Chapter 1

48 0 0
                                    

“Everyone deserve to have a chance. The chance to make everything’s right, but in my case everything went for nothing. The chances he gave to me and the love he gave to me ended for nothing, everything.. Pwede pa ba ako humingi ulit ng isa pang pagkakataon, mahal?”

Chapter One

Ilang araw nalang matatapos na ung OJT namin ni Van. Ang sarap pala sa feeling na sumusweldo ka ng walang ginagawa. Pinsan ko kasi nagpasok samin kaya like a boss. Laging late tapos facebook lang pag wala sila sa table namin.

Scroll.. scroll.. scroll..

"Van bakit ang dami nyong crush?" tanong ko na may halong pagtataka.

Pansin ko din kasi sa pahanon ngayon ang dami ng crush ng mga teenager, ganun na ba talaga kadaling mafall? or maattrack?

"Wala kasi kaming jowa. Kaya ineenjoy namin sarili namin sa ibang bagay." sagot nya.

Oo nga naman. Bakit hindi ko sila gayahin? Bakit hindi ko din enjoyin sarili ko sa ibang bagay? Sawa na din kasi akong magmukmok at umiyak tuwing gabi.

That day nagisip ako kung sino ba pwedeng maging crush, ung tipong may masabi lang din ako para in ako sakanila. Saming grupo si Hazel ang no. 1 na maraming crush pero mas patay na patay sya kay Bana Tall pati din kay Renz Hite, sumunod si Van kaso puro in showbiz ung mga crush nya. Si Jhanine naman kay Chua lang sapat na. Sa grupo namin ako kulelat.

--

"San na kayo? Punta kaming school"

"Otw na Zel" sagot ni Van kahit alam nyang nagbibihis palang ako.

Pag pasok namin ng gate sinalubong kaagad kami ng mahipit na yakap ni Jhaine at Hazel.

"Guys.." pagtawag ko sakanila

"Bakit?" tanong nila

"Hindi na ako ma-oop sainyo" natutuwa kong balita

"Huh?" pagtataka nila.

"May crush ako, si Mario" sinabi ko ng may kunyaring pagkilig

"Oh? Crush mo yun? Crush ko din yun eh! Mangaagaw ka" sabi ni Jhaine sabay hampas sakin

"Hays.. Pagbigay muna ako" malungkot kong sinabi sakanya.

"Osge. Basta sakin si Chua. Walang mangaagaw dun, papatayin ko!" nakakatakot nyang sinabi.

Biglang natamihik ang lahat.. ng biglang..

"Biancs ayan ba yun?" sigaw ni Van at Hazel.

Sh*t nakakahiya!

"Huh? Bakit? Anong meron?" Patay malisya kong sinabi.

"Diba kakasabi mo lang crush mo si Mario" sigaw ni Jhaine.

"Halaaaa!" gulat kong sinabi.

"Baliw. Joke lang yun!" pagdedeny ko.

And thanks God isnabero ung Mario na yun! Umuwi na kami na ang topic parin ay about sa mga crush. Naoop parin ako kasi wala akong alam about kay Mario, ung full name nya, address nya, section and course nya hindi ko rin yata friend aa facebook kasi hindi ko alam pangalan nya. Kaya nung pag-uwi ko, inistalk ko sya. Hinanap ko pangalan nya, when I found nagfriend request ako. Ang cute nya, maputi, hindi masyadong matangkad, nakabrace atska ang cool nya sa school. Kahit nasa ground floor sya tatawagin parin sya ng mga babae kahit nasa second floor pa sila. Ganun sya ka sikat sa campus namin.

Ewan ko din kung crush ko nga ba sya, kasi pag nasa school ako hindi ko naman sya hinahanap hanap na gaya ng ginagawa nung tatlo. Gusto ko silang gayahin.

Kakastalk ko kay Mario, wala akong napala. Hindi nya ako inaccept kahit sa facebook nalang. Hays.. Pinipilit kong magka-crush sakanya kaso wala talaga.

Scroll.. scroll.. scoll..

Ito na naman ako sa kaka-scroll ko. I posted quotes on my timelime. When I checked it, ang kaunti ng likes. Tinignan ko kung sinong mga naglike. I saw the name Vince Jerard Dela Cruz.

"Vince Jerard Dela Cruz??" O.O

What the..

Last ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon