Kabanata 71

20.6K 685 85
                                    

" Mama" narinig ko ang bulong ni Brylle kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa may likod ko kaya napahinto ako.

" What is it, baby?" humigpit ang hawak niya sa balikat ko.

" Mama, the lady is crying. Bakit po ba tayo tumatakbo?"napahinga ako nang malalim at humarap sa may pinanggalingan namin.

" Aedin!' nakita kong hinabol kami ni Aedin.

Napaupo siya sa damuhan at sinubukang gumapang papunta sa amin.

Bumuntong hininga ako, ibinaba si Brylle at tinulungan siyang makatayo.

" Please, let me hold my baby" hysterical niya akong tinignan.

Kinunutan ko siya ng noo.

" Tell me one thing na tayong dalawa lang ang nakakaalam tungkol kay Brylle" she stared straight to my eye.

Akala ko hindi siya makakasagot pero nagsalita siya.

" May nunal siya sa left upper thigh niya" hinihingal nitong sinabi.

Pumikit ako tsaka tumingin kay Brylle na parang gustong lumapit kay Aedin.

" Brylle, come here" ngiti ko dito. Tumango siya at lumapit sa amin.

" Who is she, Mama?"

Napakagat ako ng labi.

" She's your real mother, Brylle" lumayo ako sa kanila at hinayaan na yakapin nang mahigpit ni Aedin si Brylle.

Tumalikod ako sa kanila at nagtungo papunta sa gate.

Ayaw ko na munang manatili dito.

---

Tumigil ako sa paglalakad at nagtatakang tumingin sa isang maliit na cabin sa gitna nung gubat sa may daanan papunta sa mansyon.

Nacurious ako sa kung ano mayroon sa gubat na ito kaya pumasok ako.

sa paglalakad ay napadpad ako dito.

May clearing at walang mga punong nakapaligid sa cabin.

Lumapit ako sa kahoy na cabin at tinignan sa bintana kung may tao sa loob.

Inislide ko ang salaming sliding door at nagulat na bukas ito.

May nakatira ba dito?

Nako! Baka mapagbintangan ako ng trespassing.

" Hello?" nagecho sa buong cabin ang boses ko. Wala namang sumagot sa akin...

Tumingin ako sa labas at siniguradong walang nakakita sa akin bago isara ang sliding door na nasa likod ko.

I don't think na may nakatira dito... Napakaalikabok ng lugar, madaming sapot ng gagabma at napakadumi ng sahig.

Although nakatakip ng tela yung mga appliances at furnitures.

Nilibot ko ang paningin ko.

This cabin is small.

Tatlong kwarto lang ang nasa loob, isa para sa living room, sa isa ay nandoon ang kusina kung saan mayroong lamesa.

Binuksan ko ang isang pintuan at nakita ko ang bedroom na may CR sa gilid.

Kumunot ang noo ko nang mapansing malinis ang kwarto.

Naglakad ako papunta sa CR at malinis din ito.

Isa pang napansin ko ay hindi ganoong kadumi at kaalikabok ang living room.

Umupo ako sa higaan, maayos na nakatiklop ang kumot na nasa unan.

Sa tingin ko ay may pumupunta dito para matulog pero hindi ginagamit yung kusina. Bahagyang gumilid ang ulo ko nang makatapat ang isang aparador.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon