Last Day With You

58 3 1
                                    

“Sayang, bata pa naman”

“Nasa morgue na daw eh.”

“Dumating na ba yung patay?”

Mga salitang patuloy na pumapasok sa aming isipan. Ayaw man tanggapin pero ito ang katotohanan. Masakit. Nakakabigat ng kalooban. Hindi alam kung maniniwala o hindi.

January 13, 2015

Kasalukuyan kaming nakatayo sa harap ng bahay ng aming kaklaseng si Jonalyn. Hindi naming alam ang tunay na pangyayari. Ang alam lang namin, kailangan kami dito. Matapos ang mahabang iyakan sa classroom kanina ay dumiretso kami dito. Mababakas mo sa mukha ng bawat isa ang kulungkutan, ang panghihinayang, ang pag-iyak at ang pagdadalamhati. Hindi pa klaro sa amin. May mga doubt pa rin kami. May ilan na ayaw pa rin maniwala at may ilan na nag-aantay na lamang ng balita.

Ano bang nangyari bago ‘to?

Flashback 1 hr ago

 

Tawanan na napalitan ng katahimikan. Isang balita na nagpabago ng atmospera sa loob ng silid-aralan.

“Be, patay na daw si Jona.”

“Ha? Tange, joke lang yan. kilala natin sa jona, mahilig magjoke yan.”

 

Dumating ang adviser na namin na minsa’y pinatawag sa Guidance Office. Namumula ang mata, walang salitang lumalabas sa kanyang bibig, lungkot na bumabalot sa kanyang mata. Maraming tanong. Maraming ANO. Ano bang nangyari? Ano bang meron? Bakit ang tahimik?

 

Nagsimulang mag-iyakan ang iba. May bahagi pa rin ng utak ko na ayaw paniwalaan ang iniisip. Bunga lang ba ito ng pagiging imaginative? Ang dami ko lang atang naiisip.

 

Palakas nang palakas ang mga hikbi. Hindi ko alam pero nagsisimula ng may mamuong tubig sa aking mata.

 

Tinawagan ni Whinslet ang number ni Jona. May sumagot…..pero nanay nya. Hindi namin narinig ang usapan.

“Pumunta na lang daw tayo para malaman natin.”

 

Mas lumakas ang iyakan. Sa oras na ito, dito ko naramdaman ang kabigatan ng kalooban. Hindi ko alam kung totoo ba ito o hindi. Naiyak na lang ako gaya ng iba kong kamag-aral. Napansin ko ang aking guro na pinipigil na lamang ang kanyang iyak.

 

Tumayo si Adrian. “Guys, huwag kayong umiyak lahat. Dapat may isa sa ating malakas. Wag nyong hayaan na maging mahina kayo.”

 

Alam ko ang nararamdaman niya. Namatayan na sya ng magulang kaya alam niya ang feeling.

 

Tumayo ang adviser namin, “Guys, okay, let’s wait for the news na lang. Be strong.”

 

Nagpray kami. Matapos iyon, lumabas na kami ng room na lumuha. Dala-dala ang balitang nagpagulat sa amin. Pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng napapadaan sa room namin. May mga tanong sa kanilang mukha. Ano bang nangyari?

Kinomfort nila ng bawat isa. Hindi man sabihin, nalulungkot din sila para sa min.

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Last Day With You (one-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon