Prologue

309 6 2
                                    

"Ano yung nabunot mong word?" tanong ni Calyx sa akin. "Scissors." sagot ko.

"Ahh. Yung akin kasi chainsaw. Ang creepy!" sagot niya habang natawa-tawa pa. Napangiti lang ako.

"Sabi naman ni teacher na sa summer vacation daw natin malalaman ang dahilan nito." litanya ko.

Nagsibalikan na sa upuan ang mga kaklase ko nang dumating ang teacher namin.

"Good morning..." sabi ng teacher namin. Nakakatakot ang itsura niya. Sabog-sabog ang buhok, kalat ang make-up, butas ang damit, at nanlilisik pa ang mata. Naramdaman ko din na natakot ang mga kaklase ko. Mas nakakatakot pa dahil nakatingin ito sakin.

"Pasensya na sa itsura ko. Wag niyo na lang pansinin. Haha." naguguluhan talaga kami sa nangyayari. Baliw na ba si ma'am?

"Gusto ko lang ilista ang mga pangalan at kung anong nabunot niyo sa papel niyo." sabi niya sabay labas ng papel.

Isa-isa kaming tumayo at naglista.

Pagtapos namin maglista ay ibinalik na ni ma'am ang papel sa bag niya at nagsalita muli.

"Naguguluhan ba kayo kung para saan ang nabunot niyo? Sa summer vacation niyo malalaman. I'm inviting you na pumunta sa rest house namin sa Cavite."

May natuwa at meron ding seryoso. Kahit ako, seryoso din.

Napabaling ako sa mga nilista ng kaklase ko.

Chainsaw, Acid, Matchstick, Axe, Famish, Bow and Arrow, Glass, at yung sa akin, Scissors.

Puro deadly weapon.

"Class, may sasabihin ako sa inyo pero wag kayo malulungkot ah?" sabi ni ma'am. "Ano po yun?" sabay-sabay naming tanong.

"Aalis na ako sa school na to, for personal reasons. Pero wag kayong mag-alala, ang kapatid ko naman ang papalit sa akin eh." sabay baling ng tingin sakin. At lumabas na siya ng classroom.

Summer VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon