT!O.O Kung kelan di ako nakapag-review, buysit na Math yan oh badtrip talaga na subject -_-

"Miss Alcantara, bakit hindi ka pa kumukuha ng papel? Nabigla ka ba sa surprise quiz ngayon? Tssk, hindi ka nanaman ba nag-review kahit konti?" -Mrs. Yape, sinasabi ko na e ako nanaman pag-iinitan ng teacher na toh, andami pa naman naming wala pang papel ako lang napansin =__= inggit ata sa beauty ko itong teacher na toh e.

Sa halip na sagutin ang pagkadadaming tanong niya di ko na lang siya pinansin. Yeah! Maldita na kung maldita! Pero ganyan ako sa mga teacher kapag ayaw ko ng subject nila kaya masanay na kayo.

"Lahat na ba may papel?"

"Okay kung lahat na may papel. Sagutan na itong isusulat ko sa board, may 15mins. kayo para sagutan toh." tapos nagsulat na siya sa board. WHAT THE!! 15mins. lang namin sasagutan yan? E ang hirap hirap niyan number 1-5 lang ang alam ko dyan. So ano ako nanaman lowest sa Math? Lagi na lang badtrip!-_-

AFTER 15mins.

Pagkalipas ng 15mins. may nasagot naman ako kahit papano kaso halos lahat hula-hula lang, panu ba naman kasi ang hirap hirap ng mga problem buysit -__-

"Okay, Time is Up! Makipagpalitan na sa inyong mga katabi class."

"Oh, Casquejo ayusin mo pagchecheck dyan ah! Ambaboy mo pa naman magcheck." madumi kasi magcheck tong lalaking toh e nambababoy ng papel-__-

"Oo na! Bagsak naman tong quiz mo, nagrereklamo ka pa sa pagchecheck ko." Aba't sumasagot pa toh!

"Hoy ang kapal mo! Magcheck ka na nga lang." Asar talaga toh.

"Okay class, ito na yung mga sagot."

Hmf. Ang yabang ng Kyle Casquejo na toh, 19 lang naman. Di naman naka-perfect.

"Oh yabang! Ito na papel mo!" sabay abot ko sa kanya ng papel niya.

"Ang sungit mo naman Rehana. Ito na din papel mong bagsak! 3 ka lang, di ka kasi nag-aaral." kinuha niya papel niya tapos binigay niya sa akin papel ko. As usual ambaba ko nanaman -.- Bale sa Math lang naman ako mababa e sa ibang subject mataas naman ako =))

"Kukunin ko na score niyo class. Tapos na ba magcheck?"

"Opo." Sila lang yun di ako sumagot nakakatamad magsalita e.

Nag-tawag lang ng nagtawag si ma'am hanggang yung kay yabang na papel na yung tinawag.

"Casquejo?" kailangan pala yung nagcheck ang magsasabi, tinatamad nga ko magsalita e -_-

"19" malakas na para sa akin yan sana narinig niya.

"Again? Louder please." ang arte bingi ata toh si ma'am e -__-

"19!" ayan sinigaw ko na baka di niya pa din narinig yun -_-

"Okay, I said louder it not shout it." ang arte bingi naman.

"Whatever" pabulong kong sabi.

Natapos na yung pagtawag ni Miss Yape sa boys, so obviously girls na alangan namang bakla o tomboy diba? wala namang ganung gender kasi ang tomboy babae pa din pusong lalaki lang ganun din ang bakla, lalaki pa din pusong babae nga lang. Kaya walang gender na ganyan.

Nagtawag uli si ma'am sa girls hanggang tawagin na ako. Si Kyle ang magsasabi nun di ako.

"Alcantara?"

"3 po siya ma'am. Yung puno po score niya." baliw talaga ang mukong -_- puno daw score ko.

"Hay, as usual." Yeah, as usual lagi kasi akong bagsak dito sa Math e :D MATH lang naman yan, Tourism naman kukunin ko para walang Math na subject *evil grin*.

Natapos na si ma'am sa pagtawag sa lahat and as usual, lowest uli ako ano pa bang bago?=__= Buti time na ang Math, Filipino na next my favorite subject ♥ wala kasing english dun e.

"Good Bye Class. Btw, Miss Alcantara and Mr. Casquejo sumama muna kayo sa akin kailangan natin mag-usap." ano ba yan -__- Next na nga yung Favorite Subject ko e. Badtrip.

"Nagtataka siguro kayo kung bakit ko kayo gustong kausapin noh?" malamang bihira lang kasi makipag-usap sa estudyante yan si ma'am madalas kasi mga teachers ang kausap niya.

"Ano po ba yun ma'am? -Kyle

"Okay. Lagi kasing mababa or should I say bagsak ang nakukuhang score ni Miss Alcantara, parang di siya nag-iimprove parang walang natututunan basta pumapasok lang sa klase ko kaya naman naisip ko na turuan mo si Miss Alcantara, Mr. Casquejo ikaw kasi ang laging mataas sa klase ko kaya gusto ko turuan mo siya. Okay lang ba sa inyo?" What the?! Bakit kailangan turuan pa ko? Di ko naman magagamit yan kasi Tourism naman kukunin ko e. Atska wala naman akong pakialam sa mga quiz ko sa Math e, project at periodical ang importante sa akin.

"Hi-"

"Oo naman po, okay lang po ma'am para naman po tumaas tong si Rehana sungit :D" Abat?! Ayoko nga e.

"Okay. So wala ng problema. Pwede na kayong pumunta sa klase niyo." Epal kasi tong si Kyle e pumayag pa pwede namang umayaw -_-

Pabalik na kami sa room ng magsalita siya, "Bukas na tayo magsisimula, after class hihintayin kita sa library tayo mag-lelesson." tapos naglakad na uli siya nauna tuloy ang hambog sa room.

| KINABUKASAN

Uwian na sabi ni Kyle kahapon sa library daw kami maglelesson kaya ito ako naglalakad papuntang library, alangan naman kasing lumulutang ako diba?-__-

"Antagal mo naman Rehana, kanina pa kita inaantay. Naiinip din ang tao minsan." Ang gandang bungad nyan -_-

"Ang OA mo naman. Tara na start na tayo para maka-uwi na ko." Sabi ko sabay labas ng libro namin sa Math.

"Alam mo Rehana may mga taong hindi kayang sabihin ang nararamdaman nila sa isang tao kaya pinapadama na lang nila ito, ang kaso mahirap pag-manhid yung tao kasi di niya mararamdaman yung pinapadama mo." speech ba yun?-_-

"Oh, anong paki ko? May pinaglalaban ka ba?" naglabas siya ng papel sa bag niya tapos may sinulat siyang 715 ÷ 5 dun tapos inabot niya sa akin.

"Oh? Anong gagawin ko dito?" hinawakan ko yung papel.

"Sagutan mo yan para malaman mo ang ibig kong sabihin."

"Ah Okay. Madali lang toh." Division lang e -_-

"Okay. Wait lang CR lang ako." tapos lumabas na siya ng library.

"Sagutan mo yan para malaman mo ang ibig kong sabihin."

"Sagutan mo yan para malaman mo ang ibig kong sabihin."

"Sagutan mo yan para malaman mo ang ibig kong sabihin."

Ano kayang pinapahiwatig ni yabang? -_- sagutan ko na nga lang toh.

715 ÷ 5 = 143?

Teka lang, 143? I LOVE YOU ibig sabihin nito ah. Di kaya........

"Sagutan mo yan para malaman mo ang ibig kong sabihin."

Ang ibig niyang sabihin sa speech niya ay... Mahal niya ko pero di niya masabi kaya pinadama na lang niya kaso MANHID ako?

143 = I Love You. He loves me.

- -

Hello! Maraming salamat sa pagbasa ng one shot story ko :*

Di ko po hate ang Math ah, yan lang po naisipan kong gamitin at lalong-lalong di po ko maldita sa teacher :)

Maraming salamat po uli *u*

715 divided by 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon