Chapter II

161 4 3
                                    

[Faye]

"Yehey! Ito na ang pinakahihintay natin!" sigaw ni Aly habang nasa mini bus kami. Papunta na kami sa rest house ni ma'am.

"Don't be so excited. 4pm pa lang. At 6 hours pa ang biyahe." sabi ni Patrick, ang snobbish at masunget sa room namin. Pinandilatan lang siya ni Aly.

"Bawal ang KJ dito. Layas!" sigaw niya. Bumalik naman sa pagtulog si Patrick.

Sayang at wala si ma'am dito. Pero baka nag-aayos sa resthouse yun.

***

"Uy, gurl, andito na tayo." sabi niya sabay batok sa akin. Agad naman akong napadilat.

"Oo na, di mo na kelangan mambatok." pagbibiro ko habang kinukuha ang gamit ko sa ibabaw. Pagtapos ay lumabas na kami.

Paglabas ko ay bumungad samin ang isang malaking villa. Isang word lang ang masasabi ko, maganda.

Pagpasok naming 30 students ay nagulat kami. Sobrang laki ng bahay na ito. Pwede magtaguan. And also, may mapa pa sa center ng bahay.

Sa first floor ay makikita ang living room, kitchen, dining room, parlour, Servant's quarter, at entry. Sa second floor naman ay may Guest Quarters, Guest bathroom, taxidermy room, at game room. Sa third floor ay may Master's bedroom, master's bathroom, library, study, nursery, at wardrobe. Sa tinuturing naman nilang "tower" ay may widow's walk at attic. Ang creepy ng bahay lalo na't may attic ito.

"Hey, you need help?" tanong ng lalaking nasa likuran ko pala.

Medyo matangkad, I think, 5'10, may itsura and I think nasa mid-30s or 40s.

"Uhhm, wala po. Tiningnan ko lang po yung mapa."

"Ahh. Sige. Tara, kumain na tayo dun, hinihintay ka na ng mga kaklase mo dun." sabi niya. Pero kanina pa siya seryoso.

Hinatid niya ako sa dining room kung saan andoon LAHAT ng classmates ko. Grabe, nagkasya kaming lahat doon, nakaupo pa. Yung lalaki naman kanina ay pumunta daw sa kusina para ihanda ang kakainin namin.

"Sino yun?" tanong ni Alex, ang childish samin.

"Di ko din alam, siguro asawa siya ni ma'am." sagot ko.

"Oo nga, nasan si ma'am?" tanong ni Mitch.

"Tanungin natin mamaya." sabi ni Aly.

After 30 minutes na paghihintay namin ay pumasok na ulit yung lalaki kanina. Isa-isa niyang nilapag ang mga pagkain mula sa buffet tray niya papunta sa table namin. Napakabango ng amoy.

"Uhhm. Nagugutom na ako." sabi ni Calyx.

Pati ang mga kaklase ko ay gutom na din. Kahit ako. Nakakatakam talaga.

"Wow, ang sarap!" nabaling ang atensyon namin sa dulo. Paano ba naman kasi, kumain na si Danny ng pasta na nakatapat sa kanya.

"Hahaha." natawa na lang si Kuya sa inasal niya.

***

Sa gitna ng pagkain namin ay bigla na lang nagsalita ang bibig ko.

"Nasaan po si Ma'am De Guzman?" tanong ko. Napunta ang atensyon ng kaklase ko sa akin. Tunog lang kasi ng mga plato ang naririnig dito.

"Ahh, kasi,...ano,"

"Ano?" tanong ko. Bumilis ang kabog ng dibdib ko.

"Nawawala ang asawa ko."

Summer VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon