Bwisit 9

137 9 0
                                    

(Prom Night)

"God Peach you're so gorgeous! Parang totoong kasal na! Perfect talaga ako magpili ng Gown sayo. Bagay na bagay!" Luz

"Ahem? Diba si Kelly ang pumili nitong gown? Hahaha"

"Hmp! Pero ako naman ang nagpa make up sayo!" Luz

"Sus kaw talaga! Isang malaking thank you ha! At ikaw din kaya ang Ganda mo!"

"Che! So tara na hinihintay kana ni Angelo sa baba" Luz

"Andito si Angelo?"

"Come on Peach! Sya kaya ang date mo!" Luz

"I know.. I mean paano nya nalaman na nandito ako?"

"Yan ang di ko alam. Haha"Luz

Bumaba na kami at at pumunta na sa living room nila Luz kung saan naghihintay si Angelo.

" OMG peach!.. hoy! Yung partner mo oh gwapo masyado!" Luz

Habang pababa pa kami sa hagdan Nakita namin ni Luz si Angelo na tinitingnan ako. Nakangiti sya kaya nginitian ko din.

"oo nga"

" ANO? ano sabi mo?" Luz

"Ang OA sabi ko Oo gwapo na tsk"

"Ay.. hahaha wag kang pakipot ha? Sige iwan ko na kayo. Eenjoy mo yan, chance mo na yan. Bye...." Luz

"ano?? Hoy wag mo akong iwan dito!"

"Grab the opportunity! Gwapo yang kasama mo!" Luz

"hoy! Ano bang sinasabi mo? Wag mokong iwan! LUZ TEMARY MARQUEZ!"

Tumalikod naman si Luz at tumawa. Tae iniwan ako!! By the way Yes ang Gwapo nga ni Angelo pero hindi naman ibig sabihin na gusto ko sya! Ew! Hahaha .. si Richard kasi ang hinahanap ng mata ko.

"Ang Ganda mo peach" Angelo

"Thanks.. ikaw din Gwapo"

"Haha ako pa!" Angelo

"Ew ang yabang!"

"Totoo naman hahaha" Angelo

"BWIS-"

"Huh?"Angelo

"Wala"

Tae lang naaalala ko lang kasi si Richard eh! Parehas kasi silang mayabang ni Angelo eh! At ewan tuwing binabanggit ko ang 'bwisit' sya na ang naalala ko.

(FASTFORWARD)

Pagkapasok namin sa loob ng venue ng prom ang daming nakatingin sa amin ni Angelo...Nakakahiya,kaya yumuko na lamang ako.

"Dont be shy you're beautiful tonight..Lets just enjoy this night." Angelo

Pagkasabi ni Angelo ngumiti ako sa kanya at tumingin sa mga taong nakatingin saamin.

Nakita ko sila Luz, Sandra at Kelly kasama ang mga date nila ngayon. Nilibot ko ang paningin ko nakita ko si Richard kasama ang date nyang si Trixy na nakakapit naman sa braso ni Richard parang LINTA..na hindi mo mahihiwalay.

Nagkasalubong ang mata namin. Halatang na shock sya. Sino ba naman ang hindi mashoshock sa pinanggagawa ko eh pumunta ako pero sa pagkakaalam nila hindi ako pupunta. GREAT PEACH! DAMN!

"Peach akala-" Brix (barkada ni Richard)

"I changed my mind."

"Geh" at umalis na sya. Papalapit naman sa katayuan ko si Richard.. uh-oh.. ...

"Enjoy" Yun lang ang sinabi nya at umalis na. Aba't! Bwisit talaga! Yun lang? As in five letters one word?!

Umupo naman kami dalawa ni Angelo sa Table. Kung minamalas kanaman katapat ko pa si Richard at Trixy. At eto naman si Angelo gentleman hinila nya ang upuan at pinaupo ako.

Aba nagpapakita ng dalawang pakwan tong si Trixy ah??! Labas ng cleavage! Ew.

"Wow! Ganda mo Peach!" Kabayo

"Chix pare! Ayos ang choice ah?(apir kay Angelo)" Butiki

"Sayaw tayo mamaya ha?" Dragon

"Isayaw mo sarile mo! Ang FC lang kase."

"Ang taray naman! Ok lang bagay naman"Dragon

"Fuck get out of my sight!"

"Aw sorry po" Dragon

"Pasensya kana sa mga barkada ko. Makulit lang talaga yung mga yun"

"Ok."

"Omayghad! Peach ang Ganda mo!"Sandra

"Wow Sandra ang ganda mo din!"

"Flattered! Hahaha thank you! Ganda ng gown ha!" Sandra

"Syempre choice ko eh!"Kelly

"Kelly ikaw ba yan? Wow ang ganda mo!"

"Compliment ba yun o insult?" Kelly

"Ay sareh! Haha compliment yun. Ang ganda mo kasi! Tayong lahat ang gaganda natin! Lol"

"I know!! Hahaha ikaw din ang ganda! Bagay sayo ang gown na pinili ko!" Kelly

"Hahaha kaya nga! Pasalamat ka talaga napaka supportive ng mga bestfriends mo Peach!" Luz

"Yeah.. salamat talaga mga bestfriends. Ang saya ko (group hug)"

"Sigina tama na. Haha mag st-start na ang cotillion"Sandra

"Sige-sige"

Nag simula naman yung cotillion. Syempre kasali ako. Hate ko lang na part is yung mag exchanged ng mga partners at naging partner ko si Richard. It sucks dahil hindi ko sya matingnan ng daretso! Buti nalang nag exchange nanaman at iba na ang partner ko!

Pagkatapos ng matinding paglalandian at pasapasahan ng kamay. Lol. Sa wakas tapos na at kainan na!! Ang pinaka hintay ko sa lahat!!

Kumuha ako ng maraming Foods! At kumain malamang.

"Hinay-hinay lang hahaha" Angelo

"Oh.. hahaha"

"Ang cute mo!! (Pisil sa pisngi) taba ng pisngi! Baboy" Angelo

"what?! Baboy? Ew ang payat ko kaya para maging baboy!"

"Hahaha kaya nga Angelo" nakisabay at nakitawa naman lahat ng kasabay namin sa table.. maliban sa isa si Richard.

Pagkatapos naming kumain syempre may kantahan na, sayawan at landian hahaha bitter lagi ako? Lol joke no hindi ako bitter ah! Just stating the fact na naglalandian talaga. Lol

May nagyaya sa akin para makipagsayaw. Syempre tinangihan ko. Pero ok fine pumayag nalang ako. Binigyan ako ng chocolate eh!

Mag aalas-11 na pero hindi parin ako niyaya mag sayaw ni Richard. Ok hindi na ako nag expect. Fine! This is fuck! This feelings. Ang.. ang sakit lang kasi!

Hindi ko namalayang tumulo ang luha ko. Gosh pwede pauwiin na kami? Shit bakit pa kasi hanggang 12 pa matapos ang prom namin?! Kainis.

Pumunta ako ng rooftop para magpahangin. Mas mabuti pa at makapag relax ako. Mabuti na yung makalimutan ko sya sandali. Sana.

Nung nakaabot na ako ng rooftop may narinig akong may naguusap. Napaka pamilyar ng boses sa nagsasalita. Parang si.. Trixy at si Richard.

Hindi nila ako napansin kaya tumago ako sa isang halaman. Pinakinggan ko at tiningnan ko sila. Curious ako eh. Sareh

"Richard.. Pinababa ko ang pride ko sayo.. Mahal kita.."

"Trixy.."

"Can you be my boyfriend? Pwede bang alagaan kita?"

What the.. bakit ako nasasaktan? Ang sikip ng dibdib ko.. tumulo ng tumulo ang pesteng luha ko. Fuck nahulog na ba ako sa kanya?! Mahal ko na ba sya? Bwisit!

Hinalikan nya si Trixy

BWISIT!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon