iii

374 13 4
                                    


"Teka lang Jordan," kumawala ako sa hawak niya. "Si Shapira? Bakit wala pa?"

"Don't know. Don't care. This isn't the first time she cuts class. Let's go na Rayneesa! Hayaan mo siya. Baka maunahan tayo nina Leah sa first counter," then he pulled me again. Kami yata ni Jordan ang huling nakalabas sa classroom.

I looked around. Tahimik na ang buong corridor dahil may klase na halos lahat ng estudyante at walang ibang nasa labas maliban sa amin na papunta sa home economics room.

Hindi ako mapakali at panay ang lingon ko sa likod. Why do I get a nagging feeling inside?

"How old are you Sir Hughes?" tanong ni Carlo.

"Eighteen."

So tama ako. He looks pretty young to be substituting though. Baka magaling magluto?

"You aren't studying here?" tanong naman ni Charmaine.

"No. I preferred to study at Ateneo," sagot niya.

Tuloy-tuloy lang ang kwentuhan nila at konti na lang ay malapit na kami sa home economics room. Hindi pa rin mawala ang nararamdaman ko. 

"Jordan," bulong ko sa kaibigan ko. "Punta lang muna ako sa restroom.." palusot ko.

He chuckled and fanned himself. Mapang-asar niya akong tinignan.

"Ano Rayneesa? Sa sobrang kilig mo kay Sir Hughes naiihi ka? Hmm?" he raised a brow and puckered his lips. "I saw you. Natulala ka nang pumasok siya. Yieee.. Harot.."

Shocked at his statement, kumawala ako sa pagkakakapit niya sa akin.

"Huh? What? No! Gross!"

Then everyone stopped talking.

Tingin ko nag-echo pa yata ang boses ko sa lakas ng pagkakasabi ko non.

Charmaine and the others looked at me with wide eyes na para bang nahihibang ako. My mouth formed a small 'o' as I anxiously peered at our substitute teacher. His lips are stretched for a smile but his eyes don't seem like he's amused.

Saka ko lang naisip na baka na-offend ko siya pero imbis na magsorry ay umalis ako para dumiretso nga sa restroom. Bwisit na Jordan yan! Why does he always say ridiculous things?

Nang makalayo ay sinapo ko ang noo ko at sumandal sa marble pillar. Nakakahiya! I am not interested in him or any guy but that doesn't mean he's gross. 

Nandoon pa kaya siya mamaya pag balik ko? Uhmm, maybe because he's our substitute teacher! Should I apologize when I return? Baka naman hindi big deal sa kanya.

Umiling-iling ako. Mamaya ko na iisipin yon. I need to find Shapira first. Saan kaya nagpunta yon?

Kung magka-cutting siya sana ay niyaya niya ako. I don't have any interest in cooking, ganon din naman si Jordan pero mukhang mas interesado yata sa substitute namin ngayon kaya gustong mag-stay.

Aria Academy is huge. Ilang buwan pa lang ako rito ay nalibot ko na ang buong eskwelahan. Alam ko na rin ang mga lugar kung saan pwedeng tumambay at magpalipas ng oras. 

My first stop is the library. Sa laki at madidilim na sulok nito ay naging paboritong tambayan ito ng mga nagchichismisan at gustong magcutting. Bihira lang din naman mag-ikot ang matandang librarian lalo na sa ikalawang palapag nito while when the members of the Student Goverment roams around, maririnig mo agad sila at makakapagtago. Dapat kasi dahan-dahan lang at hindi nagpapahalata para yung huhulihin nila, di sila mapansin agad.

I opened the wide old mahogany double doors of the library. Unang sumalubong sa akin ang mariin at naniningkit na mga mata ng matandang librarian na nasa likod ng semi-circle na mesa.

Dark SkiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon